Chinese Horoscope; Mayo 30

264

DAGA (RAT)

Malayo ang mararating ng iyong mga plano. Subalit bago ‘yon ay kailangan mo munang pag-aralan ng husto ang bawat detalye nito. Kakailanganin mo ring salain na mabuti ang mga tao na pagkakatiwalaan mo.

Masuwerteng numero; 20,30,35,36

BAKA (OX)

Hindi mo man gustong maging sunud sunuran sa isang tao ay iyon pa rin ang mangyayari dahil sa kagustuhan mo na may maipakain sa iyong pamilya at sa kagustuhan mo rin na mapabuti ang inalagaan mong posisyon.

Masuwerteng numero; 6,9,18,20

TIGRE (TIGER)

Walang makakapigil sa’yo sa araw na ito na gawin ang gusto mong gawin. Ito ay dahil sawa ka na at pagod ka na sa paghihintay na aprubahan ka nila kaya naman magdedesisyon ka na para sa sarili mo at sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 7,8,19,21

KUNEHO (RABBIT)

Dahil sa inaayunan ka ngayon ng tadhana, isang tao na dati mong tinitingala ang maiinggit ngayon sa mga biyayang iyong napapala. Matagal mo ng alam na meron siyang attitude kaya hindi ka na magugulat dito.

Masuwerteng numero; 43,47,49,50

DRAGON (DRAGON)

Ang maliliit na blessings na hindi mo pinapansin dati ay makakatulong ng malaki sa’yo ngayon. Kaya mula sa araw na ito ay lubos mong maaappreciate ang lahat ng biyaya maliit man ito malaki ay magiging pareho na para sa’yo.

Masuwerteng numero; 52,63,65,70

AHAS (SNAKE)

Hindi mo magagawang lusutan sa araw na ito ang nagawa mong pagkakamali nitong nakaraang araw. Pero may magagawa ka para masolusyunan pa ito kung ikaw mismo ang magpapakumbaba sa taong nagawan mo ng kasalanan.

Masuwerteng numero; 7,17,21,25

KABAYO (HORSE)

Labag man sa iyong kalooban ay mapipilitan kang bitawan ang isang malaking proyekto na iyong hinahawakan sa ngayon. Nabigo ka rito kaya naman wala ka ng ibang pagpipilian kundi ipasa ito sa iba na mas may kaalaman.

Masuwerteng numero; 31,32,48,49

TUPA (SHEEP)

Panahon na upang bumalik ka sa lugar na iyong pinagmulan. Sa araw na ito ay pag-iisipan mo itong mabuti. Titimbangin mo ang sitwasyon kung ito nga ba ang higit na makakabuti para sa inyo ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 23,24,35,36

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mawawalan ng saysay ang mga pinaghihirapan mo sa ngayon dahil sa hinaharap ay aanihin mo lahat ang magagandang bunga nito. Ituloy mo lang ang iyong pagsisikap at sa tamang panahon ito ay masusuklian.

Masuwerteng numero; 52,53,66,69

TANDANG (ROOSTER)

Kahit anong kumbinsi mo sa sarili ay hindi mo pa rin maiiwasan na mag-alala sa isang mahal sa buhay na muling lalayo para magtrabaho. Bagamat may buti itong idudulot sa inyong kabuhayan ay mag-aalala ka naman sa kanyang kalagayan.

Masuwerteng numero; 30,31,37,40

ASO (DOG)

Isang malaking paghamon ang kakaharapin mo sa araw na ito. Nakasalalay sa’yo ang isang mahalagang desisyon. Kung magkakamali ka ay maaapektuhan ang iyong pamilya, kung hindi naman, ito ay magdudulot ng mabuti para sa kanila.

Masuwerteng numero; 22,24,38,39

BABOY (PIG)

Dahil sa hindi mo pag-iingat ay ikaw ang masisisi sa pagkakamali ng iba. Kaya naman sa susunod ay siguraduhin mo na tama ang taong napili mong pagkatiwalaan at hindi lamang dahil sa rekomendasyon ng iba.

Masuwerteng numero; 15,16,20,26

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here