Chinese Horoscope; Marso 15

0
282

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT) Mag-ingat sa isang bagong kakilala. Ang kanyang mga ngiti at salita ay aakit sa’yo. Malaki ang posibilidad na pagkatiwalaan mo siya ng lubos kahit hindi mo pa siya gaanong kilala. Magdudulot ito ng problema sa’yo. Masuwerteng numero; ,5,16,27,33

BAKA (OX) Makikita mo na ng harapan ang pruweba sa iyong mga hinala. Pero sa halip na makipagkomprontasyon mas pipiliin mo na talikuran ang sitwasyon at lumayo para makapag-isip ng tama. Tama ang iyong gagawin. Masuwerteng numero; 12,25,40,52

TIGRE (TIGER) Ikaw ang magpapaikot ng iyong negosyo at hindi ang ibang tao kaya naman huwag mo itong hayaan na hawakan ng iba. Huwag mong ipabahala sa kanila ang dapat ay ikaw ang gumagawa kung gusto mong umasenso. Masuwerteng numero; 1,17,28,29

KUNEHO (RABBIT) Huwag mong bibitawan ang isang kaibigan dahil lang sa may narinig kang hindi maganda tungkol sa kanya. Kaibigan ka niya at dapat lang na patunayan mo ito sa kanya. Pakinggan mo muna ang kanyang mga sasabihin. Masuwerteng numero; 16,28,30,34

DRAGON (DRAGON) Kaaaliwan mo ang isang bagong kakilala. Masyadong magaan ang kanyang personalidad para sa’yo. Masaya siyang kasama at nakikita mo sa kanya ang iyong ex. Mag-ingat dahil baka ma-fall ka nang hindi mo sinasadya. Masuwerteng numero; 1,3,14,25

AHAS (SNAKE) Kakaririn mo ngayon ang mga nabinbing trabaho. Wala kang maaasahan na tulong mula sa mga kasamahan dahil tulad mo ay mangangarag din sila sa kani-kanilang nakatokang trabaho. Magfocus ka na lang. Masuwerteng numero; 6,27,38,40

KABAYO (HORSE) Sa halip na maimbiyerna ay gagawin mo na lang inspirasyon ang isang kasamahan sa trabaho na mas mataas ang posisyon kaysa sa’yo. Wala ka sa mood na maging negatron ngayong araw na’to kaya deadma zone mo na lang muna siya. Masuwerteng numero; 19,22,31.60

TUPA (SHEEP) Huwag kang magpapadalos-dalos ng desisyon. Isang mahalagang bagay ang iyong kailangang pagpasyahan at makakaapekto ito sa iyong mga mahal sa buhay kaya kailangan mong pag-isipan ng mabuti. Masuwerteng numero; 12,13,41,66

UNGGOY (MONKEY) Ituloy mo lang ang kasipagan sa trabaho dahil aanihin mo ang lahat ng ito sa hinaharap. Isang matagal ng hinahangaan ang magbibigay sa’yo ngayon ng inspirasyon. Mahihirapan kang pigilan ang espesyal na damdamin para sa kanya. Masuwerteng numero; 5,23,48,50

TANDANG (ROOSTER) Makakaramdam ka ng kalungkutan na hindi mo alam ang panggagalingan. Hindi masaman magtawag ng mga kaibigan kung sa tingin mo ay maiibsan nila ang kalungkutan na iyong nararamdaman. Piliin lamang ang tatawagan. Masuwerteng numero; 8,33,37,44

ASO (DOG) Ang mga alalahanin mo nitong mga nakaraang araw ay tuluyang maglalaho ngayon. Isang tao ang makapagsasalba sa’yo mula sa mga problemang ito kaya dapat lang na pasalamatan mo siya kahit man lang isang treat sa kainan. Masuwerteng numero; 17,26,57,78

BABOY (PIG) Papabor sa’yo ang tadhana sa nais mong mangyari. Aayon ang lahat sa proyektong ilalatag mo at maganda ang magiging feedback nito mula sa nakatataas. Huwag ka lang mag-iiba ng mga plano dahil sasablay ka na. Masuwerteng numero;,12,24,26,30

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here