Chinese Horoscope; Marso 21

0
254

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Payapa ang araw na ito para sa’yo kaya mapapanatag ka rin. Samantalahin ang mga pagkakataon na gaya nito. Sikapin na makuha ang tulog na dapat at huwag hayaang malibang sa social media. Hindi ka nito patutulugin.

Masuwerteng numero; 9,10,12,34

BAKA (OX)

Ingatan ang kalusugan. Ang pag-abuso mo sa iyong katawan ay magdudulot sa’yo ng problema. Hindi ka robot. Kailangan mo rin ang magpahinga. Kapag ginawa mo ito ay mararamdaman mo ang panibagong lakas na para kang battery na bagong charge.

Masuwerteng numero; 17,20,22,23

TIGRE (TIGER)

Susubukan mong pigilan ang isang miyembro ng pamilya sa binabalak nitong pangingibang bansa. Natatakot ka para sa kanya pero hindi ka niya pakikinggan dahil buo na ang kanyang desisyon at dapat mo iyong igalang.

Masuwerteng numero; 11,12,34,56

KUNEHO (RABBIT)

Hindi magiging makatarungan ang gagawin mong pagkampi sa isang kaibigan kung alam mo namang siya ang nagkamali.Kung tunay ka niyang kaibigan,dapat mong ituwid ang kanyang pagkakamali sa halip na siya ay kampihan.

Masuwerteng numero; 17,23,34,54

DRAGON (DRAGON)

Makakaya mo pang ibalik ang sigla ng inyong pagsasama kung masisiguro mo sa sarili mo ang tunay na lugar niya sa puso mo. Ang pag-aalinangan mo’t pagdududa ang siyang sanhi ng katamlayan ngayon ng inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 5,16,47,88

AHAS (SNAKE)

Sa kabila ng kakapusan mo sa budget ngayon ay hindi mo maiisip na humingi ng tulong sa iyong mga kamag-anak. Mas mahalaga sa’yo ang iisipin at sasabihin nila kaysa sa iyong pagtitiis kaya kakayanin mo maski walang tulong mula sa kanila.

Masuwerteng numero; 8,10,11,99

KABAYO (HORSE)

Ikaw lang ang tanging makapagsasabi sa sarili mo kung mahal ka pa niya. Ang napansin mong pagbabago sa pakikitungo niya sa’yo ay isang pruweba na kailangan mong siguruhin para masagot ang iyong mga tanong.

Masuwerteng numero; 5,16,24,29

TUPA (SHEEP)

Isang bagong kakilala ang may hatid na suwerte sa’yo ngayon. Hindi mo agad ito mapapansin dahil abala ka sa ibang bagay. Bago matapos ang araw ay makikita mo kung anong klaseng suwerte ang dinala niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,19,20,40

UNGGOY (MONKEY)

The feeling is mutual. Ganyan kayo ngayon. Pero hindi pa ito ang tamang panahon para sa inyong dalawa. Marami pa kayong kailangang ayusin at marami pa kayong pagdaraanan bago maging maayos ang lahat sa pagitan ninyo.

Masuwerteng numero; 6,23,34,67

TANDANG (ROOSTER)

Mahihirapan kang itago ang espesyal mong damdamin para sa isang bagong kaibigan. Para kasing nanunukso ang tadhana na ang pag-iwas mo sa kanya ay hindi magiging madali dahil paglalapitin kayo nito.

Masuwerteng numero; 30,33,45,78

ASO (DOG)

Gawin mo ang alam mong nararapat para sa iyong pamilya. Huwag mo munang pakinggan ang mga alingasngas ng mga negatrons sa paligid mo dahil wala silang maitutulong sa pamilya mo. Pagmumulan pa sila ng problema.

Masuwerteng numero; 2,5,8,19

BABOY (PIG)

Hindi porke’t ikaw ang matanda ay ikaw lagi ang tama. Sa pagkakataong ito ay ikaw ang kailangan na magpakumbaba. Kung gusto mong irespeto ka ay dapat alam mo rin kung paano magrespeto ng iba maski sa mga nakababata.

Masuwerteng numero; 5,36,59,60 kaw lagi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here