Chinese Horoscope, May 19

0
616

Madame Winn

Ako'y 50 taong gulang na ngunit kayang-kaya ko pa ring mabasa ang sinasabi ng iyong kapalaran. Hangad ko ang kaligtasan at kalusugan ng sinumang magbabasa ng Chinese Horoscope natin.

Latest posts by Madame Winn (see all)

Tunghayan ang iyong Chinese Horoscope May 19 

Daga (Rat)

Isipin mong mabuti, ano ba talaga ang nais mong mangyari sa’yong buhay? Diyan kasi nakasalalay kung ikaw ba ay magtatagumpay o magkakaroon ng miserableng buhay.

 

Baka(Ox)

Kung magtatrabaho ka, siguraduhin mo naman na ang gagawin mo ay maganda. Diyan kasi nakasalalay ang iyong tagumpay. Huwag mo namang naising maging katawa-tawa ang iyong trabaho dahil baka mawalan ka ng work.

 

Tigre (Tiger)

Masaya kayo ngayon ng mahal mo. Walang humpay ang inyong pagtatawanan. Sana nga lang, hindi lang kayo magkasama sa saya. Makabubuti rin kasi kung magsasama kayo sa sakit. Kung may problemang pinagdaranan ang isa, makabubuting suportahan din ng isa. Masuwerte na kayo at natagpuan na ninyo ang isa’t isa. Huwag na ninyong gustuhin pang mag-goodbye kayo sa isa’t isa.

 

Kuneho (Rabbit)

Makakatangap ng mga puna ang iyong trabaho. Kung makatangap ka ng negative, pagbutihin mo na lang ang ginagawa mo. Kung positibo, ipagpatuloy mo ‘yan at pagbutihin mo pa. Masuwerte ka sa kulay na pink.

 

Dragon

Kung may mga bago ka mang responsibilidad, okay lang ‘yan. May mga tao namang tutulong sa’yo kaya wala kang dapat na alalahanin. Masuwerte ka pa nga dahil ang mga taong nakapaligid sa’yo ay handang tumulong palagi sa’yo.

 

Ahas (Snake)

Kailangan mo rin namang sumubok ng iba. Huwag kang makuntento lang sa kung ano ang nandyan. Hindi ka naman kasi mag-i-improve diyan. Mapalad ka sa numerong 1, 3, 5 at 12.

 

Kabayo (Horse)

Kung nais mong magkaroon ng magandang relasyon mula sa mahal mo, buksan mo sa kanya ang iyong puso. Huwag mong itago sa kanya ang nararamdaman mo dahil hindi ‘yan makakabuti sa’yo. Mapalad ka kung magsusuot ka lagi ng puti.

 

Tupa(Sheep)

Isipin mo kasi kung ano ang tema ng proyekto ninyo. Mula doon ay pagandahin mo na. Huwag kang makikinig sa iba. Basta ang ideya mo ang sundin o para tiyak na magiging maganda ‘yan. Masuwerte ka sa mga kasamahan mo kaya huwag mo silang awayin. Ipaliwanag mo lang ang ideya mo at siguradong susoportahan ka rin nila.

 

Unggoy (Monkey)

Hindi maaaring ang mga mata mo lang ang nakabukas, matuto ka ring makinig. Kapag nagawa mo ‘yan, magkakaroon ka ng magandang buhay. Takpan mo na lang ang bibig mo dahil may mga pagkakataon na puro pamimintas lang ang gagawin mo. Hindi dapat ganoon.

 

Tandang(Rooster)

Maging determinado ka para makamit mo ang tagumpay na iyong hinahangad.

 

Aso (Dog)

Ang kasiyahan mo ay mapapawi dahil sa pag-ibig. Maaaring makita mo ang iyong karelasyon na may kasamang iba. Masakit pero kailangan mo ring mag-move on.

 

 

Baboy(Pig)

Huwag masyadong emosyonal. Gamitin mo rin ang iyong utak. Masisira lang kasi ang buhay mo kung hahayan mong maging miserable ka palagi.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here