Chinese Horoscope; Mayo 19

0
757

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Magiging mabilis lang ang proseso ng paghihintay mo para sa isang mahalagang dokumento. Sa oras na ito ay mapasakamay mo na, pakaingatan mo dahil napakahalaga nito at kakailanganin mo pa sa mga darating na panahon.

Masuwerteng numero; 17,34,50,72

BAKA (OX)

Wala kang magiging choice kundi pagkatiwalaan sa trabaho ang isang kasamahan na kinaiinisan mo. Hindi palagay ang loob mo sa kanya at hindi ka komportable na nasa paligid lang siya pero wala kang magagawa sa pagkakataong ito.

Masuwerteng numero; 9,18,20,32

TIGRE (TIGER)

Kahit pigilan mo pa ay lalabas at lalabas mula sa iyong bibig ang tunay na nilalaman ng iyong damdamin. Maaaring maikaila mo ito sa iba o sa kanya pero hindi sa sarili mo at sa araw na ito may masasabi kang clue para malaman niyang gusto mo siya.

Masuwerten numero; 8,19,34,69

KUNEHO (RABBIT)

Ang pasok ng suwerte sa negosyo ay hindi ganoon kaluwag subalit hindi rin naman ito mapapasok ng malas dahil napapalibutan ito ng mga pampasuwerte. Hindi pa nga lang ngayon ang araw na masasabing naakit mo na ang isang malaking suwerte.

Masuwerteng numero; 5,14,22,51

DRAGON (DRAGON)

May pagbabagong magaganap sa inyong pagtitinginan. Ito ay bunga ng mga maliliit na pagdududang hindi mo pa nabibigyan ng sagot sa kanya. Naghihintay pa rin siya ng iyong paliwanag at mananatili siyang malamig hangga’t hindi niya nauunawaan ang lahat.

Masuwerteng numero; 17,36,40,45

AHAS (SNAKE)

Ikaiirita mo ang magiging aksyon ng kamag-anak mo sa side ng iyong asawa. Hindi ikaw yung tipo ng tao na sanay makipagplastikan pero kailangan mo itong gawin ngayon alang-alang sa asawa mo. Mas mabuti kung didistansya ka na lang.

Masuwerteng numero; 7,12,35,44

KABAYO (HORSE)

Kung minsan ay makakaramdam ka talaga ng kalungkutan na hindi mo alam ang pinanggagalingan. Ngayong araw ay magkahalong pagkainip at kalungkutan ang mararamdaman mo. Upang hindi ito makaapekto sa’yo ng husto ay makinig ka ng musika.

Masuwerteng numero; 16,28,37,40

TUPA (SHEEP)

Isang negatibong tao ang makakasalamuha mo ngayon na mag-ooffer sa’yo ng kung anu-ano. Bagamat matamis ang kanyang dila ay huwag kang munang magtiwala. Matutong mag-obserba at makinig sa totoong may alam.

Masuwerteng numero; 56,57,66,70

UNGGOY (MONKEY)

Kikiligin ka sa araw na ito. Makakausap mo ang mahal mo na nasa malayo at medyo mahaba-haba ang inyong magiging kuwentuhan. Kaya naman sa buong araw mo ay mapapa-hum ka ng mga lovesongs sa sobrang saya ng puso mo.

Masuwerteng numero; 8,19,29,30

TANDANG (ROOSTER)

Magbabalik ang ningning ng iyong mga mata sa pagdating ng isang bisita. Ang akala mong tapos nyo ng relasyon ay madurugtungan ngayon. Bagamat hindi pa ito ang araw na aaminin mo sa kanyang mahal mo pa siya, sa sarili mo ay alam mo na.

Masuwerteng numero; 6,7,13,20

ASO (DOG)

Pangkaraniwang araw lang ang mangyayari sa trabaho na akala mo ay magiging espesyal na araw. Tulad pa rin ng dati ang lahat. Walang puwestong mababago. Walang madaragdag at mababawas na tao tulad ng inaasahan mo.

Masuwerteng numero; 11,24,33,56

BABOY (PIG)

Ikaw ang higit na makakaunawa sa isang kaibigan mo na nagdaramdam ngayon. Sa dami ng kanyang inaalala ay ayaw mong dumagdag pa kaya gagawa ka ng paraan para makatulong sa halip na makabigat pa sa kanya.

Masuwerteng numero; 19,23,31,27

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here