Chinese Horoscope May 16

0
338

Madame Winn

Ako'y 50 taong gulang na ngunit kayang-kaya ko pa ring mabasa ang sinasabi ng iyong kapalaran. Hangad ko ang kaligtasan at kalusugan ng sinumang magbabasa ng Chinese Horoscope natin.

Latest posts by Madame Winn (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope May 16.

 

 

Daga (Rat)

Ano ba ang importante sa’yo? Kailangan mong pakaisipan ‘yan dahil ‘dyan ka magiging maligaya. Kailangan mong tutukan ang iyong trabaho para magkaroon ka ng magandang buhay. Ang taong mahal mo lang din ang makapagpapaligaya sa’yo. Ano o sino ba ang pipilin mo? Masuwerte ka sa numero 9 at kulay pula.

 

Baka(Ox)

Huwag ka na tumingin pa sa iba, mag-focus ka na lang sa karelasyon mo tutal siya naman talaga ang mahal mo.

 

Tigre (Tiger)

Magkakaroon ka ng maraming pera. Maganda ‘yan. Dahil ‘yan naman talaga ang gusto mo, ang magkaroon ng maginhawang buhay. Kailangan nga lamang, huwag kang maging madamot para matuwa sa’yo ang langit. Masuwerte ka sa numerong 1 at kulay pink.

 

Kuneho (Rabbit)

Kailangan mong maging mapagpasensiya para makamit mo ang tagumpay. Gayunman, hindi laging good news ang makukuha mo. May pagkakataon na makakatangap ka ng masamang balita kaya lang maaari mo namang solusyunan ang problema. Bawal kang panghinaan ng loob dahil mamalasin ka. Beinte ang masuwerte mong numero.

 

Dragon

Huwag kasing umasa sa sobrang kagandahan dahil darating ang araw, madi-disapoint ka lang. Mapalad ka sa kulay blue.

 

Ahas (Snake)

Kung may deprensiya ang iyong puso, huwag kang kumain ng bawal. Mas makabubuti kung mag-jogging ka lang at kumain ng tama. Prutas at gulay.

 

Kabayo (Horse)

Mag-enjoy ka naman. Hindi maigi kung lagi ka na lang nakakulong sa kuwarto mo at nagtatrabaho. Kailangan nga ng pera bawat tao pero dapat ay pangalagan mo rin ang iyong kalusugan. Sumagap ka ng sariwang hangin.

 

Tupa(Sheep)

Huwag ka na magsalita kung alam mo namang wala kang magandang sasabihin. Ikapapahamak mo lang ‘yan kaya mag-isip kang mabuti. Mapalad ka sa kulay pula.

 

Unggoy (Monkey)

Masyado kang abala sa’yong trabaho kaya hindi mo napapansin na lumalayo na rin sa’yo ang pamilya mo. Huwag ganoon. Baka maging dahilan ‘yan para masira ang iyong pamilya. Hindi mo naman siguro gugustuhing maging malungkot at miserable, hindi ba?

 

Tandang(Rooster)

Makipag-ugnayan ka sa mga mahal mo sa buhay. Kahit na nasa malayo sila, okay lang iyon, basta nararamdaman nila ang iyong pagmamahal kapag nakikipag-ugnayan ka sa kanila. Mapalad ka at mahal na mahal ka pa rin ng mga magulang mo kahit damulag ka na dahil inaalala pa rin nila ang iyong kinabukasan.

 

Aso (Dog)

Huwag kang maging bulag sa katotohanan. Kailangan ay makita mo rin ang good and bad side ng taong pinili mong mahalin.

 

Baboy(Pig)

Marami kang problemang dinadala kaya nakakaramdam ka ng pagkalito. Manalangin ka para ang negatibong emosyon ay mawala na sa’yong dibdib.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here