Chinese Horoscope May 18

0
978

Madame Winn

Ako'y 50 taong gulang na ngunit kayang-kaya ko pa ring mabasa ang sinasabi ng iyong kapalaran. Hangad ko ang kaligtasan at kalusugan ng sinumang magbabasa ng Chinese Horoscope natin.

Latest posts by Madame Winn (see all)

Tunghayan ang inyong Chinese Horoscope May 18.

 

Daga (Rat)

Huwag mo kasing tipirin ang pagpapaliwanag. Ang dapat, I-explain mo ng mabuti. Tiyak naman kasing hindi lang kayo nagkakaunawaan.

 

Baka(Ox)

Kung sa tingin mo ay nangangailangan ng tulong ang mahal mo, siya ay tulungan mo. Kapag ginawa mo iyon, mas mamahalin ka niya.

 

Tigre (Tiger)

Hindi mo man alam kung ano ang iyng hinaharap, hindi sapat na dahilan iyon para di ka kumilos. Ang buhay ng tao ay hindi magic, kaya kung talagang gusto mong matupad ang pangarap mo, kailangan mong magpakasipag at paghusayan ang iyong trabaho.

 

Kuneho (Rabbit)

Sabihin mo ang laman ng iyong isip. Wala kasing mangyayari kung hindi mo ibubulalas ang laman niyan dahil walang ibang makakarinig. Sana ay palisin mo ang takot na iyong nararamdaman dahil wala namang mangyayari kung negatibong emosyon lang ang mararamdaman mo. Mapalad na kulay ang puti.

 

Dragon

Magtrabaho ka ng mabuti at siguradong sa susunod na araw ay makatatangap ka ng magandang resulta. Kung may problema ka man o mabigat ang loob mo, huwag ka na magmukmok. Ibaling mo na lang ang atensyon mo sa mas importanteng bagay. Ito siyempre iyong pagpapaganda ng kinabukasan mo.

 

Ahas (Snake)

Komunikasyon ang the best na paraan para magkaroon ng magandang buhay. Kahit na magkalayo kayo, kung tunay naman ang pagmamahalan ninyo ay makakampante ang puso’t isipan ninyo. Kaya, tawagan si labs palagi o kaya naman siya ay i-chat.

 

Kabayo (Horse)

Kung mamahalin mo ng husto ang iyong trabaho, magkakaroon ka ng magandang buhay. Kaya, huwag kang maging pabaya. Ibigay mo ang lahat ng makakaya mo para maging okay ang lahat. Masuwerte ka sa numero uno.

 

Tupa(Sheep)

Kung masama ang iyong loob, mag-relax ka muna. Huwag mong masyadong isipin ang problema. Hindi ‘yan makabubuti sa’yo. Marami rin kasing mapektuhan. Kabilang dito ang relasyon mo sa’yong pamilya at mga kaibigan.

 

Unggoy (Monkey)

Kilala ng puso mo kung sino ba ang dapat mong pagkatiwalaan kaya huwag ka na mag-isip pa. Magiging rason pa ‘yan para ikaw ay magkamali. Tanungin mo na lang ang sarili mo kung magagawa mo nga ba talagang panindigan ang taong isinisigaw ng iyong puso.

 

Tandang(Rooster)

Para kang bituin na magniningning ngayong araw. Kung nais mong sumikat ng husto, pagbutihin mo pa ang iyong ginagawa. Tandaan mo, hindi sapat ang minsan lang. Dapat palagi, para tumatak ka talaga sa puso’t isipan ng mga tao.

 

Aso (Dog)

Huwag kang masyadong mayabang dahil baka isang araw ay bumagsak ka na lang. Kaya bago ka umaksyon o magsalita, pag-isipan mo munang mabuti. Makakamit mo lang ang suwerteng iyong hinahangad kung magbabago ka.

 

Baboy(Pig)

Magpasalamat ka at maraming magagandang oportunidad na dumarating sa buhay mo. Huwag mong pawalan ‘yan dahil sa maling pag-ibig. Huwag mong hayaan na ang magagandang kapalaran na dapat ay nasa iyong kamay na ay maglaho pa dahil sa walang kuwentang pag-ibig. Kailangan mong malaman na hindi pa siya ang nakatadhana para sa’yo.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articleIsyu 225: Barko sa pantalan
Next articleTanong mo Sagot ko May 18
Ako'y 50 taong gulang na ngunit kayang-kaya ko pa ring mabasa ang sinasabi ng iyong kapalaran. Hangad ko ang kaligtasan at kalusugan ng sinumang magbabasa ng Chinese Horoscope natin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here