Chinese Horoscope; Nobyembre 11

71

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hindi mo kailangang madaliin ang isang bagay na mahalaga sa’yo. Dapat mo itong pag-isipan ng mabuti hanggang sa maging pulido na ito para sa’yo. Mas magiging maganda ang resulta nito kung hihimayhimayin mo ang bawat detalye.

Masuwerteng numero; 11,13,24,25

BAKA (OX)

Huwag kang matakot sa sasabihin ng iba. Mas matakot ka sa mararamdaman mo kapag hindi ka nakinig sa mga taong tunay na nagmamalasakit sa’yo. Maaari kang ipahamak ng sarili mong damdamin kung magiging matigas ang iyong ulo.

Masuwerteng numero; 4,5,7,9

TIGRE (TIGER)

Maaliwalas ang araw na ito para sa’yo. Magiging magaan ang mga nakaatang na gawain sa trabaho. Enjoyin mo lang ang bawat oras na lilipas dahil ligtas ka ngayon sa mga hassle hanggang sa matapos ang araw.

Masuwerteng numero; 12,18,20,27

KUNEHO (RABBIT)

Ang pagkagiliw mo sa mga bata ang siyang magbibigay sa’yo ng kalungkutan. Ipapaalala nito sa’yo ang lungkot na naranasan mo sa nakalipas na taon. Mas makakabuti kung mag-uunwind kasama ang mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 22,31,34,40

DRAGON (DRAGON)

Kakailanganin mong magdesisyon ngayong araw. Dapat ka nang mamili sa pagitan ng dalawang tao kung sino ang mas matimbang sa puso mo. Kung hindi mo ito gagawin ngayon ay pareho lang silang aasa at hindi mo maiiwasan na pareho rin silang masaktan.

Masuwerteng numero; 26,35,55,69

AHAS (SNAKE)

Mas mabigat pa ang mga pagsubok na pinagdaanan mo dati kaysa ngayon subalit ngayon mo higit na mararamdam ang bigat dahil wala na ang tao na palagi mong kaagapay noon sa bawat problemang iyong kinaharap.

Masuwerteng numero; 14,15,22,39

KABAYO (HORSE)

Sa inyong dalawa ikaw ang magbibigay ng mas mahabang pasensya. Sa kabila ng kanyang pagsusungit ay mauunawaan mo pa rin siya dahil alam mo kung ano ang kanyang pinagdadaanan sa ngayon na dapat mong intindihin.

Masuwerteng numero; 52,54,58,61

TUPA (SHEEP)

Labis mong ikatutuwa ang magiging resulta ng iyong pagpupulong kasama ang mahahalagang tao sa iyong trabaho. Isang magandang proyekto ang matatapat sa’yo at maisasara mo agad ang deal na ito kaya magpasalamat ka kay Lord.

Masuwerteng numero; 42,53,67,78

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo kailangang abusuhin ang isip at katawan alang-alang sa iyong kikitain. Kung wala ka sa mood at hindi maganda ang iyong pakiramdam ay sige lang at magpahinga ka. Kumain ng gusto mong kainin upang mabawi ang lakas.

Masuwerteng numero; 12,13,30,39

TANDANG (ROOSTER)

Magiging kapaki-pakinabang ang araw na ito para sa’yo katulong ang iyong mahal. Isang magandang bonding ang mapipili nyo na may kinalaman sa ikauunlad ng inyong kabuhayan. Mananatiling positibo ang buong araw hanggang sa gabi.

Masuwerteng numero; 45,66,78,80

ASO (DOG)

Mahihirapan kang kumbinsihin ang isang tao na pumanig sa’yo. Gayunpaman, may isa namang darating na willing makinig sa’yo at handang intindihin ang lahat ng mga plano mo. Dapat mo na itong ipagpasalamat.

Masuwerteng numero; 2,10,11,14

BABOY (PIG)

Nakakatamad ang araw na ito para sa’yo. Makakaramdam ka ng pagkainip sa paghihintay sa isang tao na inaasahan mong darating ngayong araw. Subalit matatapos ang buong araw na hindi mo masisilayan maski anino niya.

Masuwerteng numero; 3,16,43,45

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here