Chinese Horoscope; Mayo 17

0
332

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Isa sa mga taong makakasama mo ngayon ang punumpuno ng positibong enerhiya. Para siyang walang kapaguran. Lahat ay gusto niyang subukan. Kaya naman ang boredom mo ay maglalaho habang siya ay kasama mo.

Masuwerteng numero; 9,11,23,43

BAKA (OX)

Magkakaroon ka ng pagdududa sa isang kaibigan. Iisipin mong tinatraydor ka niya. Pero bago mo paniwalaan ang isipin na ito ay alamin mo muna ang buong katotohanan. Mahirap magkamali lalo na kung nakasalalay dito ang inyong pagkakaibigan.

Masuwerteng numero; 7,21,50,66

TIGRE (TIGER)

Huwag kang mahiyang lumapit sa iyong mga in-laws. Kung kailangan mo ng tulong nila ay matuto kang magsalita. Hindi mo malalaman kung sino sa kanila ang tutulong sa’yo kung hindi ka kikilos. Maaari ka namang bumawi sa ibang pagkakataon.

Masuwerteng numero; 18,30,52,75

KUNEHO (RABBIT)

Isang kaibigan mula sa malayong lugar ang bibisita sa’yo ngayon.Wala man siyang bitbit na materyal na pasalubong ay marami naman siyang dalang kuwento na kaaaliwan mo. Kaya naman gugustuhin mo na magtagal pa siya sa inyo.

Masuwerteng numero; 6,15,34,45

DRAGON (DRAGON)

Magiging mailap ang suwerte para sa’yo sa araw na ito. Ito ay dahil napapalibutan ka ng hindi magagandang elemento. Ang karamihan ay puro negatibo. Magpahinga ka muna at dumistansya sa kanila upang mapawi ang malas.

Masuwerteng numero; 6,8,12,20

AHAS (SNAKE)

Isang kasamahan sa trabaho ang lihim na naiinggit sa’yo. Maaga pa para magkaroon ka ng mga achievements pero nakukuha mo na agad ito kaya i-expect mo na ang mga taong mapanibugho. Manatili lang na mapagpakumbaba.

Masuwerteng numero; 16,29,30,33

KABAYO (HORSE)

Ang inaasahan mong mangyari ay hindi mangyayari. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para rito. Habaan pa ang iyong pagtitiyaga at pasensya. Sa ngayon ay meron kang mas higit na dapat pagtuunan ng pansin.

Masuwerteng numero; 18,39,40,44

TUPA (SHEEP)

Sa kabila ng iyong pag-iingat ay hindi mo pa rin maiiwasang magkamali. Ito ay may dahilan. Kailangan mong magkamali para meron kang matutunan. Para may makita kang bagay na mahalaga. Mas magiging mabuti ang resulta kung maiaayos ang pagkakamaling ito.

Masuwerteng numero; 12,21,22,30

UNGGOY (MONKEY)

May mga bagay na sadyang para sa’yo.Gayundin ang tao. Pilit mo man itong iwasan. Kahit iyo pang ipagtabuyan at pagtaguan, sa’yo at sa’yo pa rin ito babalik. Mas makakabuti kung tatanggapin mo at tuturuan ng iyong mga nalalaman.

Masuwerteng numero; 16,32,49,50

TANDANG (ROOSTER)

Kung meron ka mang tao na dapat pasalamatan, iyon ay ang iyong mga magulang. Kahit na madalas ay hindi mo sila napagtutuunan ng pansin, nananatili silang nasa iyong likuran. Anuman ang kahinatnan ng iyong mga pagsisikap ay nariyan lang sila at nakaalalay sa’yo.

Masuwerteng numero; 5,35,67,68

ASO (DOG)

Isang malapit na kaibigan ang iyong makakatampuhan. Maliit na bagay lang na palalalain ng mga taong nasa paligid nyo ang pagmumulan . Mas makakabuti kung direkta kang makikipag-usap sa iyong kaibigan at hindi makikinig sa ibang tao.

Masuwerteng numero; 7,19,42,60

BABOY (PIG)

Mapupuno ka ng stress ngayong araw na’to dahil sa’yong lovelife. Gugustuhin mo nang sumuko pero maraming bagay kang ikokonsidera kaya sa halip na bumitaw ay patuloy kang makikipaglaban at aasa ng panalo sa bandang huli.

Masuwerteng numero; 31,45,47,56

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here