Chinese Horoscope; Mayo 31

204

DAGA (RAT)

Kahit nasimulan mo na ang isang bagong negosyo ay magbabago pa rin ang isip mo at gugustuhin mo na isara ito at palitan ng bago. May maiisip ka kasing bagong ideya at sa tingin mo ay mas papatok ito kaysa sa una.

Masuwerteng numero; 11,13,14,25

BAKA (OX)

Ngayong wala ng kontra sa iyong mga plano ay mas madali mo itong maisasagawa. Sa iyong palagay ay malaki ang maitutulong nito sa iyong pamilya kaya naman pipilitin mo na maisakatuparan ito sa lalong madaling panahon.

Masuwerteng numero; 6,8,9,15

TIGRE (TIGER)

Isang kapitbahay ang iyong makakaalitan. Ito ay magsisimula sa maliit na bagay lamang na palalakihin ng mga on the side na usapin ninyong dalawa. Ang pagkalkal sa nakaraan ay hindi makakatulong upang ito ay masolusyunan. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 43,47,58,59

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo maikakaila sa iyong sarili na sa pagkakataong ito ay talo ka sa labanan ninyong magkakapatid. Gayunpaman, huwag mong kakalimutan na sila ay mga kapatid mo pa rin at sa huli ay kayo pa rin ang magtutulungan.

Masuwerteng numero; 13,14,24,30

DRAGON (DRAGON)

Hindi magiging ganap ang iyong kaligayahan kahit pa nasa kamay mo ngayon ang mga biyaya ng langit. Ito ay dahil alam mong meron kang kapamilya na nasa malayo at nagdurusa sa kanyang kalagayan at wala kang magawa tungkol dito.

Masuwerteng numero; 12,20,22,23

AHAS (SNAKE)

Magiging mailap pa rin ang suwerte sa araw na ito. Kailangan mong irefresh ang iyong sarili at maghanap ng ibang option para sa pagkakakitaan. Kung hindi ka kikilos ay walang magaganap na pagbabago tulad ng hinihintay mo.

Masuwerteng numero; 58,60,69,74

KABAYO (HORSE)

Mapapasok ka sa magulong sitwasyon na kinasasangkutan ng iyong mga kaibigan. Pero tatanggapin mo ito ng maluwag sa iyong dibdib dahil wala kang balak iwan sila sa ere bilang itinuturing mo sila na malalapit mong kaibigan. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 3,5,16,17

TUPA (SHEEP)

Ang gusot sa inyong pamilya ay maaayos na rin ngayon sa wakas. At ikaw ang magiging dahilan ng pagkakaayos na ito kaya naman magiging proud ka sa iyong sarili. Masaya ka sa pamilyang iyong kinabibilangan.

Masuwerteng numero; 40,41,51,55

UNGGOY (MONKEY)

Kahit na hindi magiging maganda ang iyong pakiramdam sa araw na ito dahil sa sama ng pangangatawan ay hindi nito mapipigilan ang kasigasigan mo sa iyong trabaho. Magiging produktibo ka pa rin at maraming matatapos.

Masuwerteng numero; 19,20,20,32

TANDANG (ROOSTER)

Muli kang mag-aattempt na lapitan at kausapin ang isang tao na nakasamaan mo ng loob. Hindi ka mabibigo dahil bibigyan ka niya ng pagkakataon na maayos ang anumang hindi pagkakaintindihan sa pagitan nyo. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 25,27,38,49

ASO (DOG)

Masaya at masigla ang araw na ito para sa’yo. Gaganahan ka sa iyong trabaho at magiging maayos din ang pakikisalamuha mo sa iyong pamilya. Bago matapos ang gabi ay makakatanggap ka ng mahalagang tawag.

Masuwerteng numero; 7,17,19,26

BABOY (PIG)

Hindi man maganda ang takbo ng iyong lovelife sa ngayon ay dadapuan ka naman ng suwerte sa pananalapi. Higit pa sa inaasahan mong pera ang mahahawakan mo sa araw na ito at ito ang magpapaganda ng mood mo.

Masuwerteng numero; 2,12,24,25

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here