Chinese Horoscope; Mayo 7

372

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Sa sobrang excitement na naramdaman mo bago ang inyong outing ay halos hindi mo na ito mararamdaman ngayong dumating na ang araw na ‘yon. Pakiramdam mo ay naubos na ang pananabik mo kaya palipasin mo na lang.

Masuwerteng numero; 6,17,28,30

BAKA (OX)

Paminsan-minsan ay matuto ka ring makinig sa nakakatanda sa’yo. Hindi porke’t mas mataas ang pinag-aralan mo ay mas marami ka ng nalalaman kaysa sa kanya. Ang totoo ay mas marami siyang karanasan na hindi mo pa napagdaanan sa buhay mo.

Masuwerteng numero; 20,25,62,67

TIGRE (TIGER)

May mga tao na akala mo ay tunay na kaibigan sa’yo. Sila ang dapat mong iwasan hindi ang tao na inaakala mong nagtatraydor sa’yo. Ramdam mo naman pero ayaw mo lang imulat ang mga mata mo dahil nag-eenjoy ka sa mga pekeng tao.

Masuwerteng numero; 9,10,11,12

KUNEHO (RABBIT)

Ikakalungkot mo ang araw na ito na hindi ka makakasama sa isang kasayahan. No choice ka dahil marami kang kailangang unahin sa trabaho na hindi mo magagawang ipagpaliban. Bumawi ka na lang sa ibang pagkakataon.

Masuwerteng numero; 18,32,41,56

DRAGON (DRAGON)

Pag-isipan mo munang mabuti ang negosyong iaalok sa’yo ng isang kakilala. Hindi ka dapat sumunggab nang basta basta lalo at hindi mo pa siya gaanong kilala. Sa pagnenegosyo marami kang dapat ikonsidera bago ka pumasok dito.

Masuwerteng numero; 5,8,19,30

AHAS (SNAKE)

May dahilan ang panlalamig sa’yo ng iyong mahal. Hindi mo ito malalaman kung hindi mo siya tatanungin. Ang pagpapakiramdaman ninyong dalawa ay walang magandang patutunguhan. Kailangan mo na itong solusyunan hangga’t kaya pa.

Masuwerteng numero; 17,22,41,72

KABAYO (HORSE)

Ang mga katanungang gumugulo sa isip mo ay mahahanapan mo rin ng kasagutan pero hindi pa sa ngayon. May mga bagay na sadyang hindi pa panahon upang matuklasan o maganap. Lawakan pa ang iyong pang-unawa.

Masuwerteng numero; 7,12,13,40

TUPA (SHEEP)

Mag-ingat ka sa mga taong makakasalamuha mo ngayong araw. Isa sa kanila ang mayroong hindi magandang intensyon sa’yo na maaari mong ikapahamak kung hindi ka magiging alisto. Huwag mag-iisa sa daan.

Masuwerteng numero; 14,24,29,33

UNGGOY (MONKEY)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na makausap ang isang tao na dati mo pa gustong makausap. Kung saan saan mapapadpad ang kuwentuhan nyo. Sa itatakbo nito ay marami kang bagay na matutuklasan sa kanya na hindi mo inaasahan.

Masuwerteng numero; 8,19,30,58

TANDANG (ROOSTER)

May pagbabagong magaganap sa kumpanyang iyong pinapasukan. Bagamat inaasahan mo na ito ay hindi mo pa rin maiiwasan ang manibago. Malilito ka kung dapat mo bang ikatuwa o hindi ang pagbabagong ito.

Masuwerteng numero; 16,40,43,51

ASO (DOG)

Matutong magpasalamat bago matulog at pagkagising. Bukod dito ay marami ka pang mga bagay na dapat ipagpasalamat sa Diyos kaya’t iwasan ang magreklamo, lalo na sa harapan ng mga nag-aasikaso at nagmamahal sa’yo.

Masuwerteng numero; 3,11,21,31

BABOY (PIG)

Isang magandang pagkakataon ito para ikaw ay maglibang kasama ang mga kaibigan. Hindi masama ang paminsan-minsan ninyong pagkikita. Kailangan mo ring makahinga mula sa nakaka-stress na daily routine mo sa trabaho.

Masuwerteng numero; 7,18,20,30 0000000

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here