Chinese Horoscope Mayo 4, 2021

582

DAGA (RAT)

Magniningning ang iyong bituin sa kalawakan kaya ang suwerte ay ibubuhos sa’yo ng langit ngayon. Buksan mo lang ang iyong mga mata sa mga tunay na naghahatid sa’yo ng suwerte at hindi sa mga nagpapanggap lang.

Masuwerteng numero; 1,2,5,8

BAKA (OX)

Hindi ka maaaring magkamali sa pagkakataong ito dahil maraming mga mata ang nakasubaybay sa’yo. Kailangan mong mapatunayan sa kanila ang kakayahan mo na kanilang pinagdududahan. Ipakita mo sa kanila kung ano ang kaya mo.

Masuwerteng numero; 3,4,11,19

TIGRE (TIGER)

Magiging matumal ang negosyo dahil sa mga negatibong nakapaligid dito. Unang-una mong alisin ang negative vibes sa sarili mo. Iwasan ang pagsimangot kapag nakikita ang taong kinaiinisan. Nakakaattract ito ng malas.

Masuwerteng numero; 8,9,10,13

KUNEHO (RABBIT)

Huwag kang magpapahalata na hindi mo gusto ang katrabaho mo ngayon na siya mo pang kapareha sa team. Hindi lang sa lover totoo ang kasabihan na ‘the more you hate, the more you love’ nangyayari rin ito sa kaibigan. Ang tao na ayaw mo sa ngayon ay magiging close friend mo sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 5,7,14,20

DRAGON (DRAGON)

Wala kang masasabi sa pakikitungo sa’yo ng iyong matalik na kaibigan. Itinuturing ka niya na para na niyang kapatid. Kaya huwag mo siyang ipagpalit sa isang bagong kakilala na hindi mo pa alam kung ano talaga ang intensyon sa’yo.

Masuwerteng numero; 13,15,16,17

AHAS (SNAKE)

Magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan nyo ng iyong mahal. Magsisimula lang ito sa maliit na bagay na palalakihin ninyong dalawa. Bago pa ito mauwi sa hindi magandang pagdedesisyon ay kailangan mo na itong hanapan ng solusyon.

Masuwerteng numero; 8,9,12,13

KABAYO (HORSE)

Magiging mailap sa’yo ang suwerte ngayong araw na ito pero hindi mo ito alintana dahil masyado kang magpapakaabala sa iyong trabaho. Kahit pa hindi nagiging pulido ang trabaho mo ay sige ka lang. Dapat mo ring siguraduhin na maayos ito upang ang malas ay hindi maging isang seryosong kamalasan.

Masuwerteng numero; 15,17,19,20

TUPA (SHEEP)

Hindi ka aalis ng bahay dahil pakiramdam mo ay sosopresahin ka ng iyong mahal. Tama naman ang iyong kutob na nagpaplano siya ng isang sorpresa para sa’yo. Pero may posibilidad na hindi ito mangyari ngayong araw.

Masuwerteng numero; 1,4,5,10

UNGGOY (MONKEY)

Lahat ng tao sa paligid mo ay iisa ang iniisip tungkol sa’yo. Na isa kang mang-aagaw. Alam mo sa sarili mo kung ano ang mali sa iyong mga nagawa kaya dapat mo itong harapin at ayusin habang may pagkakataon ka pa.

Masuwerteng numero; 9,11,12,13

TANDANG (ROOSTER)

Hindi ka mapapakali dahil may mga bagay na gumugulo sa isip mo. Hindi matatapos ang pag-aalala mo kung hindi mo aalamin ang katotohanan. Ang katotohanan lamang ang magpapatahimik sa’yo masakit man ito o hindi.

Masuwerteng numero; 5,8,9,10

ASO (DOG)

Makukumpirma mo ngayon ang pagtataksil sa’yo ng iyong kapareha. Maaaring gumuho ang mundo mo subalit maaari mo rin naman itong maagapan kung gugustuhin mo. Kumalma ka muna para makapag-isip ng tamang gawin. Huwag magdedesisyon na puno ng galit ang dibdib.

Masuwerteng numero; 2,4,6,14

BABOY (PIG)

Sapat na para sa iyong mahal ang mga ginagawa mong pag-aalaga sa kanya araw-araw kaya hindi mo na kakailanganing mag-effort pa ng bonggang bongga para sa mahalaga niyang okasyon. Ang presensya mo ay sapat na para maging masaya siya.

Masuwerteng numero; 5,7,11,16

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here