Chinese Horoscope; Marso 18

0
213

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hindi mo kailangang magpanggap sa harapan ng isang tao. Kahit na anong iwas mo na maramdaman niya ang tunay mong damdamin o kahit pa hindi mo gustuhin na siya ay masaktan, mas makakabuti pa rin kung magpapakatotoo.

Masuwerteng numero; 4,7,9,19

BAKA (OX)

Ikaw lang ang makakapagdesisyon ng final kung anong negosyo ang gusto mong pasukin. Huwag kang magpa-impluwensya sa mga tao na walang alam kundi ang magsuggest kahit wala naman silang nalalaman tungkol dito.

Masuwerteng numero; 6,17,29,30

TIGRE (TIGER)

Nakatakdang maging maayos ang lahat sa araw na ito kaya huwag ka nang mag-alala pang masyado. Maari mo ng ipanatag ang loob mo tungkol sa mga bagay na nagpapagulo ngayon sa isip mo at dahilan ng stress mo.

Masuwerteng numero; 1,20,44,50

KUNEHO (RABBIT)

Wala kang magagawang mahalaga ngayong araw na ito. Ang isip mo kasi ay maookupa ng mga bagay at alaala mula sa iyong nakaraan. Hindi mo ito mapipigilan dahil kusa itong dadaloy sa utak mo kahit pa iwasan mo itong isipin.

Masuwerteng numero; 18,20,35,56

DRAGON (DRAGON)

Maaaring magbago ang mood mo sa pagdating ng isang tao na matagal mo nang pinagseselosan. Hindi mo gustong makita ni anino niya pero wala kang magagawa sa magiging biglaan niyang pagsulpot sa inyong kasayahan.

Masuwerteng numero; 16,28,29,40

AHAS (SNAKE)

Kakapusin ka sa budget ngayon kaya kahit ayaw mo pa ay mapipilitan kang lumapit sa isang kamag-anak na ayaw mo pa naman sanang lapitan. Ikakabigla mo ang magiging reaksyon niya sa gagawin mong paghingi ng tulong.

Masuwerteng numero; 9,11,22,78

KABAYO (HORSE)

Hindi ito ang tamang araw para sermunan mo ang isang nakababata sa’yo. Hindi  rin ito ang tamang lugar. Mapapahiya siya sa ibang tao at mapapahiya ka rin sa kanya dahil para ka lang magsasalita sa hangin.

Masuwerteng numero; 44,45,62,80

TUPA (SHEEP)

Magiging maganda at kaaya-aya ang araw mo ngayon. Ito ay dahil lang sa nag-iisang tao ngayon na nagpapangiti sa puso mo. Ang simpleng pagkausap niya sa’yo ay sapat na para gumaan ang pakiramdam mo.

Masuwerteng numero; 25,29,33,41

UNGGOY (MONKEY)

Ikaw lang ang nag-iisip ng hindi maganda tungkol sa kanya. Pero siya, labis ang paghanga niya sa’yo na hindi lang niya maipahayag dahil bukod sa nahihiya siya sa’yo ay alam naman niya na walang magiging tugon mula sa’yo ang damdamin niya.

Masuwerteng numero; 6,18,21,39

TANDANG (ROOSTER)

Isang pagbabago ang magaganap sa araw na ito sa pagitan mo at ng taong minamahal mo. Bagamat maliit na pagbabago lamang ito sa ngayon ay maaari naman itong maging daan para sa mas malaki pang pagbabago sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 9,11,12,13

ASO (DOG)

Ikaw na ang makakapagsabi sa tunay na ugali ng kasama mo sa bahay. Makikita mo ngayon ang isang patunay kung bakit marami kang naririnig na salita mula sa iba tungkol sa kanya. Mapapakibit balikat ka lang dahil wala ka namang magagawa.

Masuwerteng numero; 10,34,42,55

BABOY (PIG)

Wala ka ng dahilan para habulin pa ang isang tao na hindi ka na gusto pang makasama o makausap man lang. Hindi sa kanya dapat umikot ang mundo mo at hindi rin ito dapat titigil sa kanya lang. Bumangon ka at mag move on.

Masuwerteng numero; 8,14,25,26 000

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here