Chinese Horoscope; Mayo 26

656

DAGA (RAT)

Hindi mababalewala ang mga isinakripisyo mo para sa inyong relasyon. Hindi pa sa araw na ito subalit  malapit nang dumating ang araw na mare-realize nya ang lahat ng effort na ibinigay mo para lang sa ikapapanatag ng pagsasama nyo.

Masuwerteng numero; 21,34,56,58

BAKA (OX)

Sa ayaw man at sa gusto ng puso’t isipan mo ay kailangan mo na siyang pakawalan. Huwag mong pilitin ang isang bagay na hindi talaga uubra. Maaaring maging napakasakit nito sa’yo sa ngayon, subalit kailangan mong kayanin.

Masuwerteng numero; 12,13,14,25

TIGRE (TIGER)

Maalwan ang pasok ng suwerte sa iyong negosyo sa araw na ito. Kusang magdaratingan ang iyong mga customers at karamihan sa kanila ay may good vibes kaya sa loob ng maghapon ay magiging happy at kuntento ka sa iyong kita.

Masuwerteng numero; 12,14,27,34

KUNEHO (RABBIT)

Huwag mo nang ituloy ang balak mong pagpapaliban ng iyong plano. Perpekto ang araw na ito para isagawa ang iyong plano para sa isang proyekto na may kinalaman sa iyong trabaho. Magwarm up at itaboy ang katamaran.

Masuwerteng numero; 18,20,30,57

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka madedehado sa isang pagpupulong. Alam nila kung ano ang iyong kakayahan at kung saan ka nila dapat ilagay kaya naman kahit hindi ka pa kumibo o gumawa ng aksyon ay mailalagay ka sa dapat mong kalagyan.

Masuwerteng numero; 16,28,29,39

AHAS (SNAKE)

Hindi magiging paborable sa’yo ang araw na ito. Mas makakabuti kung mananatili ka na lang muna sa loob ng inyong bahay. Matutuklasan mo na marami ka palang pwedeng gawin na kapaki-pakinabang kahit nasa loob ka lang ng inyong tahanan.

Masuwerteng numero; 7,18,41,52

KABAYO (HORSE)

Masaya ang araw na ito para sa inyo ng iyong karelasyon. Papaboran kayo ng tadhana sa binabalak ninyong paglalakbay sa malayong lugar. Maganda ang panahon at nasa sa inyo na rin ang lahat ng kakailanganin nyo sa biyahe.

Masuwerteng numero; 15,22,34,35

TUPA (SHEEP)

Balanse lang para sa’yo ang araw na ito. Same routine. Mananatili sa paligid ang pantay na ikot ng positibo at negatibong elemento. Wala kang dapat ipag-alala. Sapat ang iyong kakayahan at nasa mabuti kang kalusugan.

Masuwerteng numero; 13,16,27,45

UNGGOY (MONKEY)

Ito ang araw na mararamdaman mo ang sobrang stress sa trabaho. Mawawalan ka ng pagpipilian kundi ipagpatuloy ang lahat ng mga trabahong iniatang sa’yo. Sa halip na magreklamo ay maganda ang attitude mo na ipagpatuloy at ipagpasalamat na lang ang biyayang ito.

Masuwerteng numero; 4,16,58,69

TANDANG (ROOSTER)

Isang magandang break para sa iyong karera ang mapapasa’yo sa araw na ito. Gawin mo lahat ang iyong makakaya dahil marami ang nakaabang sa iyong pagpalpak. Sa oras na ikaw ay magkamali, hindi sila mangingiming agawin sa’yo ang magandang break na ito.

Masuwerteng numero; 5,13,21,61

ASO (DOG)

Isang simpleng salu-salo ang iyong mapupuntahan nang biglaan. Hindi mo inaasahan na makakasama ka sa salu-salong ito. At hindi mo rin inaasahan na magiging masaya ka at komportable sa piling ng mga bagong kakilala at kaibigan.

Masuwerteng numero; 7,18,29,70

BABOY (PIG)

Isang malapit na kaibigan ang lalapit sa’yo para humingi ng tulong. Makakaramdam ka ng lungkot dahil hindi mo siya magagawang tulungan. Makakaramdam ka rin ng inis dahil kung bakit sa tuwing lalapit siya sa’yo ay nagkakataon lagi na nasa kagipitan ka rin.

Masuwerteng numero; 11,12,50,56 00

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 26, 2019
Next articleHerbal; PANDAN

1 COMMENT

  1. magandang araw po madam yna ako po si neriza rimas birthday nov.15,1982… hihingi po sana ng personal reading sa inyo thanks in advance po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here