Chinese Horoscope Mayo 14, 2022

348

DAGA (RAT)

Kapag ikaw ay namomroblema, masasabi mong hindi patas ang langit. Subalit kapag natanggap mo na ang biyaya ay labis mo na itong ikatutuwa. Sa halip na magreklamo ay magbilang ka na lang ng mga pagpapala para masabi mo kung gaano ka kasuwerte.

Masuwerteng numero; 8,9,10,13

BAKA (OX)

Higit pa sa kasiyahang naramdaman mo noon ang mararamdaman mo ngayon sa piling ng bago mong pag-ibig. Bagamat hindi mo ito nais pagkumparahin, deep inside ay magagawa mo at hindi mo maiiwasang isipin ang kanilang pagkakaiba.

Masuwerteng numero; 4,13,24,25

TIGRE (TIGER)

Alam mo na kulang pa ang mga magagandang nasabi mo para purihin ang isang kaibigan na mapagkawanggawa pero para sa kanya ay sobra sobra na ito at magiging labis na ang pagpapasalamat niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 18,36,40,58

KUNEHO (RABBIT)

Hindi na mahalaga kung may mapapala ka ba o wala. Ang magiging laman ng isipan mo ngayon ay kung paano mo maipaaabot ang tulong sa mga taong alam mong mas higit na nangangailangan kaysa sa’yo. Ito ang magbibigay sa’yo ng kapanatagan.

Masuwerteng numero; 16,29,50,67

DRAGON (DRAGON)

Ang taong hinihintay mo na sumuko sa’yo ay naghihintay din na sumuko ka sa kanya. Sa ganitong sitwasyon ay pansamantala kayong makakaramdam ng panlalamig sa isa’t-isa kaya hindi pa maaayos ngayon ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nyo.

Masuwerteng numero; 10,11,31,45

AHAS (SNAKE)

Sa araw na ito ay malalaman mo kung gaano kaloyal sa iyo ang iyong matalik na kaibigan. Hindi siya aalis nang hindi ka kasama.Kaya naman madaragdagan pa ang pagmamahal mo sa kanya at pagpapahalaga mo sa inyong pagkakaibigan.

Masuwerteng numero; 14,34,55,90

KABAYO (HORSE)

Ang promosyon na hinihintay mo ay hindi mo pa makukuha sa ngayon. Mauudlot ito dahil sa isang proyekto na hindi magtatagumpay. Kailangan mong pag-isipang mabuti ang tamang diskarte para sa bagong proyekto.

Masuwerteng numero; 57,72,88,95

TUPA (SHEEP)

Wala kang gana na gawin ang isang bagay na ayaw mo. Subalit mapipilitan kang magdesisyon para rito dahil ikaw lang ang inaasahan ng iyong grupo. Gumawa ng paraan upang magkaroon ng twist at maging interesante ito para sa’yo at para sa lahat.

Masuwerteng numero; 7,19,46,51

UNGGOY (MONKEY)

Kung kailan nakapagdesisyon ka nang bitawan siya ay saka naman siya muling magpaparamdam sa’yo kaya hindi mo maiiwasan ang makaramdam ng pagkalito kung dapat ba talaga o hindi ka pa dapat bumitaw sa kanya.

Masuwerteng numero; 12,21,66,69

TANDANG (ROOSTER)

Nakapili ka na ng bagong pag-ibig kaya dapat ka nang maging masaya. Pero sa halip ay makakaramdam ka pa rin ng kakulangan. Mas makakabuti kung bibigyan mo muna ng sapat na panahon ang sarili mo para makapag-isip pa ng husto.

Masuwerteng numero; 1,11,70,79

ASO (DOG)

Sa pagbabalik mo sa dati ninyong lugar ay awtomatikong maaalala mo ang ilang bahagi ng iyong nakalipas sa lugar na iyon. Mga nakaraan na nagpangiti, nagpahalakhak at nagpaluha rin sa’yo. Isang dating kaibigan ang matatagpuan.

Masuwerteng numero; 8,19,23,34

BABOY (PIG)

Sikaping maging mahinahon sa harap ng hindi magandang sitwasyon. Ang likas mong kabaitan at katalinuhan ang magiging sandata mo kaya kumalma ka lang at huwag magpapadala sa silakbo ng damdamin.

Masuwerteng numero; 18,20,23,29

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here