Chinese Horoscope; Mayo 18

0
341

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hindi mo masisi ang sarili mo kung makaramdam ka man ng panghihinayang sa isang lumampas na oportunidad. May pagkakataon kang i-grab ito pero hindi mo ginawa kaya naman ngayon ay abangers ka ulit sa mga darating pa.

Masuwerteng numero; 5,12,13,43

BAKA (OX)

Magiging malaya ka ngayon na gawin ang gusto mo. Ito ay dahil magkakaroon ka ng pagkakataon na mapag-isa sa inyong bahay. Ang katahimikan at kapanatagang hinahanap mo lagi ay mararanasan mo ngayong araw.

Masuwerteng numero; 29,30,41,52

TIGRE (TIGER)

Kukulangin ang perang mahahawakan mo para sa budget na kakailanganin mo sa isang proyekto. Hindi masama kung hihingi ka ng tulong sa mga makakasama mo para sa proyektong ito. Hindi mo kailangan na i-shoulder ang lahat ng gastusin.

Masuwerteng numero; 9,13,28,40

KUNEHO (RABBIT)

Mararamdaman mo ang panlalamig sa’yo ng iyong mahal. Alam mo na dapat ang dahilan kung bakit kaya nasa sa’yo na kung hahayaan mong tuluyan siyang manlamig. Mas makakabuti kung makikipag-usap sa kanya ng masinsinan.

Masuwerteng numero; 6,27,58,69

DRAGON (DRAGON)

Ikaw lang ang makapagpapabago sa isip ng iyong mga magulang tungkol sa isang mahalagang bagay na pinagpasyahan nila. Kahit pa hindi mo gusto ang makialam tungkol dito ay kakailanganin mong makialam alang-alang sa iyong mga kapatid.

Masuwerteng numero; 16,30,31,42

AHAS (SNAKE)

Wala kang dapat ipag-alala. Hindi mo pa man makita ang resulta ng iyong mga pinaghirapan sa ngayon ay darating at darating ang araw na kusa itong ilalagay ng tadhana sa iyong harapan. Huwag itong kainipan dahil ito ay nakatakda.

Masuwerteng numero; 18,22,57,66

KABAYO (HORSE)

Maging alerto ka sa iyong paligid. Ngayong araw na ito ay may mga negatibong tao kang makakasalamuha. Hindi maganda ang magiging hatak nila sa’yo kaya maging maingat sa bawat kilos at salitang bibitawan mo.

Masuwerteng numero; 6,9,20,36

TUPA (SHEEP)

Isang masayang araw ito para sa’yo at sa taong minamahal mo. Pareho kayong magiging aktibo sa isang aktibidad na hindi nyo dating ginagawa. Susubukan nyo magbonding sa isang sport at magugustuhan nyo ito.

Masuwerteng numero; 17,25,26,34

UNGGOY (MONKEY)

Sa dami ng bagay na gusto mong gawin ay magkakaroon ka ng pagkalito kung ano ang iyong uunahin. Mas mabuti kung ililista mo ang lahat ng mga bagay na ito at unahin sa listahan ang pinakamahalaga. Sa ganitong paraan ay hindi ka na malilito.

Masuwerteng numero; 15,36,55,69

TANDANG (ROOSTER)

Maguguluhan ka kung sino sa dalawang malapit mong mga kaibigan ang iyong paniniwalaan tungkol sa kanya-kanyang version nila sa isang pangyayari. Ang dapat mong gawin ay manahimik na muna at pag-isipan ang kanilang mga sinabi. Humingi ka rin ng opinyon sa iba.

Masuwerteng numero; 18,23,34,48

ASO (DOG)

Maging maingat sa iyong mga kinakain. Malapit ka ngayon sa sakit. Huwag magpadala sa pagiging takaw tingin at iwasan ang tumikim ng mga pagkaing alam na alam mong hindi mabuti para sa iyong kalusugan. Maging health conscious upang makaiwas sa sakit.

Masuwerteng numero; 17,34,56,60

BABOY (PIG)

Good karma ang mararanasan mo ngayon dahil sa kabutihan ng puso na ipinamalas mo nitong mga nakaraang araw. Makakatanggap ka ng papuri mula sa mga taong nasa mataas na posisyon sa iyong trabaho.

Masuwerteng numero; 18,24,25,40

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here