Chinese Horoscope; Nobyembre 13

67

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Marami kang hindi maiintindihan sa ipapaliwanag sa’yo ng isang tao kaya kakailanganin mo pa ng ibang tao upang ipaliwanag ulit ito sa’yo. Maging matiyaga at lawakan pa ang pang-unawa kung nais na matutunan ang isang bagay.

Masuwerteng numero; 21,25,34,37

BAKA (OX)

Hindi ikaw ang superhero na napapanood mo sa pelikula kaya hindi mo kailangang akuin ang lahat ng problema nila. Pero may katigasan ang iyong ulo at gagawin mo pa rin. Huwag kang umasa na makakaya mo itong solusyunan lahat.

Masuwerteng numero; 13,15,20,42

TIGRE (TIGER)

Hindi ka pangingilagan ng isang tao dahil takot siya sa’yo kundi pangingilagan ka niya dahil may isang mahalagang tao sa buhay niya na isinasaalang-alang niya. Mas makakabuti kung paanatilihin mo ang inyong distansya.

Masuwerteng numero; 11,16,17,28

KUNEHO (RABBIT)

May mamamagitan sa inyo ng iyong karelasyon na hindi pagkakaunawaan  at ito ay magsisimula lamang sa isang maliit na bagay. Hindi na ito lalala pa kung hindi mo igigiit sa kanya ang pinaniniwalaan mo tungkol dito.

Masuwerteng numero; 1,2,4,6

DRAGON (DRAGON)

Ikaw ang magkakaroon ng pagkakataon ngayon para magdesisyon tungkol sa isang mahalagang bagay na may kaugnayan sa iyong pamilya. Bago ka magdesisyon ay maraming opinyon kang pagbabasehan at ikokonsidera.

Masuwerteng numero; 14,25,27,38

AHAS (SNAKE)

Sanay ka ng mabigo at masaktan dahil ilang beses mo na itong napagdaanan subalit sa kabila ng lahat ay labis mo pa ring ipagdaramdam ang kabiguang mararanasan ngayon pero di tulad ng dati, alam mo na ngayon kung paano magmove on.

Masuwerteng numero; 13,14,21,30

KABAYO (HORSE)

Ang problema ay pinagdaraanan lang at hindi dapat tinatambayan. Kung hindi ka hahakbang palayo sa iyong comfort zone ay lalaki ang problema na niyayakap mo ngayon at patuloy ka nitong kukunsumihin hangga’t di mo binibitawan.

Masuwerteng numero; 43,45,54,67

TUPA (SHEEP)

May pagbabago kang mararanasan sa iyong sarili ngayong araw. Ito ay ang pananaw mo tungkol sa isang bagay na dati ay binabalewala mo lang. Malaki ang maitutulong nito sa pagkatao mo at sa iyong hinaharap.

Masuwerteng numero; 2,5,18,19

UNGGOY (MONKEY)

Ngayong araw ay magwawakas na rin ang kaba mo na may kaugnayan sa isang malaking proyekto na pinakaaasam asam mo. Makakamit mo ang inilaan ng Diyos para sa’yo dahil alam niya ang mabuti mong intensyon.

Masuwerteng numero; 32,33,43,56

TANDANG (ROOSTER)

Marami kang magagawa ngayong araw na ito. Matatapos mo ang mga gawain na hindi mo natapos nitong mga nakaraang araw. Ito ay dahil pansamantala kang maglaog out sa social media kaya’t mas higit na magiging kapaki-pakinabang oras mo.

Masuwerteng numero; 7,8,10,22

ASO (DOG)

Wala kang dapat ipag-alala sa isang kapamilya na aalis. Magiging maayos siya sa kanyang pupuntahan. Mas kailangan mong pagtuunan ng pansin ang iba pang miyembro ng pamilya na kasama mo sa bahay dahil kailangan nila ang atensyon mo.

Masuwerteng numero; 28,36,49,52

BABOY (PIG)

Isang hindi magandang salita ang mabibitawan mo at ito ay makakarating sa tao na pinatutungkulan mo. Magdudulot ito ng hindi pagkakaunawaan kaya sa susunod ay matutong mag-ingat sa mga salitang ilalabas sa bibig.

Masuwerteng numero;50,56,67,69

SHARE
Previous articleSenyales kapag walang utang na loob ang tao
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Nobyembre 14, 2019

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here