Chinese Horoscope; Nobyembre 23

149

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hindi mo malalaman ang nais mong malaman tungkol sa isang kaibigan dahil marami ang makakahadlang para matunton mo ang tunay niyang pagkatao. Mas makakabuti kung ititigil mo na muna ang pag-iimbestiga.

Masuwerteng numero; 3,10,17,20

BAKA (OX)

Maganda ang pangako ng bukas para sa iyong negosyong hinahawakan ngayon. Panatilihin mo ang pagiging positibo sa lahat ng oras sa kabila ng ilang negatibong pwersa na magtatangkang guluhin ang iyong pinagkakakitaan.

Masuwerteng numero; 14,21,34,35

TIGRE (TIGER)

Sa kabila ng hindi nyo pagkakaintindihan ng iyong karelasyon sa ilang mahahalagang aspeto ng inyong buhay ay mananatiling mas matimbang ang inyong pagmamahalan kaya pipiliin nyo pa rin ang magsama kahit pa marami ang tumutol.

Masuwerteng numero; 4,15,22,30

KUNEHO (RABBIT)

Hindi magiging mabigat ang araw mo kung bibigyan mo ng pagkakataon ang sarili na maglibang kahit sandali. Pwede mong iwan ang trabaho pansamantala para magkape at magmuni muni nang sa gayon ay makapag-isip ka ng mabuti.

Masuwerteng numero; 35,40,46,48

DRAGON (DRAGON)

Malaki ang magiging role mo para mapag-ayos ang dalawang kaibigan na may hindi pagkakaunawaan sa kasalukuyan. Subalit bago mo ito gawin ay alamin mo muna ang lahat ng detalye kaugnay nito upang hindi ka magkamali.

Masuwerteng numero; 5,8,19,31

AHAS (SNAKE)

Hindi mo maiiwasan na makapanghiram ng pera sa pagkakataong ito. Sa unang pagkakataon ay mabibigo ka sa tao na iyong lalapitan. Ang pangalawa ang siyang makakapagbigay ng tulong sa’yo kung sino pa ang hindi mo inaasahan.

Masuwerteng numero; 52,54,66,68

KABAYO (HORSE)

Maraming bagay ang gugulo sa isip mo ngayon kaugnay sa trabaho. Masyadong maraming pagbabago kang kakaharapin at sa tingin mo ay hindi mo ito kakayanin na mag-isa kaya naman hahanap ka ng makakatulong.

Masuwerteng numero; 16,34,55,60

TUPA (SHEEP)

Iba ang lalabas sa iyong bibig sa ibinubulong ng iyong puso. Sa pagkakataong ito ay mas pipiliin mo na pakinggan ang sinasabi ng iyong utak kaysa sa ipinipilit ng iyong damdamin dahil nadala ka na sa mga pinagdaanan.

Masuwerteng numero; 47,50,69,72

UNGGOY (MONKEY)

Makakaranas ng matinding pananakit ng ulo. Mas makakabuti kung magpapatingin dahil ang pananakit ng iyong ulo ay may pinanggagalingan. Sikapin na makainom ng gamot kung gustong umige ang pakiramdam.

Masuwerteng numero; 36,43,54,69

TANDANG (ROOSTER)

Maging maingat sa mga taong pinagbibigyan mo ng impormasyon. Hindi masamang magtiwala lalo na sa isang kaibigan subalit dapat ding matutong mag-ingat kapag tungkol na sa maseselang bagay na hindi lang ikaw ang apektado.

Masuwerteng numero; 11,13,25,26

ASO (DOG)

Magiging kapaki-pakinabang ang araw na ito para sa’yo. Marami kang matatapos na gawain. Dahil maaga kang makakatapos sa iyong mga responsibilidad kaya naman magkakaroon ka pa ng time para maglibang.

Masuwerteng numero; 20.30,42,53

BABOY (PIG)

Muling iiral sa’yo ang pagiging emosyonal dahil sa isang tao mula sa iyong nakaraan na nakatakda mong makita sa araw na ito. Subukang pigilan ang sarili sa abot ng iyong makakaya upang hindi na makalikha pa ng gulo.

Masuwerteng numero; 57,66,73,75

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here