Chinese Horoscope, Nobyembre 1, 2020

922

DAGA (RAT)

Kung ikaw ay tinatamad ngayong araw ay hayaan mo lamang ito. Ang pakiramdam na pagod ay maaring maramdaman kung masyado ka ng maraming ginagawa.  Pilin mong maging matalino kaysa maging tanga.

Masuwerteng numero; 37,39,45,59

BAKA (OX)

Ang kagalingan mo sa pagpaplano ay magliliwanag ngaykn. Huwag mong hayaan na kung ano mang bagay ay maging dahilan ng pagbaba ng iyong motibasyon. Kaya maging mapagmatyag lalo na sa oras na nasa gitna ka ng marami at magulong tao.

Masuwerteng numero; 22,25,27,28

TIGRE (TIGER)

Magiging maganda ang araw na ito para sa iyo walang rason upang pagdudahan ml ang iyong kakayahan.Hindi mo naman ito pagsisisihan dahil sa gagawin mo ay marami ang hahanga sa’yo at aani ka ng papuri.

Masuwerteng numero: 15,17,19,21

KUNEHO (RABBIT)

Magandang araw itl upang ayusin ang mga bagay sa iyong buhay pati narin ang iyong lamesa at ayusin ang mga gawain mo.. Kaya siguraduhin mo na hindi mo masisira ang pagtitiwalang ito para na rin sa ikabubuti ng inyong samahan at negosyo.

Masuwerteng numero; 3,5,11,13

DRAGON (DRAGON)

Malilito sa kung sino ang dapat mong pakinggan sa mga tao na nagbibigay ng kani-kanilang opinyon tungkol sa isang mahalagang bagay na kakailanganin mong pagpasyahan. Makinig sa

Sariling dikta ng damdamin.

Masuwerteng numero; 24,30,31,34

AHAS (SNAKE)

May mamumuong tensyon sa pagitan nyo ng isang malapit na kamag-anak dahil sa mga balitang magmumula sa ibang tao. Mas makakabuti kung agad makikipagliwanagan bago pa man ito lumala sa pagitan nyo.

Masuwerteng numero; 1,11,23,34

KABAYO (HORSE)

Hindi mo kailangang makipagplastikan sa isang kaibigan para lamang manatiling kaibigan niya. Kung hindi mo na siya gusto ay hayaan mo na siya at huwag mo ng ipilit pa ang sarili mo sa kanya bilang kaibigan.

Masuwerteng numero;18,19,20,25

TUPA (SHEEP)

Hindi mo maiaalis sa isang taong malapit sa’yo na magdamdam dahil sa nagkukulang na atensyon mo sa kanya. Sa ngayon ay wala siyang ibang mahihingan ng tulong at masasandalan kundi ikaw kaya’t ganoon na lang ang asa niya sa’yo.

Masuwerteng numero, 15,16,20,22

UNGGOY (MONKEY)

Hindi masamang magpalit ng desisyon kung sa tingin mo ay hindi na magiging epektibo ang nauna mong plano. Marami ka pang araw para ayusin ang iyong mga balakin upang mas higit itong maging maganda at epektibo.

Masuwerteng numero; 4,12,23,29

TANDANG (ROOSTER)

Kukulangin ang oras mo sa trabaho dahil may problemang kailangan mong unahin na solusyunan sa loob ng inyong tahanan. Ito ang prayoridad mo higit sa ano pa man kaya magpapasya kang bumawi na lang sa trabaho sa ibang araw.

Masuwerteng numero; 8,9,14,25

ASO (DOG)

Patuloy kang makakaramdam ng hindi maganda sa katawan ngayong araw dahil sa katigasan ng iyong ulo. Mas makakabuti kung matututong makinig at sumunod sa kung ano ang mga dapat gawin at kainin para sa kalusugan.

Masuwerteng numero; 11,12,14,15

BABOY (PIG)

Deadma ka muna sa problema ngayong araw dahil gusto mo munang makapagpahinga. Uubusin mo ang oras sa maghapong ito sa pag-uunwind nang sa gayon ay ma-refresh ang iyong utak at makapag-isip ka ng tama.

Masuwerteng numero; 26,27,37,40

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here