Chinese Horoscope; Mayo 28

244

DAGA (RAT)

Ngayon mo mapapagtanto na tama lang ang mga ginagawa mo maging ang mga nauna mo ng desisyon kaugnay sa isang mahalagang usaping pampamilya. Kaya naman taas noo mo itong ipagpapatuloy sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 6,16,20,21

BAKA (OX)

Kahit mabigo ka sa pag-ibig ay mananatili pa ring maganda ang mood mo. Batid mo na mas marami kayong mabigat na problemang pinagdaraanan ngayon kaysa sa problemang puso mo kaya hindi ka magpapaapekto ng husto rito.

Masuwerteng numero; 15,20,20,35

TIGRE (TIGER)

Kahit pa mas mahirap ang kakaharapin mo ngayon sa trabaho ay ikakatuwa mo pa rin na marami kang matututunang bagong teknik kaugnay nito. Wala kang magagawa dahil alam mo at ini-expect mo nang magiging mahirap talaga sa muling pag-uumpisa.

Masuwerteng numero; 10,13,16,17

KUNEHO (RABBIT)

Isang bagong miyembro ng pamilya ang iwewelcome nyo sa inyong tahanan. Sa lahat ay ikaw ang siyang higit na magiging masaya sa kanyang pagdating dahil alam mo na siya ang makakapagbigay ng pag-asa sa inyo.

Masuwerteng numero; 43,47,50,55

DRAGON (DRAGON)

Wala nang makakapigil pa sa’yo sa pagsasagawa mo ng iyong mga plano. Ilang beses mo na itong ipinagpaliban dahil sa pagbibigay daan mo sa iba. Ngayon ay hindi mo na mapapayagan na palampasin pa ang pagkakataon.

Masuwerteng numero; 7,8,19,20

AHAS (SNAKE)

Ikasisiya mo ang bagong talentong matutuklasan sa sarili. Gayunpaman, wala kang balak na agad itong ipagmalaki sa iba. Sa halip, ang iyong magiging plano ay magpractice muna at hasain ang talento mong ito bago ipakita. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 33,39,40,47

KABAYO (HORSE)

Hindi ka kukulangin ng oras para sa’yong pamilya at negosyo. Magagawa mo itong balansehin sa araw-araw. Ito ay dahil napag-aralan mo na at natutunan ang teknik kung papaano ang tamang sistema at mag-organisa ng oras.

Masuwerteng numero; 66,67,69,75

TUPA (SHEEP)

Sa buong maghapon ay pag-iisipan mo ang isang napakahalagang bagay na posibleng bumago sa iyong buhay. Ito ay ang pagbabalik mo sa dati ninyong lugar sa probinsya. Babalansehin mo ang mabuti at hindi mabuting maaaring idulot nito. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 1,2,13,14

UNGGOY (MONKEY)

Mabibigyan ka ng magandang pagkakataon ngayon para maipakita mo sa iyong boss ang natatangi mong kakayahan na wala sa iba mo pang kasamahan. Hindi ka mabibigo dahil mapupuri ka niya at ipagmamalaki.

Masuwerteng numero;8,18,20,30

TANDANG (ROOSTER)

Hindi gaanong maganda ang araw na ito para sa’yo dahil hindi ka magiging produktibo. Ito ay dahil sa isang aps sa internet na kakahiligan mo. Wala itong maitutulong sa’yo kundi paglilibang lamang. Dito mauubos ang oras mo. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 5,15,25,27

ASO (DOG)

Kakailanganin mo pang habaan ang iyong pasensya para sa isang kamag-anak na nalilito ngayon sa kanyang buhay dahil sa dami ng problemang kinakaharap. Ang mga sasabihin niya laban sa’yo ay hindi niya sasadyain.

Masuwerteng numero; 42,46,50,51

BABOY (PIG)

Mapipilitan kang balikan ang trabahong iniwan dahil sa kawalan ng mapagpipilian. Mapagtatanto mong mas mainam na ito kaysa sa wala talaga lalo na sa panahon na ito na wala kang ibang maaasahan kundi ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 30,32,49,54

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here