Chinese Horoscope; Mayo 15

0
612

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Ang lahat ng bagay ay maaaring madaan sa maayos na usapan. Tulad ng dati mong ginagawa, makipag-usap ng mahinahon at iwasang magtaas ng boses upang ang gulong umusbong ay hindi na lumaki pa at makaapekto ng husto sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,12,13,24

BAKA (OX)

Makakadaupang palad mo ang isang mahalagang tao sa inyong lugar. Samantalahin mo nang sabihin sa kanya ang iyong mga hinaing lalo na ang may kinalaman sa inyong pamilya. Hindi ito ang oras para pairalin ang hiya.

Masuwerteng numero; 9,25,30,35

TIGRE (TIGER)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na kausapin ang isang kaibigan na matagal mong nakaalitan. Ito na ang magiging simula ng panunumbalik ng dati ninyong pagkakaibigan. Iwasan ang mga taong sawsawera upang hindi ito maudlot.

Masuwerteng numero; 17,28,29,40

KUNEHO (RABBIT)

Magiging matagumpay ang una mong hakbang na may kinalaman sa iyong negosyo. Unique ang ideyang naisip mo. Iwasan mo lang ang magkuwento at magbahagi ng iyong mga ideya sa iba dahil baka ikagulat mo isang araw at naagaw na ito.

Masuwerteng numero; 39,55,61,67

DRAGON (DRAGON)

Maging maalaga ka sa iyong sarili. Sa kabila ng iyong kaabalahan ay huwag mong kakalimutan na kailangan mo rin magpahinga, makakain ng maayos at makatulog ng sapat sa oras. Lapitin ka ngayon ng sakit.

Masuwerteng numero; 60,61,70,80

AHAS (SNAKE)

Ang paiba-iba mong pagpapasya ang makakagulo sa inyong team. Hindi ito magugustuhan ng iyong mga miyembro kaya bago ka magbitaw ng desisyon ay kailangan mo muna itong pag-aralan at pag-isipang mabuti.

Masuwerteng numero; 9,29,37,51

KABAYO (HORSE)

Ikabibigla mo kung sino ang papalit sa pwestong iiwanan mo. Hindi mo ito inaasahan at hindi rin inaasahan ng nakararami. Pero wala kang magagawa kundi ang magkibit balikat na lang at tanggapin ang iyong pagkatalo.

Masuwerteng numero; 12,16,22,33

TUPA (SHEEP)

Maaliwalas ang awra ng inyong relasyon sa araw na ito. Pareho kayo ng damdamin at nagtutugma ang mga gusto ninyong gawin kaya naman magaan at memorable ang araw na ito na magpapangiti sa inyong mga puso.

Masuwerteng numero; 9,11,23,32

UNGGOY (MONKEY)

Hindi na importante kung ano ang balik sa’yo ng ginawa mong pagtulong. Ang totoo ay hindi ka naman naghihintay ng kahit na ano. Hindi mo lang maiiwasan na maapektuhan sa maririnig mong hindi maganda sa kabila ng iyong pagkakawanggawa.

Masuwerteng numero; 9,10,15,21

TANDANG (ROOSTER)

Magiging mailap ang suwerte sa araw na ito. Huwag itong ikalungkot at ipagmukmok dahil darating at darating din sa’yo ang mga oportunidad na hinihintay mo. Habaan pa ang iyong pasensya at pagtitiyaga at lawakan pa ang iyong pang-unawa.

Masuwerteng numero; 39,40,54,66

ASO (DOG)

Hindi mo man gustuhin ay mapipilitan kang magsinungaling para lang mapagtakpan ang kamalian ng isang miyembro ng pamilya. Gusto mo siyang mailigtas dahil alam mong kung sasabihin mo ang totoo ay ikapapahamak niya ito.

Masuwerteng numero; 18,23,43,56

BABOY (PIG)

Malaki ang pagkagusto mo sa isang tao. Subalit alam mo na siya ay pag-aari na ng iba kaya sa halip na kunsintihin ang iyong damdamin ay pipiliin mo na kimkimin mo na lang ito hanggang sa makalimutan mo siya.

Masuwerteng numero; 9,35,36,57 000000000000000

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here