Chinese Horoscope; Mayo 23

133

DAGA (RAT)

Masosorpresa ka sa magiging gawi ng iyong sister in-law. Sanay ka na mailap siya sa’yo at gayundin sa mga kamag-anak mo. Pero magtataka ka dahil siya mismo ang kusang gagawa ng paraan para mapalapit sa inyo.

Masuwerteng numero; 38,39,40,45

BAKA (OX)

Ang dating makulay mong buhay ay tuluyan ng mababago. Yung inaakala mo na maibabalik mo pa sa dati ay mapapailing ka na lang. Sa dami ng nabago, mula sa iyong daily routine hanggang sa trabaho ay ibang iba na.

Masuwerteng numero; 6,8,19,20

TIGRE (TIGER)

Gaano man kalaki ang nagbago sa iyong buhay kabilang na ang iyong trabaho ay wala kang balak na sumuko. Marami kang naiisip na option para magpatuloy ang buhay at kahit papano ay maging makulay pa rin ito sa ibang paraan.

Masuwerteng numero; 30,40,41,42

KUNEHO (RABBIT)

Hindi sasapat ang ginagawa mong ehersisyo para maibalik ang katawan mo sa dati. Kailangan mo rin itong sabayan ng diet at dito ka lubos na mahihirapan. Hindi ka sanay magutom kaya naman matatagalan pa bago mo ito magawa.

Masuwerteng numero; 11,13,20,22

DRAGON (DRAGON)

Ang likas mong katapangan ay titiklop ngayon sa harap ng isang tao na lubos mong iginagalang. Batid mo rin na meron kang nagawang pagkakamali kaya naman sa halip na lumaban ay pipiliin mo na lang ang magpakumbaba.

Masuwerteng numero; 1,2,5,8

AHAS (SNAKE)

Ang tao na matagal mo nang hinahanap ay makakakrus mo ng landas ngayon. Kung magugulat ka ay mabibigla naman siya dahil hindi pa siya handang magpakita sa’yo dahil sa laki at matagal na niyang pagkakautang.

Masuwerteng numero; 40,45,56,57

KABAYO (HORSE)

Dahil sa pagmamahal mo sa isang tao ay gagawa ka ng paraan para mapagtakpan ang nagawa niyang pagkakamali. Alam mong mahihirapan ka pero susubukan mo pa rin ang iyong makakaya alang-alang sa kanya.

Masuwerteng numero; 18,20,23,33

TUPA (SHEEP)

May makakaligtaan kang pangako sa isang kamag-anak. Hindi mo sinasadyang makalimutan ito ngayong araw pero magkakaroon ka naman ng pagkakataon na agad makabawi at maihabol pa ang iyong pangako kinabukasan.

Masuwerteng numero; 37,38,50,54

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ka masyadong magigipit ngayon. Sapat ang magiging kita mo sa negosyo upang matustusan mo ang inyong mga pangangailangan at kahit papa’no ay may maitatabi ka pang pera. Samantalahin mo ang pagkakataon na ito.

Masuwerteng numero; 10,11,19,24

TANDANG (ROOSTER)

May magagawa ka para maiwasan ang isang mangungutang. Maraming beses mo na siyang pinagbigyan subalit hindi niya man lang pinahalagahan kaya ngayon ay gagawin mo na ang dapat ay noon mo pa ginawa.

Masuwerteng numero; 40,53,59,66

ASO (DOG)

Ang labis mong pangungulila sa iyong mga mahal sa buhay ay matutuldukan na rin. Dahil sa wakas ay makakabalik ka na ngayon sa kanilang piling. Babawiin mo ang mga nasayang na panahon na hindi mo sila nakasama.

Masuwerteng numero; 32,35,57,61

BABOY (PIG)

Mangangamba ka para sa iyong kalusugan dahil makakaramdam ka ngayon ng hindi maganda. Kaya naman aagapan mo ito. Gugugulin mo ang buong maghapon sa pagpapahinga at pagpapalakas ng iyong resistensya.

Masuwerteng numero; 9,14,15,20

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here