Chinese Horoscope, Nobyembre 16, 2020

1110

DAGA (RAT)

Normal lang ang makaramdam ng lungkot kung may dahilan. Pero kung bigla mo itong mararamdaman ng wala kang dahilan, maaaring may kinalaman ito sa mga mahal mo sa buhay na nasa malayo at malalaman mo ito sa mga susunod na araw

Masuwerteng numero; 10,32,45,56

BAKA (OX)

Isang tao ang hindi mo inaasahang magpapalakas ng loob mo sa mga pinagdaraanan mo ngayon. Siya kasi ang huling tao na inaasahan mong dadamay sa’yo. Kaya naman ang paglapit niya sa’yo ay magbibigay sa’yo ng kapanatagan.

Masuwerteng numero; 17,32,44,50

TIGRE (TIGER)

Isang magandang pagkakataon ang araw na ito para dalawin ang isang kamag-anak na nasa malayo. Matagal na niyang hinihintay ang inyong pagdating dahil sa binitawan mo noong pangako. Hindi ka na dapat magdalawang isip pa.

Masuwerteng numero; 10,11,21,22

KUNEHO (RABBIT)

Maganda ang performance na ipapakita mo sa trabaho kaya naman hindi na magtataka ang iyong mga kasamahan kung makatanggap ka man ng recognition mula sa mga nasa itaas. Pero ikaw mismo ang hindi makapaniwala.

Masuwerteng numero; 8,12,23,29

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka magdadalawang isip ngayon na tulungan ang isang kamag-anak na nangangailangan ng tulong. May utang na loob ka sa kanya at wala siyang masamang tinapay sa’yo kaya naman magaan ang loob mo na ibalik sa kanya ang tulong.

Masuwerteng numero; 20,30,41,57

AHAS (SNAKE)

Maboboring ka sa loob ng bahay kaya’t susubukan mong magtawag ng mga kaibigan upang mapasaya ang araw mo. Pero lahat sila ay busy at wala kang makakasama isa man sa kanila kaya no choice ka kundi libangin ang sarili sa social media.

Masuwerteng numero; 9,13,14,15

KABAYO (HORSE)

Ikagugulat mo ang magiging desisyon ng isang mahal sa buhay. Wala sa pagkatao niya ang makakagawa ng isang bagay na hindi katanggap tanggap. Pero mapapaisip ka rin kung bakit niya ito nagawa at sa tingin mo ay hindi mo rin siya masisisi.

Masuwerteng numero; 6,18,34,36

TUPA (SHEEP)

Kahit na gigil na gigil ka na at banas na banas sa iyong kapitbahay kailangan mo pa ring piliin na kumalma. Anumang marahas na pagkilos ang gawin mo ay hindi magbubunga ng mabuti kaya habaan mo pa ang iyong pasensya.

Masuwerteng numero; 11,57,59,68

UNGGOY (MONKEY)

Ikaw yung tao na hindi gaanong nagbibigay ng halaga sa nakaraan ng taong mahal mo. Mas importante sa’yo ang kasalukuyan at hinaharap. Kaya naman anuman ang pinagdaanan ng taong nagpapasaya sa’yo ngayon ay wala kang pakialam.

Masuwerteng numero; 10,12,13,40

TANDANG (ROOSTER)

Magiging mabilis lang ang pagproseso sa dokumentong hinihintay mo. May tutulong sa’yo para mapadali ito kaya naman labis labis ang iyong magiging pasasalamat sa kanya. Tatanawin mo itong isang malaking utang na loob.

Masuwerteng numero; 7,18,29,33

ASO (DOG)

Magiging magaan na ang pakiramdam mo dahil nasa tabi mo ngayon ang lahat ng mahal mo sa buhay. Mararamdaman mo ang kanilang pagmamahal kaya makukuntento ka at magiging panatag sa piling nila. Ipagpapasalamat mo ito sa Diyos.

Masuwerteng numero;12,13,24,25

BABOY (PIG)

Isang oportunidad ang darating sa’yo ngayong araw. Maaaring hindi mo agad ito mapansin. Talasan ang iyong pakiramdam dahil ang oportunidad na para sa’yo ay baka mapunta pa sa iba. Maging aware sa mga nakapaligid.

Masuwerteng numero; 18,29,46,76

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here