Chinese Horoscope; Mayo 18

117

DAGA (RAT)

May maririnig kang hindi kaaya-ayang salita mula sa iyong kapitbahay. Hindi mo ito gustong patulan subalit hindi mo maiiwasan na mapuno. Marami na kayong nagging hidwaan na gusto mo na rin namang wakasan.

Masuwerteng numero; 7,30,33,40

BAKA (OX)

Ang mga pinlano mo noong hindi ka pa nakakalabas ay may chance na maisakatuparan mo na ngayon. Pero sa halip na bigyang katuparan ito ay bibigyan mo muna ng konting panahon pa ang sarili mo para makapag-isip.

Masuwerteng numero; 15,20,22,41

TIGRE (TIGER)

Ikaw ang siyang magdedesisyon ngayon sa isang mahalagang usapin sa pamilya na may kinalaman sa lupain nyo sa probinsya. Dahil wala na ang nakakatanda sa’yo kaya sa’yo na iaatang ang responsibilidad dito.

Masuwerteng numero; 10,11,13,32

KUNEHO (RABBIT)

Mahihirapan kang gampanan ang tungkulin mo sa iyong pamilya dahil may laging kokontra sa bawat desisyon na gagawin mo. Hindi mo maiiwasan na hindi magalit at magdamdam dahil dito. Pakiramdam mo ay natatapakan na ang iyong karapatan.

Masuwerteng numero; 50,54,60,67

DRAGON (DRAGON)

Malaki ang pagbabagong kakaharapin mo sa trabaho. Ang mga pagbabagong ito ay magdudulot sa’yo ng sobrang stress sa araw na ito. Kakailanganin mong pag-aralan ang mga bagong proseso at mga bagong detalye.

Masuwerteng  numero; 42,45,51,52

AHAS (SNAKE)

May bago kang makikilala sa araw na ito na magbibigay sa’yo ng inspirasyon sa pagnenegosyo. Bagamat sa internet mo lamang siya makikita ay mararamdaman mo naman ang kanyang sinseridad na makatulong sa mga gaya mo.

Masuwerteng numero; 30,34,54,57

KABAYO (HORSE)

Isang bagong plano sa trabaho ang ihahain sa’yo ng isa sa mga kasama mo sa team. Sa una ay magugustuhan mo ito pero may makikita kang mga butas kaya naman pag-iisipan mo muna itong mabuti bilang pinuno ng inyong grupo.

Masuwerteng numero; 13,20,24,25

TUPA (SHEEP)

Makakaramdam ka ng labis na pagkainip sa bahay. Matapos ang ilang buwan mong pananatili rito ay parang ngayon pa lang magsisink in sa’yo ang mga pangyayari. Araw ito ng iyong pagmumuni-muni sa mga naging kaganapan.

Masuwerteng numero; 30,40,56,59

UNGGOY (MONKEY)

Hindi masyadong maganda ang araw na ito para sa’yo. Bagamat patuloy ang pagdating ng biyaya ay may ilang maliliit na problemang susulpot at hindi mo agad maiisip kung ano ang mga tamang solusyon para rito.

Masuwerteng numero; 18,21,27,28

TANDANG (ROOSTER)

Ang mga pangamba mo tungkol sa iyong malayong kaanak ay matutuldukan na ngayon dahil makakarating na sa’yo ang balita na maayos na ang kanyang kalagayan. Kaya naman mapapanatag ka na rin.

Masuwerteng numero; 5,7,9,10

ASO (DOG)

Magiging maluwag ang pasok ng pera para sa’yo sa araw na ito. Bunga ito ng pagiging maluwag mo rin sa mga biyayang natanggap mo nitong mga nakaraang araw. Dahil hindi ka naging madamot kaya hindi rin magiging madamot sa’yo ang kapalaran.

Masuwerteng numero; 18,29,38,42

BABOY (PIG)

Ang sobra mong pagiging malapit sa mga kaibigan ang siyang maglalagay sa’yo ngayon sa kapahamakan. Isa sa kanila ang hindi magpapahalaga sa iyong pagtitiwala at isang matagal mo ng lihim ang mabubunyag dahil sa kanya.

Masuwerteng numero; 25,36,37,40

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here