Chinese Horoscope Mayo 8, 2021

209

DAGA (RAT)

Pag-ibayuhin mo lang ang ginagawa mong pagsisikap para sa iyong pamilya. Hindi mo ito pagsisisihan. Lalo pa at pinagkakatiwalaan ka nila ng lubos. Hindi man ngayon ang araw na hinihintay mo, darating at darating ito sa’yo.

Masuwerteng numero; 3,5,6,7

BAKA (OX)

Maganda ang trabahong tatanggapin mo. Ito ang magbibigay sa’yo ng oportunidad na gawin ang mga bagay na matagal mo nang gustong gawin. Napipigilan ka lamang noon dahil hindi ito akma sa’yong dating trabaho.

Masuwerteng numero; 2,7,10,11

TIGRE (TIGER)

Papasukin mo ang isang sitwason kung saan malalagay ka sa alanganin. Mahihirapan ka kasing manimbang sa pagitan ng dalawang taong parehong mahalaga sa’yo. Huwag itong ipagsawalang bahala dahil nakasalalay dito ang relasyon mo sa kanilang dalawa.

Masuwerteng numero; 5,8,10,15

KUNEHO (RABBIT)

Matatagalan pa bago mo makuha ang gusto mo sa isang tao. Totoong mahalaga siya sa’yo at kung pwede lang ay itali mo na ang sarili mo sa kanya, kaya nga lang ay hindi kayo pareho ng nararamdaman kaya kakailanganin mo pa ng puspusang pagtitiyaga.

Masuwerteng numero; 1,2,4,9

DRAGON (DRAGON)

Makikilala mo ngayon ang tunay na kulay ng iyong kaibigan. Pareho kayong mahaharap sa isang sitwasyon na kakailanganin ninyong mamili ng papaboran. Ang pagpili niya sa iba ay nangangahulugan na hindi ka ganoon kaimportante sa kanya.

Masuwerteng numero; 11,15,16,20

AHAS (SNAKE)

Bawat segundo ng araw mo ngayon ay napakahalaga kaya iwasang magpapetiks petiks. Kung hindi mo matatapos ngayon ang iniatang sa’yong trabaho ay hindi mo makukuha ang tiwala ng boss mo kaya mag-aalangan siyang ibigay sa’yo ang posisyon na gusto mo.

Masuwerteng numero; 9,10,14,18

KABAYO (HORSE)

Mag-iiwan ng tatak sa’yo ang isang bagong kakilala. Dahil dito ay lihim mo siyang hahangaan at lihim mo ring susundan ang bawat galaw niya sa social media. Hanggang dyan ka na lang muna dahil may malalaman kang hindi mo magugustuhan tungkol sa kanya.

Masuwerteng numero; 6,7,12,13

TUPA (SHEEP)

Isang pagbabalatkayo ang makakapanlinlang sa’yo ngayon. Huwag mong hayaang ulitin niya ito sa ikalawang pagkakataon. Kailangan mo siyang bigyan ng leksyon. Ipakita mo sa kanya na hindi ikaw ang tipo na pwede niyang tapakan.

Masuwerteng numero; 3,4,5,9

UNGGOY (MONKEY)

Lalabas ang natural mong talento ngayong araw. Sisipagin kang gawin ang iyong trabaho na para ka lang kumakain ng mani. Magiging madali ang lahat para sa’yo at nanaisin mo na sana ay palagi na lang ganito ang mood mo.

Masuwerteng numero; 2,4,12,20

TANDANG (ROOSTER)

Mahihirapan kang kumbinsihin ang iyong kamag-anak na panigan ka sa problemang kinakaharap mo. Gayunpaman, hindi ka dapat panghinaan ng loob dahil marami ka pa naman pwedeng gawin para matulungan ang iyong sarili na hindi umaasa sa iba.

Masuwerteng numero; 5,6,7,10

ASO (DOG)

Magpaparamdam sa’yo ang isang yumaong mahal sa buhay. Hindi para takutin ka kundi para ipaalala sa’yo ang madalas niyang payo na nakakaligtaan mo na. Kailangan mo siyang sundin dahil alam mo namang tama ang kanyang sinasabi.

Masuwerteng numero; 9,10,12,13

BABOY (PIG)

Hindi mo maaalis sa isang tao ang magdamdam sa’yo dahil sa ipapakita mong pagpanig sa iba sa kabila ng mga nagawa niyang tulong para sa’yo. Bibigyan ka niya ng isa pang pagkakataon at hindi mo ito dapat sayangin.

Masuwerteng numero; 3,5,15,16

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here