Chinese Horoscope June 25

808

Latest posts by Madame Yna (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope June 25.

 

 

Daga (Rat)

Kailangan mong tibayan ang iyong kalooban dahil may pagsubok na darating sa’yong buhay. Sa panahong ito, kailangan mo ang mga taong tunay na nagmamahal sa’yo. May pagkakataon kasi talaga namanghihina ka.

 

Baka(Ox)

Tumayo ka sa sarili mong mga paa. Huwag mong isipin na may mga taong nagmamahal sa’yo kaya hindi ka magiging miserable. Kailangan mong tandaan na wala namang permanente sa mundo kaya maaaring mawala sila at ikaw ay maiwang mag-isa.

 

Tigre (Tiger)

Masarap talagang magkaroon ng karelasyon pero tandaan mo, walang taong perpekto kaya maaaring hindi pa rin siya ang inilaan ng tadhana para sa’yo. Gayunpaman, huwag kang mag-alala. May pag-asa pa naman. Makikilala mo pa rin ang tanong magmamahal sa’yo ng tunay.

 

Kuneho (Rabbit)

Ang mga hadlang ay magagawa mo namang malampasan. Ang kailangan mo lang ay magkaroon ng lakas ng loob. Kaya, inhale-exhale ka at sabihin mong ‘kaya mo ‘to’. Masuwerte ka sa numero sais at dilaw.

 

Dragon

Kalmahin mo nga ang sarili. Hindi naman lahat ay madadaan sa galit. Easy ka lang diyan. Maging mahinahon ka.  Kapag nagawa mo ‘yan mababawasan nang mababawasan ang iyong problema hanggang sa maging happy ka na.  

 

Ahas (Snake)

Magkaroon ka ng malawak na pang-unawa. Sa pamamagitan noon ay magiging okay na ang lahat. Hindi na kasi galit ang lagi mong pairalin. Magmahal ka rin kasi. Hindi iyong galit na lamang ang lagi mong nararamdaman.

 

Kabayo (Horse)

May mga oportunidad na kahit hindi mo hanapin ay madali mong makita. Isa ka talaga sa masuwerte dahil hindi ka na mahihirapan pang maghanap. Ang lahat kasi ng kailangan mo ay madali mong makikita.

 

Tupa(Sheep)

Mataas man ang pangarap mo, magagawa mo pa rin ‘yang abutin. Panatiliin mo lang ang determinasyon mo. Ang puso at isipan mo ang sabay na magtatrabaho para makuha mo ang lahat ng gustuhin mo.

 

Unggoy (Monkey)

Hindi naman lahat ng katapangan ay nakukuha sa pakikipagsuntukan. May mga katapangan na makikita dahil sa pagtanggap sa katotohanan. Kaya, imulat mo lang ang mga mata mo. Huwag mong hayaan na maunahan ka ng mga mapang-abusong tao.

 

Tandang(Rooster)

Kung madilim man ang tingin mo ngayon sa buhay, okay lang ‘yan. Hindi naman lagi ka na lang nasa dilim. Talaga lang kailangan mo ring malampasan ang mga pagsubok para naman maging maliwanag din ang iyon buhay.

 

Aso (Dog)

Huwag mong isipin na maaaring maglaho ang suwerte mo dahil lang sa sunud-sunod na kamalasan na natamo mo. Alalahanin mo, may mga taong higit na nagdurusa sa’yo. Kaya, ang kailangan mong gawin magkaroon ng tibay ng loob.

 

Baboy(Pig)

Matagal ka ng nagmamahal, hindi ka pa rin sumusuko. Hindi kaya panahon na para tanggapin mo ang katotohanan. Ikaw din kasi ang kawawa kapag nanalangin ka pa na magkakaroon din kayo ng forever. Nakakasiguro kasi akong hindi mangyayari iyon.

 

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope June 25.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleDIWATA
Next articleIsyu 236 : Napapanaginipan ang ex-boyfriend

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here