Chinese Horoscope June 12

0
451

Madame Winn

Ako'y 50 taong gulang na ngunit kayang-kaya ko pa ring mabasa ang sinasabi ng iyong kapalaran. Hangad ko ang kaligtasan at kalusugan ng sinumang magbabasa ng Chinese Horoscope natin.

Latest posts by Madame Winn (see all)

Tunghayan ninyo ang Chinese Horoscope June 12

 

 

Daga (Rat)

Huwag kang magpapadala sa’yong paniniwala, baka naman kasi nagkakamali ka. Maigi pa kung mag-iimbestiga ka muna.

 

Baka(Ox)

Kung ang mga karelasyon mo noon ay masyadong agresibo, ngayon naman ay saksakan ng konserbatibo. Hindi man siya ang ideal mong karelasyon, siya naman ang mamahalin mo. Kaya, yakapin mo na lang ang katotohanan na ito.

 

Tigre (Tiger)

Mayroon ka mang importanteng kailangang sabihin sa’yong mahal pero hindi agad magagawa dahil sa negatibong emosyon. Labanan mo ang takot na iyong nararamdaman. Masuwerte ka sa kulay dilaw dahil nagbibigay liwanag ito sa’yong buhay.

 

Kuneho (Rabbit)

Huwag kang hugot nang hugot, hindi ‘yan makakabuti sa’yong buhay. Mag-move on ka dahil iyon ang makakabuti para sa’yo. Ang nakaraan ay dapat ng ibaon sa limot. Kung ibig mong suwertehin, move forward ka na.

 

Dragon

Aalagaan mong mabuti ang mga pinaghirapan mo. Huwag kang gasta nang gasta dahil kapag naubos ang pera mo, kawawa ka. Tandaan mo, hindi laging nasa iyo ang suwerte. Maaari ring dumating ang panahon na mawalan ka.

 

Ahas (Snake)

Ano ba talaga ang importante sa’yong buhay? Pera o pamilya? Diyan ka magdesisyon kung ano ba ang dapat mong gawin sa’yong buhay. Kung hindi mo talaga alam kung paano magbalanse, mamili ka na lang ng mas importante sa’yo.

 

Kabayo (Horse)

May pagsubok na darating sa’yong buhay at may kinalaman ito sa pera. Malaking salapi ang kailangan. Ngunit, kailangan mong mag-improve. Maging determinado ka sa’yong buhay para hindi ka na mamrublema pa sa salapi.

 

Tupa(Sheep)

Kung hindi ka maligaya sa’yong buhay, kumilos ka para maging happy ka. Anong gagawin mo? Mag-focus ka at maging determinado. Hindi maaaring nagpapa-distract ka. Masuwerte ka sa numero 6 at kulay violet.

 

Unggoy (Monkey)

Isipin mo, tama ba o mali ang iyong ginagawa? Kung kalokohan ang ginagawa mo, magbago ka na dahil masisira lamang ang iyong buhay. Kung tama naman ang ginagawa mo, ipagpatuloy mo ‘yan dahil gaganda pang lalo buhay.

 

Tandang(Rooster)

Kung mayroon kang problema, humingi ka na ng tulong. Hindi naman masama ‘yan lalo na kung ang lalapitan mo ay ang iyong kapamilya.

 

Aso (Dog)

Maaari ngang maganda ang takb ng buhay mo ngayon kaya binabalewala mo ang karamihang magagandang oportunidad. Aba, hinay-hinay sa pagtanggi dahil baka magtampo ang suwerte. Ikaw din ang kawawa.

 

Baboy(Pig)

Kumpletuhin mo ang mga kailangan mo. ‘Yan kasi ang magandang balita. Hindi ang simpleng ligaya ang makakamtan mo kundi sobra-sobra.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here