Chinese Horoscope; Mayo 27

265

DAGA (RAT)

Hindi ka mapapakali hangga’t hindi mo nasisiguro ang kalagayan ng iyong mahal sa buhay na nasa malayo. Buong maghapon kang maghihintay ng balita tungkol sa kanya pero wala ka pang matatanggap ngayong araw.

Masuwerteng numero; 5,16,17,20

BAKA (OX)

Ngayong araw ay aanihin mo ang ilan sa iyong pinagsikapan at pinaghirapan. Bagamat hindi kasing laki o dami ng inaasahan mo ay ikakatuwa mo pa rin na meron ng magandang bunga ang iyong mga pinagkakaabalahang gawin. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 10,20,30,40

TIGRE (TIGER)

Dahil hindi ka pa rin makakabalik sa trabaho ay itutuon mo muna ang iyong atensyon at panahon sa pagtitinda online ng mga kung anu-anong bagay. Kahit hindi ito ang gusto mo ay ito lang ang makakatulong sa’yo ngayon.

Masuwerteng numero; 6,14,33,35

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo mabibigyang pansin sa araw na ito ang mga gawain na dapat mong tapusin dahil magiging abala ka sa mga bagay na makakapagpalibang sa iyong isipan. Ito ang iyong mapagtutuunan sa buong maghapon. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 17,22,24,25

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka magdadalawang isip na tanggapin ang iaalok sa’yong trabaho ng isang kakilala. Wala kang choice sa mga panahong ito. Kailangan mong kumita para sa iyong pamilya kaya kakayanin mo kahit mahirap.

Masuwerteng numero; 12,13,20,27

AHAS (SNAKE)

Ikakagulat mo ang pagbaba ng iyong timbang. Matagal mo na itong gustong mangyari noon mga panahon na marami kang ginagawang paraan para dito. Kaya hindi mo ini-expect na ngayong wala ka ng ginagawa ay saka ito bababa.

Masuwerteng numero; 42,46,47,58

KABAYO (HORSE)

Iba ang iisipin ng marami sa intensyon mo dahil kahit saang anggulo tingnan ay hindi maganda ang iyong paraan. Kaya naman pag-iisipan mo sa araw na ito kung paano nga ba ang gagawin mong diskarte para hindi ka na pagdudahan. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 28,34,35,42

TUPA (SHEEP)

Walang masamang tinapay sa’yo kaya naman kahit alam mong nagawan ka na ng mali ay hindi mo pa rin kinakanti. Sa halip ay mas pipiliin mo na lang iwasan ang tao na nanakit sa’yo upang makaiwas din sa gulo.

Masuwerteng numero; 55,56,60,64

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ka mapapaniwalain sa mga kababalaghan, pero ngayong araw ay ikaw mismo ang makakaranas nito. Hindi mo maiiwasan na makaramdam ng takot at magiging laman ito ng isip mo sa buong magdamag.

Masuwerteng numero; 12,13,20,32

TANDANG (ROOSTER)

Bukal sa loob mo ang ihahatid mong tulong sa isang dating kaibigan. Alam mo ang kanyang pangangailangan at nalaman mo ito mula rin sa isang kaibigan kaya ikaw na ang magkukusang mag-abot ng biyaya.

Masuwerteng numero; 15,19,24,28

ASO (DOG)

Maging mailap man ang suwerte sa’yo ngayon ay hindi ka mangangamba dahil alam mong hindi ka pababayaan ng iyong asawa. Kahit hindi na kayo nagsasama ay palagi ka pa rin niyang inaalala at tinutulungan.

Masuwerteng numero; 65,67,69,71

BABOY (PIG)

Babalik sa iyong alaala ang hindi magagandang karanasan mo dahil sa pagbabalik din ng isang tao sa buhay mo. Muli mang magkukrus ang inyong landas ay wala ka namang balak na muli siyang papasukin sa iyong buhay .

Masuwerteng numero; 1,2,3,6

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here