Chinese Horoscope June 13

0
329

Madame Winn

Ako'y 50 taong gulang na ngunit kayang-kaya ko pa ring mabasa ang sinasabi ng iyong kapalaran. Hangad ko ang kaligtasan at kalusugan ng sinumang magbabasa ng Chinese Horoscope natin.

Latest posts by Madame Winn (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope June 13

 

 

Daga (Rat)

Magbigayan kayo para walang maging problema sa inyong samahan. Huwag maging makasarili kung nais n’yo talagang magkaroon ng forever. Ganoon lang naman kasimpleng ang buhay. Mapalad ka sa numero 13. Huwag maniniwala kung may magsasabing malas ang numerong ito.

 

Baka(Ox)

Ito na ang panahong malalaman mo kung sino ba talaga ang nagmamalasakit sa’yo. Kung hindi mo sila kilala sasabihin ko na rin, ang pamilya mo. Nakakalungkot lang na hindi mo sila gaanong napapansin dahil busy ka sa mga tang inaakala mong tumatanggap sa’yo.

 

 

Tigre (Tiger)

Umiwas ka na kung alam mong mapapahamak ka lang. Ikaw lang din kasi ang magiging kawawa. Ikakapahamak mo ‘yan. Malas ka sa madidilim na lugar. Huwag magpapagabi at umiwas sa madidilim na kalye. Mamalasin ka kung hindi ka mag-iingat.

 

 

Kuneho (Rabbit)

Ang problema ay magagawa mong malagpasan, maniwala ka lamang sa’yong sarili. Dapat mo ring malaman na magiging matatag ka kung haharapin mo ang mga pagsubok na daraan sa’yong buhay. Ngiti ang at magiging okay din ang lahat.

 

 

Dragon

Maging matibay ka sa mga pasaway na tang ibig na ibig kang ibagsak. Sa halip magalit magdamdam, gawin mo silang inspirasyon para mapaganda mo ang iyong buhay. Mgsasawa din naman sila sa mali  bilang gawa. Masuwerte ka sa numero 2 at 8.

 

Ahas (Snake)

Santambak na biyaya ang uulan sa’yo kaya huwag kang maging maramot. Kailangan ay maging mapagbigay ka rin para hindi mapigtal ang suwerteng dumating sa’yong buhay. Maging happy samga biyaya para mas maraming oportunidad na dumating.

 

Kabayo (Horse)

Nasaktan ka man, hindi dahilan ‘yan para sayangin mo ang iyong buhay. Yakapin mo ang mga nangyayari sa’yo dahil ‘yan ang daan para mag-matured ka at suwertehin pa. Mapad ka sa light colors.

 

Tupa(Sheep)

Ikaw ang ang nakakaalam kung sino sa kanila ang pipiliin mo, ang mahal mo o ang minamahal ka? Isip at puso ang pairalin. Ito ang paraan para maging maligaya ka. Singko ang masuwerteng numero sa’yo.

 

Unggoy (Monkey)

Guilty ka kaya hindi ka makatulog. Humingi ka ng tawad sa nasaktan mo para gumaan ang iyong pakiramdam.

 

Tandang(Rooster)

Lahat ng tao sinisisi mo, maliban sa’yong sarili. Huwag ganoon. Mag-isip ka rin kasi.

 

Aso (Dog)

Hindi siya tapat sa’yo. Hindi mo lang napapansin ang kanyang kasamaan dahil bulag kang umiibig sa kanya. Pakinggan mo naman ang sinasabi ng taong tunay na nagmamalasakit sa’yo.

 

Baboy(Pig)

Malaki ka na. Dapat alam mo na ang tama at mali ngunit dahil masyado kang emosyonal. Masuwerte ka sa malaki at maputi.

SHARE
Previous articleOnline Horoscope Hunyo 13 2018
Next articleTanong mo Sagot ko June 13
Ako'y 50 taong gulang na ngunit kayang-kaya ko pa ring mabasa ang sinasabi ng iyong kapalaran. Hangad ko ang kaligtasan at kalusugan ng sinumang magbabasa ng Chinese Horoscope natin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here