Chinese Horoscope; Marso 16

0
189

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT) Mailap man ang suwerte sa araw na ito, hindi ibig sabihin ay wala ka ng dahilan para ngumiti. Nasa’yo pa rin ang pagkakataon para sumaya. Tingnan mo lang ang iyong pamilya o kaya ay makipagkita sa mga kaibigan. Masuwerteng numero; 1,12,34,36

BAKA (OX) Hindi magiging maganda ang resulta ng isang proyektong minadali. Bago mo ito simulan at tapusin , kailangan ay klaro sa iyo ang mga detalye ng bawat bahagi nito. Ito ang dapat mong gawin kung gusto mo ng magandang resulta. Masuwerteng numero; 17,23,24,30

TIGRE (TIGER) Maganda ang development sa hinihintay mong resulta ng pag-aapply mo sa ibang bansa. Dahil dito kaya makakaramdam ka na ng matinding kaba. Hindi ka kasi sigurado sa sarili mo kung handa ka ba talagang pansamantalang iwan ang iyong pamilya. Masuwerteng numero; 6,18,21,22

KUNEHO (RABBIT) Magkakaroon ka ng interes sa pagluluto dahil mai-inspire ka sa isang kaibigan na magaling sa larangang ito. Ang kakaiba niyang teknik at istilo ay magpapabilib sa’yo ng husto kaya gugustuhin mo na subukan din ito. Masuwerteng numero; 1,3,17,28

DRAGON (DRAGON) Ang hindi inaasahang pag-usbong ng espesyal na damdamin para sa isang kasamahan sa trabaho ay magpapagulo sa iyong isip. Pag-aari na siya ng iba kaya naman mahihirapan ka na bigyang laya ang iyong nararamdaman. Masuwerteng numero; 1,2,13,29

AHAS (SNAKE) Gustuhin mo man na mapadali ang proseso sa pag-aasikaso mo ng mga dokumentong may kinalaman sa inyong lupa ay wala kang magagawa. Hindi mo ito pwedeng madaliin lalo pa at maraming nag-aabang sa kahihinatnan nito. Masuwerteng numero; 4,25,38,49

KABAYO (HORSE) Hindi mo pwedeng balewalain ang kahilingan ng iyong minamahal. Gayunpaman, kailangan mo itong pag-isipan ng mabuti dahil anuman ang maging desisyon mo rito ay isa lang ang sigurado. May magbabago. Masuwerteng numero; 1,11,22,33

TUPA (SHEEP) Magiging kaaya-aya ang panahon gayundin ang paligid sa kalsadang iyong madaraanan. Ibig sabihin ay isang magandang pagkakataon ito para bumyahe. Kalmado lang ang lahat at walang mae-encounter na traffic. Masuwerteng numero; 6,8,19,30

UNGGOY (MONKEY) Hindi mo na ikakagulat ang gagawing pagtatapat sa’yo ng isang kasamahan sa trabaho. Matagal mo ng ramdam ang espesyal na pagtingin niya sa’yo. Pero hindi mo ito pwedeng i-entertain dahil hindi ka na malaya tulad niya. Masuwerteng numero; 7,48,50,66

TANDANG (ROOSTER) Magiging komportable ka sa bahay ngayong araw na ito. Walang sinuman ang maglalakas loob na istorbohin ka sa iyong pagpapahinga. Alam kasi nila na minsan ka lang makakuha ng oras para magpahinga. Masuwerteng numero; 1,2,3,4

ASO (DOG) Mapapadalas ang paglabas mo kasama ang isang bagong kaibigan. Isa ang araw na ito sa masasayang araw na pagsasamahan nyo. Hindi ka magkakamali sa inaasahan mo. Walang dull moment na mamamagitan sa inyo. Masuwerteng numero; 6,15,26,37

BABOY (PIG) Kung meron man isang tao na labis ang pag-aalala sa’yo ngayon, iyon ay walang iba kundi ang iyong best friend. Alam niya na hindi maayos ang relasyon mo ngayon sa iyong pamilya at hindi niya gusto ang sitwasyon na yon para sa’yo. Masuwerteng numero; 9,10,77,80

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here