Chinese Horoscope; Nobyembre 16

170

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Magkakaroon ka ng pagkakataon para makipagbonding sa iyong mga kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita. Ang araw na ito ay mapupuno ng masasayang kuwentuhan at kulitan kaya maging memorable ito para sa inyo.

Masuwerteng numero; 14,16,20,28

BAKA (OX)

Hindi ka nila hahayaan na gawin ang gusto mo dahil alam naman nila na hindi ito makakabuti para sa’yo. Hindi ito ang oras para pairalin ang katigasan ng iyong ulo. Matutong makinig sa mga nakakatanda lalo na sa iyong mga magulang.

Masuwerteng numero; 13,15,19,22

TIGRE (TIGER)

Huwag mong ipilit ang sarili mo sa isang tao dahil meron namang nagmamahal sa’yo ng tunay. Kailangan mo lang idilat ang mga mata mo sa katotohanan kung ayaw mo nang maranasan ulit ang nararanasan mo ngayon.

Masuwerteng numero; 34,45,46,57

KUNEHO (RABBIT)

Mahalaga ang araw na ito para sa iyong kaibigan at alam mo na kailangan niya ang iyong suporta bilang itinuturing ka niyang malapit niyang kaibigan. Pero makakalaban mo ngayon ang sarili dahil sa mararamdamang katamaran na umalis ng bahay.

Masuwerteng numero; 51,53,64,66

DRAGON (DRAGON)

Iwasan mo munang maglalabas ng bahay dahil hindi ito magandang araw para sa paglilimayon. Maaari kang makaramdam ng hindi maganda sa katawan habang ikaw ay nasa galaan kaya mas makakabuting manahimik na lang muna sa bahay.

Masuwerteng numero; 30,39,45,53

AHAS (SNAKE)

Isang magandang oportunidad ang naghihintay sa’yo ngayong araw na ito. Hindi mo mapapaniwalaan kung sino ang maghahatid sa’yo ng oportunidad na ito pero sa halip na magtaka ay dapat ka na lang matuwa at magpasalamat.

Masuwerteng numero; 3,4,11,16

KABAYO (HORSE)

Ang dating samahan nyo na minsan nang nagkaroon ng lamat ay muling mabibigyang buhay ngayon. Isang mahalagang tao para sa’yo ang mamamagitan at siyang gagawa ng paraan upang ang inyong grupo ay muling mabuo.

Masuwerteng numero; 15,37,38,49

TUPA (SHEEP)

Iwasan ang mag-isip ng negatibo. Hindi ito makakatulong sa’yo. Mas makakabuti na palitan ng positibong pananaw ang mga hindi magagandang naiisip upang umakit din ito ng isang magandang araw para sa’yo.

Masuwerteng numero; 40,49,51,62

UNGGOY (MONKEY)

Sa araw na ito ay bibigyang laya mo ang iyong damdamin. Kahit wala pa sa plano mo ay mapipilitan ka na ipahayag ang iyong saloobin tungkol sa isang usapin na matagal ng bumabagabag sa’yo at sa pagkakataong ito ay wala ng makakapigil sa’yo.

Masuwerteng numero; 30,33,47,50

TANDANG (ROOSTER)

Maaga pa para magdiwang. Kakailanganin mo munang gugulin ang araw na ito para sa mas makabuluhang bagay at gayundin sa mga detalye ng suwerteng pinakahihintay mo. Ito ay para maiwasan ang pagkaudlot nito.

Masuwerteng numero; 64,65,78,79

ASO (DOG)

Ingatan mo ang mga salitang bibitawan sa iyong mahal. Huwag mo siyang pagsabihan ng mga bagay na wala kang ibang basehan kundi salita ng ibang tao. Hindi ito makakatulong sa inyong relasyon. Mas makakabuti kung aalamin mo muna ang totoo.

Masuwerteng numero; 51,62,73,84

BABOY (PIG)

Malulunod ka sa pagmamahal ngayong araw dahil mapapalibutan ka ng mga taong labis ang pagmamahal sa’yo. Sila yung tipo na kailangan mong i-keep sa buhay mo at hindi ang iba na may ibang pakay lang sa’yo.

Masuwerteng numero; 17,18,25,36

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here