Chinese Horoscope; Mayo 22

149

DAGA (RAT)

Magiging mabilis lang ang pagproseso ng mga dokumento na kailangan mo. Dahil dito ay magkakaroon ka pa ng oras na gawin ang iba pang bagay na kailangan mong gawin para matapos na ang mga alalahanin mo.

Masuwerteng numero; 17,20,32,34

BAKA (OX)

Kahit na nagdesisyon ka nang ipabahala sa isang tao ang mahalagang proyekto ay hindi mo pa rin maiwasan na mag-alala. Ito ay dahil hindi ganoon ka-solid ang tiwala mo sa kanyang kakayahan. Mayroon pa ring pagdududa.

Masuwerteng numero; 11,19,20,25

TIGRE (TIGER)

Hindi mo inaasahan pero sa maniwala ka at hindi ay muli mong mararating ang lugar na ayaw mo na sanang puntahan. Maraming masaya ngunit mas maraming mapait na alaala kang naranasan sa lugar na ito.

Masuwerteng numero; 30,35,40,45

KUNEHO (RABBIT)

Gasgas na ang linyang magkaibigan lang kayo pero ito pa rin ang paninindigan mo sa iyong mga kamag-anak kahit alam mo sa sarili mo na may espesyal na namamagitan sa inyo ng isang tao. Hindi ka pa handang sabihin sa kanila.

Masuwerteng numero; 5,10,13,24

DRAGON (DRAGON)

Mahihirapan kang unawain ang isang kamag-anak na may pinagdadaanan ngayon. Ito ay dahil ilang beses mo na rin siyang sinabihan at pinayuhan pero hindi siya nakinig kaya’t ngayon ay nalagay siya sa alanganing sitwasyon.

Masuwerteng numero; 20,30,34,45

AHAS (SNAKE)

Malapit sa’yo ngayon ang suwerte. Kahit pa hindi ka gumalaw at hindi ka kumilos ay kusa ka pa ring lalapitan ng magandang kapalaran. Araw mo ngayon. Kaya naman ang mga biyaya ay mag-uumapaw para sa’yo.

Masuwerteng numero; 18,19,32,37

KABAYO (HORSE)

Matataranta ka sa tambak na trabahong daratnan mo sa iyong working area. Kampante ka noong una dahil alam mo na marami kang natapos bago pa man mahinto ang inyong trabaho kaya magtataka ka ngayon.

Masuwerteng numero; 6,11,13,24

TUPA (SHEEP)

Mag-aalangan kang subukan ang isang trabaho na hindi mo pa gamay. Matatakot kang magkamali. Pero wala kang mapagpipilian. Magugutom ang iyong pamilya kung hindi mo ito papasukin. Iisipin mo na lang na para ito sa kanila.

Masuwerteng numero; 7,18,45,46

UNGGOY (MONKEY)

Maiipit ka sa dalawang kaibigan na magbabangayan. Pareho silang malapit sa’yo kaya hindi ka makakapagdesisyon kung sino ba sa kanila ang papanigan mo. Kaya mas pipiliin mo na lang ang dumistansya.

Masuwerteng numero; 14,20,25,30

TANDANG (ROOSTER)

Isang bisita ang tatanggapin mo ngayong araw. Mahalaga ang pakay niya sa’yo. Halos kalahating araw kayong mag-uusap tungkol dito. Magiging makabuluhan ang pagbisita niyang ito kaya magiging komportable ka.

Masuwerteng numero; 50,56,57,69

ASO (DOG)

Magiging abala ka ngayon sa iyong negosyo. Bagamat kumikita ka sa ngayon ay alam mong pansamantala lang ito at hindi na rin magtatagal. Kaya mag-iisip ka pa ng ibang paraan kung paano ito muling magiging aktibo.

Masuwerteng numero; 3,5,16,17

BABOY (PIG)

Sa araw na ito ay magiging mailap pa rin ang suwerte. Mananatili ka pa ring maninimbang sa loob ng inyong tahanan dahil sa mga kasama mo sa bahay ngayon kaya mabigat pa ang pasok ng mga biyaya para sa inyo.

Masuwerteng numero; 41,42,57,59

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here