Chinese Horoscope; Mayo 7

183

DAGA (RAT)

Magiging maaliwalas ang araw na ito para sa’yo dahil sa sunud-sunod na pagdating ng mga biyaya. Ang iba ay expected mo na pero ang iba ay hindi mo inaasahan. Dsahil dito ay magiging masigla ka sa buong araw.

Masuwerteng numero; 34,35,40,41

BAKA (OX)

Marami kang matatapos na gawain ngayong araw. Dahil ang sama ng loob mo sa isang tao ay ibubuhos mo ngayon sa lahat ng bagay na pwedeng maging dahilan ng pagkaabala mo para hindi mo siya maisip kahit man lang sa maghapong ito.

Masuwerteng numero; 13,24,27,30

TIGRE (TIGER)

Hindi ka mapapahiya sa gagawin mong pagpalit sa isang kaibigan. Kahit na hindi mo siya nagawang tulungan nung siya ang nangangailangan ay hindi iyong magiging dahilan para hindi ka niya damayan ngayon.

Masuwerteng numero; 4,5,16,17

KUNEHO (RABBIT)

May mga maririnig kang hindi magagandang salita laban sa iyong mga kamag-anak. Gustuhin mo man na ipagtanggol sila ay hindi mo magagawa dahil ayaw mong madamay ang sarili mong pamilya kaya mananahimik ka na lang muna.

Masuwerteng numero; 13,24,34,38

DRAGON (DRAGON)

Kukulangin ka sa kasipagan ngayong araw. Mas gugustuhin mo na maubos ang maghapon mo sa paghilata, panonood ng t.v. at pagkain. Kahit anong pilit mo sa sarili ay wala ka talaga sa mood para kumilos. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 7,18,19,22

AHAS (SNAKE)

May magagawa ka para mabago ang isip ng isang mahal sa buhay tungkol sa kanyang nalalapit na pag-alis. Kailangan mo lang na seryosohin ang pangungumbinsi mo sa kanya at maipaliwanag sa kanya ang lahat.

Masuwerteng numero; 50,66,67,69

KABAYO (HORSE)

Hindi mo man hanapin o hilingin ay kusang lalapit sa’yo ang biyaya dahil ito ay nakalaan talaga para sa’yo. Mas magiging magaan ang araw mo kung ibabahagi mo rin ito sa iba na alam mong nangangailangan tulad mo.

Masuwerteng numero; 44,46,51,52

TUPA (SHEEP)

Buong puso ang magiging pagtulong mo sa iyong mga kamag-anak. Kaya naman pagpapalain ka ng Diyos. Ang mabuti mong intensyon ang siyang aakit ng suwerte palapit sa’yo para mas makatulong ka pa. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 6,11,13,24

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo matatanggap ang magiging resulta ng isang proyektong pinaghirapan mo. Subalit gaano man sumama ang loob mo ay hindi mo na ito mababago. Magsisilbi na lamang itong isang malaking lesson para sa’yo.

Masuwerteng numero; 35,38,42,45

TANDANG (ROOSTER)

Wala kang dapat ipag-alala tungkol sa iyong negosyo. Pansamantala lang naman itong magiging matumal. Mas malamang pa rin ang araw na magiging mabenta ito. Habang wala pang customer ay samantalahin mo ang pagpapahinga. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 6,7,8,19

ASO (DOG)

Hindi mo ikakayaman ang konting halaga na mawawala sa’yo. Kaya hindi ito dapat maging dahilan ng iyong kalungkutan. Isipin mo na lang na hindi laan ang perang ito para sa’yo kaya ito ay makakaalpas sa palad mo.

Masuwerteng numero; 10,11,15,20

BABOY (PIG)

Ang prosesong inaakala mo ay magiging mahirap at matagal ay magiging madali lang at mabilis. Kaya naman hindi masasayang ang oras mo sa araw na ito at marami ka pang magagawa sa pag-uwi mo sa bahay.

Masuwerteng numero; 30,31,49,53

All your Panaginip, Pamahiin, Pahula, Palmistry, Gayuma and more questions answered quickly

Simula sa Mayo 7 sasagot kami ng katanungan sa inyong pahula sa kapalaran at kahulugan ng inyong panaginip at iba pa, ito po ay sa  ating Forum na natatagpuan sa https://filipinaproud.com

Halos lahat ng inyong mga tanung ay masasagot sa loob ng 24 oras. Kung nais mong tulong kung paano makasali o makapag sign in. Please message us. Salamat

Registration Instructions:

  • Go to https://filipinaproud.com  
  • Click on Join (top bar)
  • Add User Name  (one word or name or two words combined, example:  MissJenn)
  • Add Name and Password and confirm password.  Mobile not necessary
  • Select Register and you will be redirected to your profile page.

To add a new topic, choose Forum again from the top bar of the Main Page. 

Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button).   Add title and then add your question in comment box.  View other requests for examples

One of our experts will answer as soon as possible

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here