Chinese Horoscope Nobyembre 21

90

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Magiging makabuluhan ang araw na ito dahil ikaw ay ma-iinvolve sa isang aktibidad na may kinalaman sa inyong pamayanan. Kahit hindi ka sanay sa mga ganitong gawain ay hindi mo aakalain na mag-eenjoy ka rito.

Masuwerteng numero; 42,44,51,57

BAKA (OX)

Makakaramdam ka ng pagtatampo sa iyong mahal dahil sa mga mababasa mo sa social media. Kaya naman ang araw mo ay hindi magiging maganda. Buong maghapon at magdamag mo itong ipagmumukmok.

Masuwerteng numero; 21,32,35,40

TIGRE (TIGER)

Magkakaroon ng pagbabago sa iyong isip na may kaugnayan sa hinahawakan mong negosyo. Ito ay bunsod ng ilang opinyon na maririnig mo mula sa mga tao na alam mong mas higit ang kaalaman sa pagpapatakbo negosyo kaysa sa’yo.

Masuwerteng numero; 13,14,23,25

KUNEHO (RABBIT)

Magiging malaya ka ngayon sa pagpapasya kung ano ang pipiliin mo sa pagitan ng bagay na gustong gusto mo at sa isang pagkakataon na gawin ang isang adventure na pinakahihintay mo rin. Pareho itong makakabuti para sa’yo.

Masuwerteng numero; 33,46,65,67

DRAGON (DRAGON)

Dahil sa iyong pagmamadali ay makakagawa ka ng isang pagkakamali na bagamat maliit na pagkakamali lang ito ay malaki naman ang magiging epekto nito sa iyong trabaho. Mauudlot ang isang oportunidad dahil dito.

Masuwerteng numero; 15,16,19,30

AHAS (SNAKE)

Ikaw ang siyang mag-aadjust sa iyong karelasyon sa pagkakataong ito. Wala kang magagawa dahil ikaw ang siyang higit na nakakaunawa sa kanyang pinagdaraanan sa ngayon. Mahihirapan ka pero hindi ka susuko.

Masuwerteng numero; 12,18,34,41

KABAYO (HORSE)

Magiging maalwan ang trabaho mo sa araw na ito dahil wala kang boss. Magagawa mo ng may laya ang mga gusto mong gawin at makakapagtrabaho ka ng magaan at panatag. Ang buong maghapon sa trabaho ay payapa.

Masuwerteng numero; 30,37,49,54

TUPA (SHEEP)

Makakaramdam ka ng pagsisisi dahil sa hindi mo pagsunod sa payo ng nakatatanda sa’yo. Ngayong araw ay mare-realize mo na hindi mo dapat pinapairal ang tigas ng ulo mo sa lahat ng pagkakataon at oras na gusto mo.

Masuwerteng numero; 4,10,15,22

UNGGOY (MONKEY)

Dahil sa tagal ng update na hinihintay mo ay makakaramdam ka ng labis na pagkainip kaugnay nito. Panghihinaan ka ng loob pero hindi mwawala sa’yo ang kumpiyansa sa sarili. Mananatili kang positibo para rito.

Masuwerteng numero; 3,11,20,29

TANDANG (ROOSTER)

Isang pagtatalo ang magaganap sa pagitan nyo ng iyong mahal. Ang hindi nyo pagkakaunawaan ay may kinalaman sa inyong mga kamag-anak. Dahil ayaw mo na lumala ito ay ikaw ang siyang magpaparaya para sa kanya.

Masuwerteng numero; 42,67,68,70

ASO (DOG)

Magiging mabigat para sa’yo ang iyong pag-alis dahil alam mo na meron kang tao na masasaktan sa oras na ikaw ay humakbang paalis ng bahay. Pero wala kang mapagpipilian, kailangan mong magsakripisyo para na rin sa kanila

Masuwerteng numero; 32,43,50,56

BABOY (PIG)

Mauudlot ang trabaho na hinihintay mo sa araw na ito. Dahil dito kaya magkakaroon ka ng pagkakataon na makipagkita at makipag-usap sa isang tao na inaasahan mong makakatulong sa iyong problemang pinansiyal.

Masuwerteng numero; 5,16,24,27

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here