Chinese Horoscope Mayo 7, 2021

DAGA (RAT)

Maiinvolve ka sa isang sitwasyon na ayaw na ayaw mo. Susubukan mo itong lusutan pero huli na at hindi mo na ito maiiwasan.Mas makakabuti sa’yo kung hihingin mo ang tulong ng isang malapit na kaibigan. Kailangan mo itong gawin kung ayaw mong mapahiya.

Masuwerteng numero; 2,4,6,9

BAKA (OX)

Makikipagpalit ka ng puwesto sa katrabaho mo dahil aakalain mong mas madali ito para sa’yo. Sa gagawin mong ito ay mapapasubo ka lang. Hindi ka na makakaatras kaya kailangan mo na lang itong panindigan.

Masuwerteng numero; 5,9,11,12

TIGRE (TIGER)

Huwag kang kukurap sa araw na ito dahil dadaan sa mismong harapan mo ang taong may dalang suwerte para sa’yo. Kung mapapalampas mo siya ay wala na siyang pagkakataon para bumalik pa kaya kailangan mo siyang abangan.

Masuwerteng numero; 1,7,9,20

KUNEHO (RABBIT)

Magiging mabait sa’yo ang tadhana kung magiging mabait ka rin sa mga taong nasa paligid mo. Nitong mga huling araw kasi ay laging mainit ang ulo mo. Ito na ang araw para alisin mo ang nagpapagulo sa isip mo at magsimula ng may kapayapaan sa dibdib.

Masuwerteng numero; 3,4,17,19

DRAGON (DRAGON)

Hindi makakatulong sa pagdidisiplina mo sa iyong mga anak ang lagi mong pagsigaw sa kanila. Kailangan mo itong idaan sa hinahon ng pagsasalita upang higit ka nilang maintindihan. Kailangan din nila ang iyong malawak na pang-unawa.

Masuwerteng numero; 6,7,16,18

AHAS (SNAKE)

Isang dating kaibigan ang lalapit sa’yo para humingi ng payo. Magtataka ka dahil matagal na kayong walang komunikasyon para ikaw pa ang maisip niyang lapitan. Anuman ang dahilan niya ay hindi masamang magbigay ng payo kung ito ay makakatulong sa kanya.

Masuwerteng numero; 2,13,14,15

KABAYO (HORSE)

Huwag kang mahihiyang sabihin ang iyong nararamdaman. Ang pagsasabi ng tunay na nararamdaman ay isang katapangan na hindi lahat ng tao ay meron. Huwag mo na nga lang patulan ang mga taong hindi makakaunawa dito.

Masuwerteng numero;5,7,10,11

TUPA (SHEEP)

Muling magpaparamdam sa’yo ang ex mo. Hindi mo maiiwasan ang mapaisip dahil alam mong meron ng nagpapasaya sa kanyang iba. Deadmahin mo na lang dahil kung papansinin mo ay baka mahulog ka lang sa kanyang patibong.

Masuwerteng numero; 2,3,14,16

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo kailangang sang-ayunan ang lahat ng sasabihin ng boss mo. Alam mo sa sarili mo kung hanggang saan lang ang kaya mo. Iwasan mo rin ang madalas na pagbabago ng isip dahil sisirain nito ang mga diskarte mo.

Masuwerten numero; 9,10,12,13

TANDANG (ROOSTER)

May pagkakataon ka para ayusin ang mga bagay na nasira dahil sa’yo. Huwag mo itong hayaan kung saan mo ito iniwan. Magiging tatak ito ng iyong pagkatao na ikakabit sa’yo hanggang sa hinaharap kaya ngayon pa lang ay sikapin mo nang maayos ito.

Masuwerteng numero; 7,8,9,11

ASO (DOG)

Paniwalaan mo ang sinasabi ng iyong magulang dahil hindi niya gugustuhin na malagay ka sa kapahamakan. Kung babalewalain mo ito at mas pakikinggan ang iyong mga kaibigan, ihanda mo na ang sarili mo sa possible consequence.

Masuwerteng numero; 2,15,19,20

BABOY (PIG)

Ikaw ang inaasahan nilang mag-aangat sa inyong negosyo. Malaki at buo ang tiwala nila sa’yo kaya ingatan mong masira ito. Kailangan mo ng isang maganda at maayos na sistema at huwag mong hayaan na maimpluwensyahan ka ng iba.

Masuwerteng numero;3,6,11,20

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here