Chinese Horoscope; Mayo 24

294

DAGA (RAT)

Hindi ka makakapasok sa isang lugar na kailangang kailangan mong puntahan. Kahit pa gaano kaimportante ang iyong pakay ay hindi ka pa rin mapapayagan kung kaya’t wala kang magagawa kundi umuwi na lang.

Masuwerteng numero; 15,20,24,30

BAKA (OX)

Iba ang magiging timpla ng iyong katawan sa araw na ito. Bibigat ang iyong pakiramdam at mawawala ka sa mood na gawin ang iyong daily routine kaya naman sa buong maghapon ay pipiliin mo lang na humiga.

Masuwerteng numero; 4,11,13,25

TIGRE (TIGER)

Sa araw na ito ay makukuha mo na rin ang isang biyaya na matagal mo nang hinihintay. Malaki ang maitutulong nito sa iyong pamilya na walang ibang masasandalan ngayon kundi ikaw at ang iyong kakayahan.

Masuwerteng numero; 40,43,56,58

KUNEHO (RABBIT)

Ikababahala mo ang hindi pagpapakita sa’yo ng isang malapit na miyembro ng pamilya na lumuwas para puntahan ka. Wala kang magiging ideya kung saan na siya napadpad dahil mawawala ang inyong komunikasyon.

Masuwerteng numero; 9,19,23,24

DRAGON (DRAGON)

Maganda ang magiging simula ng umaga mo dahil maaga pa ay makakatanggap ka na agad ng isang mahalagang tawag. Ito ang magpapaganda ng mood mo. Kaya naman ang buong maghapon ay magiging magaan para sa’yo.

Masuwerteng numero; 10,20,22,33

AHAS (SNAKE)

Dahil wala kang importanteng gagawin ngayong maghapon kaya magkakaroon ka ng pagkakataon na pagmuni-munihan ang mga naging desisyon mo nitong mga nakaraang araw. Iisipin mo kung ikaw ba ay nagkamali o hindi.

Masuwerteng numero; 16,17,28,29

KABAYO (HORSE)

Hindi mo sukat akalain na ang kinaiinisan mong kapitbahay ang siyang magiging kalapit mo ngayon. Magkakaroon kayo ng panahon na makapag-usap ng mga seryosong bagay kaya mapapalagay ang loob mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 1,2,13,14

TUPA (SHEEP)

Mababalewala ang mga nauna mong plano dahil ngayong araw ay makakaisip ka ng mas maganda at mas makakabuti. Kaya ang mga nauna mo ng plano ay isasantabi mo muna at ang bago ang siya mong gagawin.

Masuwerteng numero; 37,38,40,42

UNGGOY (MONKEY)

Haharapin mo ngayon ang isang problema na ilang beses mo ng iniwasan. Kahit anong pilit mo ay hindi mo na ito maiiwasan pa kaya naman ang magiging option mo na lang ay pag-isipan na ito ng mainam na solusyon.

Masuwerteng numero; 18,20,21,35

TANDANG (ROOSTER)

Bagong buhay bagong trabaho ang siyang haharapin mo ngayon. Alam mo sa sarili mo na mangangapa ka pero wala ka namang ibang mapagpipilian kaya pag-aaralan mo na lang na tanggapin ang bago mong sitwasyon.

Masuwerteng numero; 25,35,40,50

ASO (DOG)

Magagawa mong talikuran ang isang kaibigan alang-alang sa ikapapanatag ng relasyon nyo ng kapareha mo sa buhay. Mas pipiliin mo ngayon na magpokus sa sarili mong pamilya kaysa manindigan para sa mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 16,18,20,21

BABOY (PIG)

Pagkatapos ng lahat ng iyong effort at pagkakawanggawa, sa bandang huli ay meron pa ring mga tao ang manghuhusga at susukatin ang iyong kakayahan. Hindi mo maiiwasan na hindi maapektuhan sa mga mababasa mo sa social media.

Masuwerteng numero; 10,11,13,20

1 COMMENT

  1. Thank you mga up load post dami ko pong natutunan aral . God bless you po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here