Chinese Horoscope; Marso 13

0
458

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Magiging mailap sa’yo ang suwerte sa araw na ito.Mas makakabuti  kung ikaw ay mananahimik muna sa loob ng bahay upang maiwasan mo ang unos ng kamalasan at hayaan na dumaan lang ito hanggang sa matapos ang araw.

Masuwerteng numero; 9,10,23,24

BAKA (OX)

Walang magaganap na pagpapatawaran kung patuloy kayong magpapataasan ng pride ng iyong mga kaibigan. Ang isang maliit na gulo na naging malaki ay sanhi lamang ng matataas ninyong ego kaya kung may isa na magbababa nito ay magiging maayos ang lahat.

Masuwerteng numero; 18,29,33,40

TIGRE (TIGER)

May angkin kang talento na hindi alam ng iba. Hindi mo ito mapapakinabangan kung patuloy mo lang na itatago. Ngayon na ang pagkakataon para ipakita mo ito sa ibang tao. Kailangan mong iwasan ang hindi magandang pakiramdam.

Masuwerteng numero; 15,29,30,34

KUNEHO (RABBIT)

Matutuwa ka sa malalaman mo na saloobin sa’yo ng isa sa iyong mga kapitbahay. Hindi mo ito inaasahan at hindi mo akalain na may maganda pala siyang iniisip tungkol sa’yo. Ang buong akala mo kasi ay mailap siya at masungit.

Masuwerteng numero; 14,17,26,55

DRAGON (DRAGON)

Isang kamag-anak ang bibisita ngayon. May mahalaga siyang sadya sa’yo na hindi mo magagawang tanggihan. Pero hindi papabor dito ang iyong kabiyak kaya naman maiipit ka sa gagawin mong pagdedesisyon.

Masuwerteng numero; 1,3,64,70

AHAS (SNAKE)

Ito ang araw na pipiliin mong manahimik sa loob ng inyong bahay at samantalahin ang pagpapahinga. Kahit pa may ilang kakatok ay hindi ka magpapaistorbo. Kaya naman isang oportunidad ang mapapalampas mo.

Masuwerteng numero; 18,19,25,27

KABAYO (HORSE)

Magiging maayos ang pagtanggap mo sa isang bagong miyembro ng pamilya. Kahit pa hindi mo gusto ang kanyang pinagmulan. Magiging bahagi siya ng inyong negosyo at ikaw ang mapipili niyang kaibiganin sa inyong pamilya.

Masuwerteng numero; 45,48,50,61

TUPA (SHEEP)

Ang naiwan mong trabaho ay babalikan mo ngayon para tapusin. Pero masosorpresa ka dahil ang akala mo na madali mo lang itong matatapos ay hindi pala. Naipon na kasi at nadagdagan pa kaya kakailanganin mong mag-overtime.

Masuwerteng numero; 8,19,26,35

UNGGOY (MONKEY)

Mahihirapan kang paglabanan ang bigat ng katawan ngayong araw na ito. Alam mo na gabundok na ang trabahong kailangan mong tapusin pero mananaig sa’yo ang kagustuhan mong makapagpahinga. Iisipin mong bumawi sa ibang araw.

Masuwerteng numero; 12,22,40,52

TANDANG (ROOSTER)

Ang pagbuntot mo sa isang tao ay hindi makakatulong sa’yo. Lalo ka lamang niyang iiwasan. Mas makakabuti kung didistansya ka muna at gagawin ang mga bagay na dati mong ginagawa bago pa man siya dumating sa buhay mo.

Masuwerteng numero; 8,12,38,40

ASO (DOG)

Isang kaibigan mo ang makakatuwang mo para sa isang aktibidad na papasukin mo. Magiging masaya ang aktibidad na ito na may kinalaman sa pangangalaga ng kapaligiran. Lalo pang magiging masaya dahil sa iyong kaibigan.

Masuwerteng numero; 7,16,66,70

BABOY (PIG)

Mabigat man sa loob mo ay kailangan mong pakawalan ang isang tao. Gaano mo man siya kamahal kung dahil naman sa pagmamahal na ‘yon ay maraming magdurusa, mawawalan din ito ng saysay kaya’t hindi mo na dapat pang palalimin.

Masuwerteng numero; 19,20,34,45 \

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here