Chinese Horoscope Mayo 5, 2021

223

DAGA (RAT)

Malilibang ka sa mga bagay na hindi importante kaya naman makokompromiso ang mga bagay na dapat mong binibigyang halaga. May oras ka pa para makabawi. Huwag ka nang mag-aksaya pa ng panahon para hindi ka na ulit magsisi.

Masuwerteng numero; 1,3,4,10

BAKA (OX)

Magpapalamig ka muna mula sa isang bagay na nagpainit ng husto sa ulo mo nitong mga nakaraang araw. Tama ang iyong naisip gawin, ang magpalamig. Dahil kung hindi, malalagay ka lang sa sitwasyon na hindi mo gugustuhin.

Masuwerteng numero; 6,9,11,12

TIGRE (TIGER)

Huwag mong isipin na hindi ka niya mahal. Isang sorpresa ang matatanggap mo mula sa kanya na magpapawala sa lahat ng sama ng loob mo. Mas makakabuti kung hindi mo muna bibigyan ng pansin ang sinasabi ng iba.

Masuwerteng numero; 11,13,17,18

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mahalaga kung ano ang tingin niya sa’yo, mas importante kung ano ang tingin mo sa sarili mo. Taas noo ka ngayong maglalakad sa harap ng iyong mga kaaway dahil sa mga suwerteng nasa palad mo kaya ingatan mo ito.

Masuwerteng numero; 9,10,18,20

DRAGON (DRAGON)

Magiging maayos na ang araw mo dahil sa iyong pagpapakumbaba. Wala kang pagsisihan sa ginawa mong ito. Ito rin ang magiging daan para tumaas ang tingin sa’yo ng iyong mga kaibigan kaya maipagmamalaki mo ito.

Masuwerteng numero; 7,9,15,16

AHAS (SNAKE)

Ngayon na ang araw para lapitan mo ang isang tao na matagal mong nakaalitan. Kailangang kailangan niya ang tulong mo pero hindi siya makakapagsabi dahil wala siyang lakas ng loob na lapitan ka. Hindi masama kung ikaw ang mauuna,lalo na’t alam mo naman na nasa’yo ang pagkakamali noon.

Masuwerteng numero; 4,5,6,9

KABAYO (HORSE)

Hindi magiging maganda ang araw mo dahil makikita mo ulit ang dati mong pag-ibig  na nagdulot sa’yo noon ng labis na kabiguan. Akala mo ay naka move on ka na pero dahil sa mararamdaman mo ngayon ay malalaman mong bitter ka pa rin pala.

Masuwerteng numero; 2,7,11,12

TUPA (SHEEP)

Gagawin mo ang lahat para matulungan ang iyong kamag-anak na nangangailangan ng tulong. Malapit siya sa puso mo at marami na rin siyang nagawang pabor sa’yo. Kaya lang ay kakapusin ka at mapupurnada ang iniisip mong pagtulong.

Masuwerteng numero; 9,10,11,13

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mabebelawa ang mga pinaghihirapan mo ngayon. Lahat ng ito ay aanihin mo sa hinaharap. Kaya huwag kang magsasawa at huwag mong bibigyan ng puwang ang pag-aalinlangan lalong lalo na ang katamaran.

Masuwerteng numero; 2,5,15,16

TANDANG (ROOSTER)

Babalikan mo ang nakaraan na ayaw magpatahimik sa’yo. Hindi naman masama ‘yon. Maaaring kailangan mo lang ng closure sa mga bagay na gumugulo sa isip mo para makamit mo ang kapayapaan at katahimikang gusto mo.

Masuwerteng numero; 8,10,14,19

ASO (DOG)

Paglalaanan mo ng oras ang iyong pamilya. Ilang araw mo na silang hindi naaasikaso at alam mong hinahanap hanap na nila ang atensyon na dati mong inilalaan sa kanila. Deserve nila ang panahon mo at deserve mo rin ang masayang araw kasama sila.

Masuwerteng numero; 1,3,4,8

BABOY (PIG)

Mahihirapan kang amuin ang iyong kaibigan na nagawan mo ng hindi maganda. Huwag kang magsawa sa panunuyo sa kanya. Kailangan mo itong gawin upang maibalik ang tiwala niya sa’yo. May mahalaga pa siyang misyon sa buhay mo.

Masuwerteng numero; 5,6,8,11

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here