Chinese Horoscope; Mayo 17

129

DAGA (RAT)

Ikaw ang siyang nakakaalam kung ano ang tama at mali para sa iyong pamilya kaya hindi mo hahayaan na pakialaman ka ng mga tao na alam na alam mo namang hindi tunay ang ipinapakitang pagmamalasakit sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,19,20,30    

BAKA (OX)

Makakagawa ka ng isang desisyon na pagsisisihan mo sa huli. Masyado ka na kasing stress para pag-isipan ang lahat ng bagay na nangyayari sa iyong paligid kaya naman  ang mga pagpapasya mo ay hindi mo na pag-iisipan.

Masuwerteng numero; 7,30,45,50

TIGRE (TIGER)

Hindi magiging madali sa’yo na kumbinsihin ang iyong mga in-laws na sumang-ayon sa mga kagustuhan mo. Pero susubukan mo pa rin. Gagawin mo ang lahat ng paraan na makakaya mo alang-alang sa iyong sariling pamilya.

Masuwerteng numero; 10,25,31,40

KUNEHO (RABBIT)

Mauudlot ang plano mong paglabas ngayong araw dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari. Kahit na importante ang lakad mo ay wala kang magagawa kundi isantabi muna ito para ayusin ang dapat munang ayusin.

Masuwerteng numero; 33,40,42,50

DRAGON (DRAGON)

Mapipilitan kang isurrender ang isang bagay na hindi dapat mapunta sa’yo. Mas pipiliin mo ng gawin ito kaysa naman umabot pa sa mas hindi magandang pangyayari ang paghahangad mo rito. At least magkakaroon ka ng peace of mind.

Masuwerteng numero; 18,21,26,28

AHAS (SNAKE)

Paulit-ulit mo mang ipaliwanag sa isang kaanak na malapit sa’yo ang isang pangyayari sa pagitan nyo ng isang tao ay hindi pa rin niya ito maiintindihan dahil marami ang magsusulsol sa kanya na nais kayong masira.

Masuwerteng numero; 16,25,32,37

KABAYO (HORSE)

Kung ikaw ang tatanungin ay hindi mo na itutuloy pa ang isang proyekto na may kinalaman sa trabaho. Pero hindi ikaw ang siyang masusunod kaya naman magpapatangay ka na lang sa kung ano ang nais ng nasa pwesto.

Masuwerteng numero; 46,48,59,60

TUPA (SHEEP)

Ang lahat ng kabutihan ay may katapat na good karma. Iyan ang eksaktong mangyayari sa’yo ngayon. Good karma. Dahil may mga kabutihan kang itinanim sa iyong kapwa kaya naman aanihin mo na ang bunga nito.

Masuwerteng numero; 5,12,13,24

UNGGOY (MONKEY)

Malaki ang tiwalang ibibigay sa’yo ng iyong boss ngayon. Ipagkakatiwala niya sa’yo ang mahahalagang bagay na may kinalaman sa trabaho. Hindi lang ‘yon. Maging ang ilan sa mahalagang bagay sa kanyang buhay.

Masuwerteng numero; 18,20,31,56

TANDANG (ROOSTER)

Nasa mood ka ngayong araw para tapusin ang maraming gawain sa loob ng bahay. Dahil positibo ang awra mo kaya naman maaga ka ring matatapos. Magagawa mo ring magpahinga bago matapos ang maghapon.

Masuwerteng numero; 41,42,53,57

ASO (DOG)

Sa ayaw at sa gusto ng iyong pamilya ay itutuloy mo pa rin ang plano mo ngayong araw. May kinalaman ito sa pagbubukas mo ng bagong negosyo na sa tingin nila ay magpapahirap lang sa’yo dahil sa dami ng kailangan pang ayusin.

Masuwerteng numero; 14,19,20,38

BABOY (PIG)

Ang malaking biyaya na noong isang araw mo pa hinihintay ay mapapasa’yo na rin sa wakas ngayong araw. Labis mo itong ikakatuwa dahil ang totoo ay hindi mo na talaga ito inaasahan dahil nai-stress ka lang sa paghihintay.

Masuwerteng numero; 9,18,27,34

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here