Chinese Horoscope; Mayo 25

175

DAGA (RAT)

Hindi ka magkakamali ng hinala sa isang tao na bago mo pa lang nakilala. May attitude siyang itinatago sa marami at iyan ang matutuklasan mo sa araw na ito nang hindi mo sinasadya. Malilito ka kung dapat mo ba itong sabihin sa iba.

Masuwerteng numero; 12,20,24,35

BAKA (OX)

Maraming bagay kang hindi maiintindihan sa ipinapaliwanag sa’yo ng mga mas nakatatanda sa pamilya. Ito ay dahil nakapokus ang atensyon mo sa isang bagay na walang kabuluhan sa iyong buhay at isa lamang pag-aaksaya ng oras.

Masuwerteng numero; 34,35,40,43

TIGRE (TIGER)

Magiging masagana ang araw na ito para sa’yo at para sa iyong pamilya dahil maganda ganda ang kikitain mo mula sa negosyo. Kaya naman good mood ka sa buong maghapon. Sa gabi ay susulitin mo ang pagrerelax.

Masuwerteng numero; 7,18,19,20

KUNEHO (RABBIT)

Magiging malakas ang kumpiyansa mo ngayon sa iyong sarili dahil sa mga matatanggap mong magagandang komento mula sa social media. Ito ang iyong pagkukuhanan ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang iyong nasimulan. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 40,42,55,56

DRAGON (DRAGON)

Ang maghapong ito ay hindi magiging produktibo para sa’yo. Marami kang gustong gawin na hindi mo magagawa dahil wala ka sa kondisyon. Kaya naman ang mga oras na lilipas ay masasayang lamang hanggang sa gabi.

Masuwerteng numero; 7,17,30,34

AHAS (SNAKE)

Hindi ka pa rin makakamove on mula sa krisis. Hindi pa ito tapos. Sa kabila ng konting kaluwagan na nangyari ay mananatili kang mangangamba para sa kaligtasan ng iyong pamilya. Mailap pa rin ang pagkakaperahan.

Masuwerteng numero; 10,13,24,25

KABAYO (HORSE)

Ang tagumpay na hinihintay mo ay malayong malayo pa sa araw na ito. Marami ka pang kanin na kakainin. Marami pang paghihirap, pagsisikap at pagtitiyaga ang iyong dadanasin bago ka makarating sa bukana ng tagumpay. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 6,16,20,30

TUPA (SHEEP)

Hindi mo matitiis ang isang kamag-anak na nangangailangan ng iyong tulong. Kahit pa anong inis at galit mo sa kanya, sa huli ay pipiliin mo pa rin na mabahaginan siya ng iyong mga biyaya. Patutunayan mo sa kanya na meron kang puso.

Masuwerteng numero; 26,37,38,39

UNGGOY (MONKEY)

Ang buong maghapon ay igugugol mo sa pag-iisip kung dapat mo na bang iwan ang iyong trabaho o hindi. Pakiramdam mo kasi ay hindi na ito healthy para sa’yo. Masyadong nagiging mababa ang tingin mo sa iyong sarili dahil dito.

Masuwerteng numero; 1,3,4,6

TANDANG (ROOSTER)

Mahihirapan kang desisyunan ang isang mahalagang usapin tungkol sa inyong pagsasama dahil masyado kang maraming iniisip at isinasaalang-alang. Hindi ka pa makakapag-isip ng tama sa ngayon. Kakailanganin mo pa ng panahon. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 18,28,34,35

ASO (DOG)

May magagawa kang kabutihan ngayong araw para sa taong hindi mo kilala. Kaya naman deep inside ay magmamalaki ka sa iyong sarili. Alam mo na marami pang pagkakataon na darating sa’yo para maulit muli ito.

Masuwerteng numero; 30,40,45,46

BABOY (PIG)

Hindi makakabuti ang pagtatago mo sa isang tao na iyong pinagkakautangan. Kahit wala kang intensyon na hindi na magbayad ay iyon pa rin ang iisipin niya. Mas makakabuti kung sasabihin mo na lang ang tunay mong dahilan.

Masuwerteng numero; 10,20,32,43

***All your Panaginip, Pamahiin, Pahula, Palmistry, Gayuma, Love, Relasyon and more questions answered quickly***

Simula sa Mayo 7 sasagot kami ng katanungan sa inyong pahula sa kapalaran at kahulugan ng inyong panaginip at iba pa, ito po ay sa  ating Forum na natatagpuan sa https://filipinaproud.com

Halos lahat ng inyong mga tanung ay masasagot sa loob ng 24 oras. Kung nais mong tulong kung paano makasali o makapag sign in. Please message us. Salamat

Registration Instructions:

  • Go to https://filipinaproud.com  
  • Click on Join (top bar)
  • Add User Name  (one word or name or two words combined, example:  MissJenn)
  • Add Name and Password and confirm password.  Mobile not necessary
  • Select Register and you will be redirected to your profile page.

To add a new topic, choose Forum again from the top bar of the Main Page. 

Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button).   Add title and then add your question in comment box.  View other requests for examples

One of our experts will answer as soon as possible

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here