Chinese Horoscope; Mayo 22

0
349

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hindi magiging maganda ang lagay ng iyong kalusugan sa ngayon, kakailanganin mo ang tamang pahinga, sapat na tulog at masustansyang pagkain. Ang sobrang pagod sa trabaho ang siyang magdudulot sa’yo ng hindi magandang pakiramdam.

Masuwerteng numero; 12,33,40,58

BAKA (OX)

Mapanlinlang ang mga ngiting sasalubong sa’yo sa araw na ito. Huwag magpapadala. Ituloy mo lang ang mga nakasanayan mong gawin araw-araw at huwag bigyang kahulugan ang matatamis na ngiti na wala naman talagang kahulugan.

Masuwerteng numero; 5,12,34,56

TIGRE (TIGER)

Medyo mailap ngayon ang suwerte pero hindi naman ibig sabihin nito ay mamalasin ka na. Nakabalanse lang ang positibo at negatibo sa araw mo. Ibig sabihin ay dating routine at hindi mangyayari ang inaasahan mong konting pagbabago.

Masuwerteng numero; 20,34,45,55

KUNEHO (RABBIT)

Mapipilitan kang gawin ang isang bagay na ayaw mong gawin. Ito ay para lang mapagbigyan mo ang kahilingan ng iyong minamahal. Hindi mo siya gustong masaktan kapag hindi mo siya napagbigyan. Lalo pa at minsan lang siyang humiling.

Masuwerteng numero; 22,37,49,61

DRAGON (DRAGON)

Ngayon mo makikita ang resulta ng mga pinaghirapan mo. Hindi man lahat pero may magandang resulta kang makikita. Iwasan mo lang na ipagsabi mo pa ito sa kung kani-kanino dahil baka masamahan ito ng negatibo.

Masuwerteng numero; 1,23,26,29

AHAS (SNAKE)

May isang positibong tao ang makakapag-impluwensya sa’yo ngayon para sa isang makabuluhang proyekto. Kahit hindi ka sanay sa ganitong klaseng proyekto ay masusubukan mo at malalaman mo na masarap pala sa pakiramdam.

Masuwerteng numero; 6,16,27,39

KABAYO (HORSE)

Iwasan mo muna ang magbiyahe sa araw na ito. Hindi maganda ang ihip ng hangin para sa’yo at maaari kang malagay sa panganib. Piliin mo muna ang makapagpahinga ng husto sa loob ng inyong bahay dahil ito talaga ang kailangan mo.

Masuwerteng numero; 19,20,53,66

TUPA (SHEEP)

Sa wakas ay makukuha mo na ang isang bagay na matagal mo nang inaasam bago matapos ang araw na ito. Huwag ka lang mag-aalis ng bahay dahil baka dumating ito nang wala ka. Magiging maayos at maaliwalas ang maghapon mo.

Masuwerteng numero; 14,20,21,32

UNGGOY (MONKEY)

Magpokus ka lang muna sa trabaho. Huwag na huwag mong bibigyan ng atensyon o i-eentertain ang isang bagong tagahanga dahil hindi ito magdudulot ng mabuti para sa’yo. Sasakit lamang ang ulo mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 12,18,30,47

TANDANG (ROOSTER)

Isang kamag-anak ang lalapit sa’yo para humingi ng tulong  pinansiyal. Gustong gusto mo siyang tulungan dahil hindi ka rin nabigo nang humingi ka ng tulong sa kanya. Ang problema ay nangangailangan ka rin ngayon.

Masuwerteng numero; 7,18,19,70

ASO (DOG)

Sa ayaw mo man at sa gusto ay kailangan mong ibigay ang tiwala mo sa iyong mahal sa kanyang gagawing pagdedesisyon. Dalawa lang naman ang iyong pagpipilian, ang tanggapin ang inyong sitwasyon o wakasan ang inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 11,21,59,64

BABOY (PIG)

Isang tao na ubod ng kulit ang makakasalamuha mo ngayon. Halos buong araw ka niyang kukulitin. Pero magtataka ka sa sarili mo dahil sa halip na mainis sa kanya ay parang ikatutuwa mo pa ang kanyang kakulitan.

Masuwerteng numero; 29,35,58,61

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here