Chinese Horoscope June 27

0
567

Latest posts by Madame Yna (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope June 27

 

Daga (Rat)

Hindi basehan ang panlabas na anyo para masabi mong mabait at mapagkakatiwalaan ang isang tao. Kaya, kilalanin mo muna ang isang tao kung gusto mo siyang pagkatiwalaan. Baka kasi sa huli ay maloko ka lang.

 

Baka(Ox)

Maraming bawal, ano ang gagawin mo? Hindi mo ba susundin ang nakakatanda. Okay lang na huwag kang sumunod pero ihanda mo na rin ang magiging kinabukasan mo. Malabo kasing magkaroon ka ng magandang buhay.

 

Tigre (Tiger)

Sagipin mo ang isang taong nanganganib at siguradong dadagsain ka ng suwerte. Ibig kasing sabihin niyan ay may pagpapahalaga ka sa’yong kapwa at gustung-gusto ‘yan ni God. Dahil diyan, ikaw ay mas pagpapalain.

 

Kuneho (Rabbit)

Maging maporma ka ngayong araw at mayroong magandang balitang ihahatid sa’yo ang langit. Ngunit, huwag lang ang sarili mo ang iyong isipin. Kailangan ding magbahagi ka ng biyaya sa’yong kapamilya at sa ibang tao na nangangailangan.

 

Dragon

Hindi lang sa mga tao ka dapat maging mabait kundi sa lahat ng nilalang na ginawa ni God. Ibig sabihin, maging mabait ka rin sa mga hayop at hindi ka rin dapat magkalat. Maging mabuti ka rin sa kalikasan. Kapag nagawa mo ‘yan, hindi ka maghihirap.

 

Ahas (Snake)

Huwag kang magsisinungaling. Kahit pa sabihin mong simpleng pagsisinungaling lang ‘yan, negatibo pa rin ang dating niyan. Kapag nasanay ka sa pagsisinungaling, palit din ng palit ang tsansa na magkakaroon ka ng magandang buhay.

 

Kabayo (Horse)

Maging maagap ka para palarin ka. Kung hindi ka kasi magiging alerto, malaki ang posibilidad na mapahamak ka lang. Huwag mo siyempre gustuhing mangyari iyon. Mapalad ka sa numero 7 at sa kulay berde.

 

Tupa(Sheep)

Huwag kang matakot. Kailangan mong maging matapang dahil ang katapangan mo lang ang makakapagligtas sa’yo. Gayunman, hindi mo pa rin kailangan manakit. Kung makakaiwas ka, gawin mo.

 

Unggoy (Monkey)

Masarap ang kumain nang kumain. Gayunpaman, kailangan mo rin namang isipin ang iyong kalusugan. Kapag kasi hindi mo tinigilan ang labis na pagkain, ‘yan ang magiging dahilan ng karamdaman mo na maring maging sanhi ng maga mong kamatayan.

 

Tandang(Rooster)

Protektahan mo ang taong malapit sa’yo. Tandaan, hindi ikaw ang dapat na maging dahilan ng kanyang kapahamakan.

 

Aso (Dog)

Kung huli ka na sa pagkakamaling ginawa mo, mas maigi pang umamin ka na at humingi ng kapatawaran. Kapag nagawa mo ‘yan, magugulat ka pa dahil lahat ng problemang inani mo, unti-unting mawawala at makakamit mo rin ang suwerteng iyong hinahangad.

 

Baboy(Pig)

Marami ang umayaw sa maitim dahil pangit daw ang kulay. Ikaw naman ay susuwertehin ang maitim. Hindi lang dahil sa maitim ang kulay ng itinadhana sa’yo kundi dahil mas magkakaron ka ng maraming pera sa gabi kaysa sa umaga.

 

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope June 27.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here