Chinese Horoscope June 6

744

Latest posts by Madame Yna (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope June 6

 

Daga (Rat)

Masakit tanggapin na ang taong minahal mo ng sobra ay siya palang tatraydor sa’yo. Gayunman, kailangang mag-move on para magkaroon ka ng magandang buhay. Masuwerte ka na lang at malusog ka samantalang ang iba ay ipinaglalaban ang kanilang buhay.

 

Baka(Ox)

Ikaw lang ang makakapagpalaya sa sarili mo sa bangungot na iyong pinagdaanan. Kaya, tanggapin mo na ang katotohanan. Kung hindi mo gagawin ‘yan, ikaw lang ang mahihirapan. Gusto mo pa bang mangyari iyon? Huwag naman.

 

 

Tigre (Tiger)

Kung nais mong magkaroon ng magandang kita, gawin mo nang maayos ang iyong trabaho. Huwag kang makuntento sa ‘okay na’, dapat laging ‘the best’. Kapag nakita ng boss mo kung gaano ka kagaling at kasipag, tataasan niya ang sahod mo. Mapalad ka sa kulay na gray.

 

 

Kuneho (Rabbit)

Dapat alam mo kung ano ang iyong uunahin. Kumbaga, kailangan muna bago ang gusto mo lang. Huwag ang utak ang gamitin mo, pati na ang puso mo. Masuwerte ka sa kulay puti.

 

 

Dragon

Marami ka mang problema, nalalampasan mo naman. Bakit? Mapalad ka kasi sa mga taong nakapaligid sa’yo. Handa sila laging tumulong at dumamay sa’yo. Kaya, maging mabuti kang tao. Sa pamamagitan niyan ay mas susuwertehin ka.

 

 

Ahas (Snake)

Huwag mong palalampasin ang mga oportunidad na dumarating sa’yong buhay dahil lang sa walang kuwentang pag-ibig. Maaari kasing magtampo sa’yo ang suwerte. Huwag mo hayaang mangyari iyon. Mapalad ka sa kulay blue.

 

 

Kabayo (Horse)

May masamang binabalak ang mahal mo sa buhay kaya puntahan mo siya. Alamin mo ang problema niya. Kung babalewalain mo siya, maaaring bukas ay huli na ang lahat. Mamalasin ka habambuhay sa makapal na lubid.

 

Tupa(Sheep)

Huwag mo ituon ang iyong pansin sa isang bagay lang. Marami pang iba riyan. Maging happy ka sana palagi. Mangyayari lang iyon kung kuntento ka sa’yong buhay. Hindi naman mahirap gawin iyon, di ba?

 

Unggoy (Monkey)

Huwag mo isipin lagi ang sinasabi ng ibang tao. Dapat, gawin mo kung ano ang gusto mo. Gayunpaman, kung alam mo na rin namang mali ka, huwag mo na ituloy ang ginagawa mo. Mamalasin ka rin kasi.

 

Tandang(Rooster)

Mapalad ka dahil ang taong minamahal mo ay talagang bagay na bagay kayo. Siya ang first love mo at siya na rin ang iyong true love. Kung sakaling magkakahiwalay kayo, muli kayong magkakabalikan. Kaya, maniwala sa tadhana.

 

 

Aso (Dog)

Ito ang perpektong araw para maganap ka ng trabaho, pag-uwi mo kasi ay mayroon kang magandang balita. Masuwerte ka sa bulaklakin kaya ‘yan ang isuot mo sa iyong job interview. Kung may magtatawa man sa’yo, huwag mo na silang pansinin.

 

 

Baboy(Pig)

May makikilala kang importanteng tao. Ibig sabihin, siya ang magbibigay ng suwerte sayong buhay. Kaya huwag kang sisimangot. Huwag mong papasukin ang nega vibes sa’yong buhay. Dapat positibo para suwertehin ka pang lalo.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

SHARE
Previous articleOnline Horoscope Hunyo 6 2018
Next articleReiki to Quit Smoking

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here