Chinese Horoscope Nobyembre 23, 2020

909

Daga (Rat)

Huwag kang maging maluho para hindi mo na problemahin pa ang pera. Makuntento ka na lang sa kung ano ang mayroon ka. Isipin mo na lang na mapalad ka kaysa iba dahil mayroon kang trabaho.

Masuwerteng numero; 18, 34, 56, 61

Baka (Ox)

Maging mapagmasid ka. Hindi mari iyong paniniwalaan mo na lamang ang sinasabi ng mga nakapaligid sa’yo. Okay lang naman ang magtiwala. Huwag lang iyong magmistulan ka ng uto-uto sa paningin ng mga taong pinagkakatiwalan mo pero niloloko ka naman. Umiwas ka sa mga sitsirya, masama ‘yan sa kalusugan. Iyon nga lang, masarap talaga ang bawal.

Masuwerteng numero; 3, 12, 23, 31

Tigre (Tiger)

Huwag mong balewalain ang iyong pamilya, partikular na ang nanay at tatay mo. Hindi habambuhay ay naririyan sila. Sana ay sulitin mo ng makasama sila palagi. Sabihan mo rin sila lagi ng I love you.

Masuwerteng numero; 13, 19, 39, 60

Kuneho (Rabbit)

Mahal na mahal ka ng kasintahan mo kaya huwag mo siyang sasaktan. Wala ka ng makikitang tulad niya. Tandaan mo rin, lahat ng bagay, pati na ang damdamin ay mayrong hanganan. Huwag mong gustuhin na mapigtal na ang pagmamahal niya sa’yo. Tandan mo lang na masuwerte ka sa kulay Abo.

Masuwerteng numero; 30, 45, 47, 52

Dragon

Huwag mong isipin na ikaw na ang pinakamagaling na tao dahil hindi. Huwag masyadong bilib sa sarili dahil darating ang araw, babagsak ka rin. Mas mabuti pang gumawa ka ng kabutihan para hindi ka makalimutan ng mga tao lalo na ang minamahal mo. Masuwerte ka sa kulay na pink at puti.

Masuwerteng numero; 4, 53, 67, 69

Ahas (Snake)

Kawawa ka ngayon dahil naloko ka ng kamag-anak mo sa pera. Scammer pala siya. Ikaw naman kasi, gusto mong yumaman ng biglaan. Hindi dapat ganon. Mas maigi pa rin kung paghihirapan mo ang mga bagay na gusto mong makuha.

Masuwerteng numero; 11, 20, 36, 45

Kabayo (Horse)

Habang tumatagal ay nakikita mo ang kanyang tunay na ugali. Sabihin mo ngayon, magagawa mo pa ba siyang mahalin? Kung nararamdaman mo na wala ka ng respeto at tiwala sa kanya hiwalayan mo na. Hindi kasi makakabuti ‘yan sa’yo. Malas ka sa kulay na itim at pula. Itago mo rin ang lahat ng bagay na matulis. Kapahamakan ang ibibigay niyan sa’yo.

Masuwerteng numero; 38, 44, 56, 67

Tupa (Sheep)

Nais mo ba talagang sundin na lang ang gusto niya. Pwede ba, may sarili kang isip. Gamitin mo ‘yan para makapagdesisyon ka. Mapalad ka at may taong tunay na nagmamahal sa’yo. Siya na lang ang mahalin mo. Kunsabagay, di naman natuturuan ang puso. Masuwerte ka kapag umulan mamaya.

Masuwerteng numero; 7, 17, 34, 59

Unggoy (Monkey)

Lagot ka kay Labs, nakalimutan mo na anniversary n’yo kaya naghintay siya sa’yo magdamag. Busy ka sa trabaho kaya nabalewala mo siya. Hindi porke mahal ka niya, sasaktan mo na lang siya lagi. Baka isang araw ay magsabi na siyang ‘break na tayo’. Sige, uminom ka ng tubig para makapag-isip ka.

Masuwerteng numero; 15, 22, 44, 62

Tandang (Rooster)

Kung gusto mong yumaman, magtrabaho ka. Huwag kang umasa sa sugal dahil maghihirap ka lang diyan. Mag-ipon ka na lang at mararamdaman mong dumarami na ng hsto ang iyong pera. Masuwerte ka dahil lahat ng kulay ng pera ay nakikita ko sa’yo. Orange, pula, violet, grean at blue. Pati na rin ang silver.

Masuwerteng numero; 2, 9, 47, 48

Aso (Dog)

Iwanan mo na ang nakaraan. Hindi ka na babalikan ng ex mo. May iba na siyang mahal. Mabuhay ka sa kasalukuyan at malalaman mo na lamang na kaharap mo na ang lalaking karapat-dapat sa pagmamahal mo. Kulay gold ang suwerte mo.

Masuwerteng numero; 31, 33, 48, 63

Baboy (Pig)

Huwag kang antukin. Hindi ‘yan makabubuti sa’yong negosyo. Talon-talon ka na lang para hindi lang antok ang mataboy mo pati na rin ang malas. Hinga nang malalim at magsabing ‘kaya ko ito’. Determinasyon kasi ang kailangan para suwertehin ka.

Masuwerteng numero;  14, 20, 45, 55

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here