Chinese Horoscope Hulyo 14

0
504

Madame Winn

Ako'y 50 taong gulang na ngunit kayang-kaya ko pa ring mabasa ang sinasabi ng iyong kapalaran. Hangad ko ang kaligtasan at kalusugan ng sinumang magbabasa ng Chinese Horoscope natin.

Latest posts by Madame Winn (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope July 14 

Daga (Rat)

Huwag mong kimkimin ang iyong emosyon. Baka bigla na lamang sumabog ‘yan. Ang dapat mong gawin ay magpunta sa kaibigang mapagkakatiwalaan at sabihin sa kanya ang iyong problema. Tinitiyak ko sa’yo na magagawa ka niyang tulungan.

Baka(Ox)

Ito na ang pagkakataon mo para mapatunayan sa lahat na natatago mong galing. Maging determinado ka lang at lahat ay magagawa mong abutin. Mapalad ka sa numero 15 at kulay pink na may kahalong pula.

Tigre (Tiger)

Handa ka na ba sa pagbabago? Tiyak ko na ‘oo’ naman ang sasabihin mo kaya kailangan ay lakasan mo ng husto ang iyong loob. Mapalad ka sa kulay green.

Kuneho (Rabbit)

Kinakailangan mong magpakasipag sa’yong pagtatrabaho. ‘Yan lang kasi ang tanging paraan para ikaw ay umasenso. Kaya, alam mo na ang mangyayari sa’yo kapag nagpakatamad ka. Gayunpaman, sasabihin ko pa rin, magkakaroon ka ng miserableng buhay.

Dragon

Huwag kang masyadong magpakulong sa pag-ibig dahil may iba ka pang dapat na asikasuhin. Dapat, intindihin mo rin ang iyong trabaho. Kailangan ay tuparin mo muna ang iyong pangarap.

Ahas (Snake)

Hindi naman porke magiging masaya ka sa parating na party, itutuloy mo na kahit ang mga magulang mo ang labis na mamumublema maibigay lamang ang kaligayahan mo. Maging sensitive ka naman. Kung hindi kaya, huwag mong pilitin. Ang gawin mo, mag-aral ng mabuti at magtapos para makakuha ng magandang trabaho.

Kabayo (Horse)

Kung may tao ka mang naaalala ngayon, dapat naman ay kamustahin mo siya. Kung mayroon kayong di pagkakaunawaan, ito na ang panahon para kayo ay magkaayos.

Tupa(Sheep)

Happy ka ngayon dahil maraming pera ang pumapasok sa’yong kaban ng yaman. Okay lang naman na mag-enjoy ka, huwag ka lang masyadong mawili. Kailangan mo rin kasing magtabi para ikaw ay magkaroon ng magandang buhay.

Unggoy (Monkey)

May makikilala ka na makapagbibigay sa’yo ng magandang buhay. Mapalad ka ikaw ang napili niyang pagkatiwalaan kaya huwag mo hahayaang masira ang tiwala niyang iyon.

Tandang(Rooster)

Marami kang masasabi na masasakit sa taong malapit sa’yo. Kaya, habang maaga pa, makabubuting ayusin mo na ang gusot sa inyong pagitan. Isipin mo na lamang ang pinagsamahan ninyo. Sapat na ‘yon para magkaayos kayo.

Aso (Dog)

Kung gusto mo ang isang bagay, agad mong makukuha. Ibang klase ka kasi, magaling ka kaya dapat lang naman na mas pag-igihin mo pa ang ginagawa mo. Mapalad ka talaga sa mga light colors kaya ganoong kulay ang isuot mo.

Baboy(Pig)

Dapat lamang na malaman ng iyong mahal kung ano ang iyong nararamdaman para mas maunawaan ka niya. Tandaan mo, nagsumpaan kayo na magsasama kayo habambuhay kaya dapat lamang na magtulungan kayo sa anumang problema.

Salamat sa pagbasa ng Chinese Horoscope July 14.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here