Chinese Horoscope; Mayo 29

232

DAGA (RAT)

Sa araw na ito ay ipagpipilitan mo ang isang bagay kahit alam mong hindi ito uubra.Wala ka na kasing ibang mapagpipilian kaya makikipagsapalaran ka na lang. Ipagdarasal mo na lang na sana ay ayunan ka ng pagkakataon.

Masuwerteng numero; 10,12,23,34

BAKA (OX)

Hindi mo pa makukuha ang hinihintay mo sa araw na ito. May mga proseso pa itong pagdaraanan na lingid sa iyong kaalaman. Mas makakabuti kung itutuon muna sa iba ang iyong atensyon para malibang ang sarili.

Masuwerteng numero; 6,8,19,20

TIGRE (TIGER)

Wala kang mapapala sa isang tao na inaasahan mong mapagkakatiwalaan mo sa iyong negosyo. Hindi pa siya hinog para rito. Marami pa siyang dapat matutunan at kakailanganin mo pa siyang turuan ng husto bago bitawan.

Masuwerteng numero; 37,40,44,45

KUNEHO (RABBIT)

Ikaw ang higit na nakakaalam sa tunay na nangyari sa pagitan ng iyong kamag-anak at kaibigan. Alam mo kung sino ang nasa katuwiran at alam mo rin kung sino ang nagpapanggap lang. Dapat mong gawin ang tama.

Masuwerteng numero; 56,57,66,68

DRAGON (DRAGON)

Hindi magiging lubos ang kasiyahan mo dahil alam mong meron kang tao na masasaktan. Pero alam mo rin na hindi mo maaaring baguhin ang iyong pasya kaya naman pag-iisipan mo na lang kung papaano makakabawi sa kanya. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 10,13,22,24

AHAS (SNAKE)

Lilipas ang araw na ito na walang ibang magiging laman ang iyong isip kundi ang iyong mahal na nasa malayo. Wala kang magagawa sa inyong sitwasyon sa ngayon kundi ipagdasal na lang ang kanyang kalagayan.

Masuwerteng numero; 8,18,29,30

KABAYO (HORSE)

Isang bagong trabaho ang mapapasa’yo sa araw na ito. Magiging masakit man para sa’yo na iwanan ang dati mong trabaho ay no choice ka kundi gawin ito. Hindi rin magiging madali ang bagong trabaho na haharapin.

Masuwerteng numero; 17,20,30,34

TUPA (SHEEP)

Magiging mabangong mabango ang pangalan mo ngayon sa iyong boss dahil sa magagawa mong buti para sa inyong kumpanya. Dahil dito ay tatatak sa isip niya ang pangalan mo kaya magready ka na sa isang promotion.

Masuwerteng numero; 45,47,50,58

UNGGOY (MONKEY)

Hahakot ka ngayon ng papuri mula sa iyong mga followers dahil sa bagong video na iuupload mo. Dahil dito ay magkakaroon ka ng lakas na loob para ipagpatuloy ang iyong nasimulan at pagbutihan pa ito sa abot ng iyong makakaya. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 16,20,32,35

TANDANG (ROOSTER)

Maaapektuhan ka ng husto sa isang post na mababasa mo mula sa social media. May kinalaman ito sa isang tao na pwd. Alam mo ang pakiramdam at makaka-relate ka ng husto dahil minsan ka na ring nag-alaga ng pwd.

Masuwerteng numero; 50,60,61,62

ASO (DOG)

Malaki ang posibilidad na makahawak ka ng malaking pera sa araw na ito kung hindi mo kokontrahin ang iyong kapalaran sa pamamagitan ng pagiging nega. Kung magiging positibo ka ay hindi nito maitataboy ang suwerteng paparating.

Masuwerteng numero; 8,10,11,12

BABOY (PIG)

Mawawala ang agam-agam mo sa isang negosyong nais subukan dahil ngayong araw ay makikita mo sa internet kung gaano ito kalakas ngayon sa mga tao. Ito ang magtutulak sa’yo na ituloy ang planong negosyo.

Masuwerteng numero; 25,27,31,43

***All your Panaginip, Pamahiin, Pahula, Palmistry, Gayuma, Love, Relasyon and more questions answered quickly***

Simula sa Mayo 7 sasagot kami ng katanungan sa inyong pahula sa kapalaran at kahulugan ng inyong panaginip at iba pa, ito po ay sa  ating Forum na natatagpuan sa https://filipinaproud.com

Halos lahat ng inyong mga tanung ay masasagot sa loob ng 24 oras. Kung nais mong tulong kung paano makasali o makapag sign in. Please message us. Salamat

Registration Instructions:

  • Go to https://filipinaproud.com  
  • Click on Join (top bar)
  • Add User Name  (one word or name or two words combined, example:  MissJenn)
  • Add Name and Password and confirm password.  Mobile not necessary
  • Select Register and you will be redirected to your profile page.

To add a new topic, choose Forum again from the top bar of the Main Page. 

Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button).   Add title and then add your question in comment box.  View other requests for examples

One of our experts will answer as soon as possible

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here