Chinese Horoscope July 19

775

Latest posts by Madame Yna (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope July 19

Daga (Rat)

Kapag pabago-bago ka ng salita, mabubuking ka na nanloloko. Kung inaakala mo na naisahan mo ang isang tao, nagkakamali ka. Wala lang siyang kakayahan na makipagbalitaktakan sa’yo pero magagawa ka niyang isumpa. Darating ang araw na mamalasin ka.

Baka(Ox)

Hindi naman lahat ng tao ay itinakda na magkaroon ng ka-partner. Kung wala kang karelasyon, tanggapin mo na lang dahil iyon ang makabubuti para sa’yo. Sa pag-iisa mo, tinitiyak ko na mas magiging happy ka pa.  

Tigre (Tiger)

Huwag kang mainip. Darating din naman kasi ang araw na makukuha mo ang gusto mo. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay mag-concentrate ka sa trabahong ginagawa mo. Mapalad ka sa numero 6 at 8.

Kuneho (Rabbit)

Huwag kang mag-feeling na magaling ka, dahil hindi. Kaya, huwag kang magyabang. Kung ano lang ang alam mo, iyon lang ang gawin mo. Mas magiging miserable kasi ang buhay mo kung papalpak ka lang. Sige ka, baka maghimas ka ng rehas.

Dragon

Ito na ang pagkakataon mo para maipakita mo sa lahat ang iyong galing. Lakasan mo lang palagi ang iyong loob. Maniwala at magtiwala ka sa sarili mong kakayahan.  

Ahas (Snake)

Hindi lahat ng ahas ay matatagpuan sa gubat pero ang bahay mo ay mala-gubat kaya huwag kang magtataka kung makakakita ka ng ahas. Iyon nga lang, hindi siya gumagapang kundi naglalakad. Ibig sabihin, mag-ingat ka sa mga taong papatuluyin mo sa’yong bahay.

Kabayo (Horse)

Matagal mo na gustong maging maligaya pero hindi mo hindi ka pa rin happy. Alam mo kung bakit? Hindi ka kasi marunong makontento. Huwag ganoon. Mapalad ka kaya dapat ay maging masaya ka na. Huwag mo kasing hanapin ang mga wala sa buhay mo.

Tupa(Sheep)

Kung hindi siya para sa’yo, hindi n siya babalik sa’yo. Mahirap pero kailangan mong tanggapin. Mag-move on ka kasi huwag kang tigil lang ng tigil.

Unggoy (Monkey)

Masarap makasama sa habambuhay ang taong mahal mo. Kaya, anumang problema ninyo ng karelasyon mo, ayusin ninyo. Hindi kasi kayo magiging maligaya sa piling ng iba. Mapalad kayo sa isa’t isa.

Tandang(Rooster)

Hindi naman maaari kung sarili mo lang ang iyong intindihin. Ang kailangan, maging concern ka rin sa mga taong nagmamahal sa’yo tulad ng iyong pamilya at mga kaibigan.

Aso (Dog)

Bumangon ka at harapin mo ang buhay nang may bagong pag-asa. Huwag kang magpakulong sa nakaran na hindi mo na naman magagawa pang ibalik. Mapalad ka sa numero singko.

Baboy(Pig)

Huwag kang mawalan ng pag-asa. Buhay ka pa kaya lahat ng pagkakamali mo ay magagawa mo pang maitama. Kapag hindi mo ginawa ‘yan at inabutan ka ng kamatayan, magiging kaluluwang gala ka. Hindi ka magkakaroon ng katahimikan.

Salamat sa pagbasa sa chinese Horoscope July 19

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleKapangyarihan: Astral projection, paano ba?
Next articlePalmistry 183: Mga dapat tandaan para lumigaya

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here