Chinese Horoscope Nobyembre 22, 2020

1079

Daga (Rat)

Huwag kang lamon nang lamon dahil masisira ang figure mo. Ang kailangan mo, maka-recover sa pag-iwan sa’yo ng walang kuwenta mong dyowa, huwag mong sirain ang buhay mo dahil sa kanya. Makakatagpo ka pa ng lalaking magmamahal sa’yo. Sa 2021 ay mami-meet mo na siya. Hintayin mo na lang siya at sinisigurado ng iyong tadhana, magiging mala-Reyna ka.

Masuwerteng numero; 8, 14, 36, 51

Baka(Ox)

Matulog ka na lang badtrip ka. Kapag lalabas ka lang sa kuwarto mo, makakatagpo ka ng kaaway. Hindi mo naman siguro gugustuhing masaktan ang sinumang mahal mo sa buhay dahil simula ‘yan ng pagbabago ng inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 8, 14, 36, 51

Tigre (Tiger)

Lahat ng tao ay mapalad kung may matalik na kaibigan. Mapalad ka at may kaibigan kang masahan. Kaya ang payo ko sa’yo, pahalagahan mo ng husto ang inyong friendship. Mapalad ka sa numerong 7 at kulay berde.

Masuwerteng numero; 8, 14, 36, 51

Kuneho (Rabbit)

Manahimik ka muna ngayon. Sa kadaldalan mo kasi, maraming nag-away-away. Masuwerte ka kundi ka makikita ng taong galit na galit sa’yo dahil baka mapahiya ka lang. Kaya, umuwi ka na at magkulong na lang sa kuwarto mo

Masuwerteng numero; 8, 14, 36, 51

Dragon

Suwerte ka ngayon. Magkakapera ka na, makikilala mo pa ang mahal mo at makakasama sa habambuhay. Congrats. Hindi ko rin makita kung san ka mamalasin. Marahil, hindi papasok sa sistema mo ngayon ang kamalasan. Ipanalangin mo na lang na magtuloy-tuloy ‘yan dahil baka kapag minalas ka, magkasunud-sunod.

Masuwerteng numero; 8, 14, 36, 51

Ahas (Snake)

Dahil sa problemang kinakaharap mo, maiisipan ng lalaking minamahal mo na tulungan ka. Malasin ka man sa pera ngayon, suwerte ka naman sa’yong lovelife. Kaya, magiging masaya ka pa rin. Sana lang ay gamitin mong inspirasyon ang mahal mo para umangat ka. Mapalad ka ngayon sa pula.

Masuwerteng numero; 8, 14, 36, 51

Kabayo (Horse)

Hindi naman mahirap sa’yo na solusyunan ang problema kung magsisipag ka. Kaya, huwag kang tamad diyan kung ayaw mong malasin ng dalawang taon. Ito na kasi ang huling araw ng suwerte mo. Kung hindi ka pa magbabago, lahat ng kulay ng pera ay hindi mo na masisilayan pa. Kaya, ang numero mo na lang, zero

Masuwerteng numero; 8, 14, 36, 51

Tupa(Sheep)

Iwasan mo ang makipag-away dahil nakaka-turn off kapag nakita ka ng crush mo na nakikipag-away. Isa pa, ang mabubuting tao ay mas binibiyayaan ng grasya. Mapalad ka at nitong nakalipas na araw ay sinusuwerte ka. Huwag mong hayaan na magbago iyon sa isang iglap. Mapalad na kulay blue, as in, blue bills.

Masuwerteng numero; 8, 14, 36, 51

Unggoy (Monkey)

Be happy. Kahit na tambak ang iyong trabaho, hindi ‘yan basehan magsungit ka sa’yong kapamilya. Alalahanin mo, sila ang dahilan kaya gusto mong umangat sa buhay. Kaya, maglaan ka rin ng oras sa’yong pamilya lalo na sa iyong mga anak na nangangailangan ng pagmamahal ng kanilang magulang.

Masuwerteng numero; 8, 14, 36, 51

Tandang(Rooster)

Hindi porke mataba ka, pangit ka na. Marami lang talagang pintasera riyan kaya huwag kang magpapaapekto. Gayunpaman, mas maigi pa ring magbawas ka ng timbang. Ito naman ay para lang maging healthy ka. Mahirap naman kasi kung bigla ka na lang aatakihin diyan. Alalahanin mo, mahirap buhatin ang mataba. Kaya, umiwas ka sa pagkaing may stick. Baka ‘yan ang maging dahilan para mawalan ka ng malay.

Masuwerteng numero; 8, 14, 36, 51

Aso (Dog)

Ito na ang oras para makita mo ang itinadhana para sa’yo. Ang problema lang, hindi mo pa siya makikilala dahil magkakasalubong lang naman ang landas ninyo. Sana ay baguhin mo na rin ang masama mong ugali dahil makatatagpo ka lang ng kaaway. Hindi mo naman siguro gusto iyon. Kaya mag-ingat ka. Umiwas ka muna sa kulay itim dahil mamalasin ka.

Masuwerteng numero; 8, 14, 36, 51

Baboy(Pig)

Magtrabaho ka. Huwag kang make-up nang make-up diyan dahil kapag nakita ka ng Big Boss, siguradong masesesante ka. Hindi lahat ng lalaki ay gusto ang babaeng puro pintura ang mukha kaya pwede ba, huwag kang maarte. Mamalasin ka talaga sa maraming kulay kaya itago mo na ang make-up kit mo. Wala kang mapalad na numero ngayon kaya better luck next time.

Masuwerteng numero; 8, 14, 36, 51

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here