Chinese horoscope; Marso 17

0
143

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Wala kang dapat ipag-alala sa isang kamag-anak na bumyahe para magpunta sa isang malayong lugar. Alam niya ang kanyang ginagawa at kaya niyang alagaan ang kanyang sarili. Ipanatag mo na ang iyong loob.

Masuwerteng numero; 1,12,32,40

BAKA (OX)

Okay lang na magconcentrate ka muna sa iyong trabaho at huwag munang bigyan ng pansin ang nananamlay mong lovelife. Hindi ito kabawasan sa’yo lalo pa at hindi naman seryoso sa’yo ang iyong kapareha.

Masuwerteng numero; 7,18,19,30

TIGRE (TIGER)

Walang dahilan ang ipinagtatampo mo sa iyong mahal. Lahat ng gusto mo ay ibinibigay niya sa’yo kaya huwag mo siyang hanapan ng butas sa konting pagkakamali na magagawa niya. Ayusin mo agad ang gusot bago pa ito magkaroon ng dahilan.

Masuwerteng numero; 16,20,36,55

KUNEHO (RABBIT)

Ang pagdadalawang isip mo ang magiging dahilan para makalampas ang isang oportunidad. Kulang ang kumpiyansa mo sa sarili para makapagdesisyon kang mag-isa. Iwasan mo ang palaging umasa sa suhestiyon at opinyon ng iba.

Masuwerteng numero; 5,15,46,78

DRAGON (DRAGON)

Isang tao na may lihim na inggit sa’yo ang magpapanggap na nagmamalasakit. Mag-ingat ka sa mga salitang bibitawan mo sa kanya gayundin sa iyong pagkilos dahil inaabangan niya ang pagkakamaling magagawa mo.

Masuwerteng numero; 3,4,25,27

AHAS (SNAKE)

Malilito ka sa gagawin mong pagdedesisyon na may kinalaman sa iyong trabaho. Parehong nakakataas sa’yo ang magbibigay ng kanilang opinyon at pareho itong magbibigay ng advantage sa’yo kaya naman maguguluhan ka.

Masuwerteng numero; 19,30,32,48

KABAYO (HORSE)

Magiging maganda ang araw mo dahil sa hindi inaasahang pagbisita ng isang dating kaibigan. Ang pagkikita nyo ay isang priceless na pagkakataon.Kuwentuhan to the max. Magiging memorable ito para sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 21, 44, 50, 63

TUPA (SHEEP)

Magiging mabait sa’yo ang tadhana sa araw na ito. Ang lahat ng nais mong mangyari ay mangyayari. Pagbibigyan niya ang mga kahilingan mo at papaboran anuman ang kagustuhan mo. Samantalahin mo ang pambihirang pagkakataon na ito.

Masuwerteng numero; 6,28,29,40

UNGGOY (MONKEY)

Kahit nasa loob ka lang ng bahay ay hindi ka makakaramdam ng pagkainip. Komportable ka dito at magaan ang loob mo. Para sa’yo ang trabaho sa loob ng bahay na at the same time ay naaalagaan mo ang iyong mga anak ay maituturing na isang suwerte.

Masuwerteng numero; 6,7,18,29

TANDANG (ROOSTER)

Hindi ka dapat magpaapekto sa mga narinig at maririnig mo pa. Kung may nagawa kang mali dapat kang magpakumbaba at maging matatag. Hindi naman ito malaki para palalain pa ng husto. Kailangan mo lang manindigan.

Masuwerteng numero; 5,13,36,52

ASO (DOG)

Ang pagtingin mo sa isang taong malapit sa’yo ay mababawasan dahil sa ipapakita niya sa’yong hindi maganda. Ang pinakaaayaw mo pa naman sa isang tao ay yung may attitude na hindi katanggap tanggap.

Masuwerteng numero; 8,19,20,21

BABOY (PIG)

Magkakaroon ng lamat ang inyong pagkakaibigan dahil matutuklasan ninyong pareho na iisa ang inyong nagugustuhan. Sa halip na subukang ayusin ay iiwasan nyo ang isa’t-isa . Magdudulot lamang ito ng mas malalang problema.

Masuwerteng numero; 15,16,37,58

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here