Chinese Horoscope; Marso 26

83

DAGA (RAT)

May maliit na tulong na matatanggap mula sa isang kaanak. Pero ang maliit na tulong na ito ay malaking bagay na para sa’yo at sa iyong pamilya sa mga panahong ito. Kaya naman abot-abot ang inyong magiging pasasalamat.

Masuwerteng numero; 10,11,15,16

BAKA (OX)

Walang milagrong magaganap kung hindi ka rin kikilos. Dapat mong isipin na sa kabila ng mga nangyayari ay kakailanganin mo pa rin na makapag-isip ng tama at makadiskarte ng tama para magpatuloy ang buhay.

Masuwerteng numero; 48,49,52,55

TIGRE (TIGER)

Isa sa iyong mga kapamilya ang maghahangad ng labis na biyaya kaya naman malalagay siya sa isang kumplikadong sitwasyon. Dahil dito ay madaragdagan ang stress mo. Ikaw pa rin ang makakaisip ng solusyon.

Masuwerteng numero; 9,19,23,25

KUNEHO (RABBIT)

Tuloy ang buhay gaano man ito kahirap ngayon. May mga madidiskubre ka sa iyong sarili at gagamitin mo ito para makaraos sa araw-araw. Ito ang magiging libangan mo para hindi ka malunod sa bawat oras ng boredom.

Masuwerteng numero; 8,18,25,30

DRAGON (DRAGON)

isang pagkakamali mo lang ay agad kang mahuhusgahan ng iba. Kaya naman matatakot ka ng makagawa ng pagkakamali. Dahil dito ay mas magiging maingat ka na sa bawat salitang iyong bibitawan lalo na sa iyong pagkilos.

Masuwerteng numero; 45,50,55,60

AHAS (SNAKE)

Marami kang matututunang luto ngayon. Yung akala mo ay limitado lang ang nalalaman mo sa pagluluto ay matutuklasan mo na marami ka pa palang mailuluto na masasarap at masusustansyang pagkain para sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 51,64,68,69

KABAYO (HORSE)

Matapos ang ilang araw na pagkakulong at pagkainip sa loob ng bahay ay may magandang plano ka ring mabubuo sa wakas. May kinalaman ito sa pakikipagbonding mo sa iyong mga anak at sa iba pang kasama sa bahay upang malibang.

Masuwerteng numerol 11,13,16,17

TUPA (SHEEP)

Kung anu-ano ang papasok sa isip mo ngayon dahil malayo ka sa iyong pamilya. Marami kang plano na mabubuo para lamang makauwi ka at makasama mo sila. Pero hindi pa rin maaalis ang iyong takot at pangamba sa maaring kaharapin sa daan.

Masuwerteng numero; 42,28,51,64

UNGGOY (MONKEY)

Sress free ka ngayong araw na ito dahil sa magagandang balita na masasagap mo sa social media na at least ay walang kinalaman sa virus na nagpapahirap sa lahat. Pipilitin mo pa rin na palaging makasagap ng good vibes.

Masuwerteng numero; 7,19,32,33

TANDANG (ROOSTER)

Nakakapagod ang araw na ito para sa’yo. Araw ng paglalaba, pagluluto at paggegeneral cleaning. Gayunpaman, hindi mo maaalintana ang pagod dahil paraan mo rin ito para magtanggal ng inip at maglibang.

Masuwerteng numero; 45,46,47,58

ASO (DOG)

Hindi ikaw ang mahihirapan sa araw na ito kundi ang ilang miyembro ng iyong pamilya na ipipilit ang nais nilang mangyari. Habang sila ay nagpapaka-stress, pipiliin mo naman na maupo na lang at manood ng t.v.

Masuwerteng numero; 38,39,41,42

BABOY (PIG)

May matatanggap kang sorpresa mula sa isang kaibigan na nasa malayo. Ang sorpresang ito ang siyang magsasalba sa iyong pamilya ng ilang araw o maaari pang abutin ng isang linggo. Isang malaking biyaya na dapat mong ipagpasalamat.

Masuwerteng numero; 15,20,24,26

SHARE
Previous articleMABISANG RITUWAL UPANG MAITABOY ANG MGA KAMALASAN SA LOOB NG BAHAY AT KAPALIGIRAN
Next articleLove Horoscope; Marso 26

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here